Pilit Niyang Inagaw ang Asawa ng Kaniyang Pinsan Dahil Lamang sa Inggit; Ito Ang Ganti Sa Kanila ng Kapalaran
Bata pa lamang ang magpinsang sina Flor at Mira ay palagi nang may nagaganap na pagkukumpara sa pagitan ng dalawa. Hindi siguro ito maiwasan dahil na rin sa magkasing edad ang dalawa. Sa paningin ng kanilang pamilya ay mas magaling itong si Flor dahil isa siya sa pinaka-magagaling sa kanilang paaralan. Mayumi din kung kumilos ang dalaga at talagang maraming nabibighani sa kaniya. Kaya ganoon na lamang ang naitanim na inis at galit ni Mira sa pinsan.
“Siya na lang lagi ang magaling sa paningin ng lahat. Akala mo naman sinong santa, akala mo sinong mahinhin,” sambit ni Mira sa kaniyang sarili.
Ilang taon ang nakalipas at parehas nang nakapagtapos ng pag-aaral ang magpinsan. Ang akala ni Mira ay matatapos na ang lihim na kumpetisyon sa pagitan nilang dalawa ngunit hindi pa pala.
“Tingnan mo ‘yang si Flor, Mira. Dahil mataas ang kaniyang pinag-aralan ay maganda ang nakuha niyang posisyon agad sa trabaho. Kung ginalingan mo rin kagaya niya ay hindi sana ganoon na rin ang natamo mo sa buhay mo,” saad ng tiyahin ng dalaga.
Hindi na lamang kumibo si Mira sapagkat alam niyang kahit ano pa ang sabihin niya ay mas magaling talaga para sa kanila si Flor.
Dahil sa magkaibang landas na sinapit ng dalawa ay lalong umigting ang pagkukumpara sa kanila. Nakapangasawa si Flor ng isang arkitekto at ‘di hamak na may kaya sa buhay. Samantalang si Mira ay matapos mabuntis ng kaniyang nobyo ay hindi na pinanagutan. At nalaglag din ang bata dahil sa lungkot na naramdaman nito.
“Swerte talaga sa buhay itong si Flor, ano? Mantakin mo lahat na yata ng magagandang puwedeng mangyari sa buhay niya ay nasa kaniya. Kung hindi ka siguro nagmadali sa pag-aasawa, Mira, malamang ay ‘yan din ang sinapit mo,” saad ng isang kamag-anak.
“Oo nga. Sa tingin ko ay wala nang hahanapin pa si Flor sa asawa niyang si Gio. At ganoon din naman si Gio kay Flor. Talagang para sila sa isa’t isa,” sambit pa muli ng isa pang kamag-anak.
Sa bwisit ni Mira ay hindi niya maitago ang inis at inggit na kaniyang nararamdaman. Sa totoo lamang ay gusto niya rin ng ganoong buhay. Pero, malayo na ang narating ni Flor. Hindi hamak na sobrang layo na ng pagitan nila ni Mira.
Isang araw ay humingi ng tulong si Mira sa kaniyang pinsang si Flor. Kailangan kasi nito ng pansamantalang matitirhan habang pinagagawa ni Flor ang binabaha niyang bahay. Bukas loob naman siyang pinatuloy ng mag-asawa sa bahay nito.
“H’wag kang mahihiya dito, Mira. Ituring mong bahay mo rin ito,” sambit ni Flor sa pinsan.
Habang tumatagal si Mira sa tahanan ng mag-asawa ay nakikita niya kung paano ituring ni Gio ang misis na si Flor. Anong pagnanais ni Mira na sana ay may ganoon din siyang katuwang.
“Buti ayos lang sa asawa mo, Flor, na palagi kang abala sa trabaho mo? Hayaan tuloy at hindi kayo magkaanak,” sambit ni Mira sa pinsan.
“Wala na akong mahihiling pa diyan kay Gio. Naiintindihan niya na gusto ko ring tuparin ang mga pangarap ko nang sa gayon, kapag nagkapamilya kami ay handa na rin akong ibigay ang sarili ko ng buo sa kanila,” tugon ni Flor.
“Saka abala din naman si Gio sa trabaho niya. Lalo pa ngayon na kailangan niyang kumuha ng maraming investors para sa itinatayo niyang kumpanya. Kailangan niya ‘yun nang sa ganon ay matupad din niya ang pangarap niya. Sa totoo lang, marami na nga ang handang mamuhunan sa kumpanyang tinatayo niya. Nakakatuwa, hindi ba?” dagdag pa ng ginang.
Dahil madalas wala si Mira sa bahay ay madalas kung magkausap din sina Gio at Flor. Sa dalas ng kanilang pag-uusap ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Gustong-gusto ni Mira na wala sa bahay si Flor sapagkat para sa kaniya ay tila naglalaro sila ng bahay-bahayan ng asawa nitong si Gio at sa pagkakataong ito, si Mira ang reyna ng tahanan.
Isang araw ay hindi na nakapagpigil pa si Mira.
“Gusto kita, Gio. Kaya kong ibigay sa’yo lahat ng hindi kayang gampanan ng pinsan ko. Handa akong maging pangalawa. Handa akong itago ang lahat ng ito para makasama mo kahit ilang saglit lang,” wika ni Mira kay Gio sabay halik sa mga labi nito. Laging tuwa ni Mira ng ganitihan ito ng ginoo ng mas matamis pang halik. At doon na nagsimula ang pagtataksil ng dalawa kay Flor.
Madalas kung may mangyari kina Gio at Mira na lingid sa kaalaman ni Flor. Nagpatuloy ang kanilang relasyon at habang tumatagal ay hindi na nila mapigilan ang kanilang mga sarili. Akala ng dalawa ay hindi na matatapos ang kaligayahan na nararanasan nila lalo na nang magpaalam si Flor na may business trip ito sa ibang bansa sa loob ng tatlong araw.
“Kukuha ako ng resort at doon natin ituloy ang pagbabahay-bahayan natin, Mira. Doon, kahit tatlong araw ay magiging malaya tayo na gawin ang lahat ng gusto natin,” saad ni Gio sa kalaguyo. Tuwang-tuwa naman si Mira sa kaniyang narinig.
Agad silang nagtungo sa nasabing resort upang ituloy ang kanilang kaligayahan. Ang hindi alam ng dalawa ay matagal nang itinatago ni Flor ang kutob niya sa asawa at sa kaniyang pinsan. Alam din niya ang balak ng dalawa na mamuhay ng ilang araw bilang mag-asawa.
Hindi pa sila nakakababa ng sasakyan ay grabe na silang maglingkisan. Hindi nila mapigilan ang nagpupuyos nilang mga damdamin.
“Malaki ang kinuha kong silid para sa atin. Tiyak kong matutuwa ka,” saad ni Gio.
Nang makapasok sila sa kanilang silid ay tuluyan ng nawala sa sarili ang dalawa at itinuloy na ang kanilang maruming ginagawa at tuluyan na silang nagtanggal ng saplot.
Ang hindi niya inaasahan ay naroon na pala sa loob si Mira at ang mga investors ni Gio sa kaniyang kumpanya. Lahat ay nagkagulatan.
“A-anong ginagawa niyong lahat dito?” halos hindi alam ni Gio ang gagawin sa kaniyang pagkataranta.
“Susurpresahin ka sana namin, Gio. Susurpresahin ka sana namin na sabihin sa’yo na hindi na mamumuhunan ang mga investors mo sa kumpanyang tinatayo mo dahil dito sa kawalngyaang ginagawa mo sa likuran ko!” sambit ni Flor.
“Ang akala niyo yatang dalawa ay walang katapusan ang kahayupang ginagawa nyo sa akin! Ikaw, Mira! Pinatira kita sa bahay ko at pinatuloy ng buong puso pero ganito lang ang igaganti mo sa akin. Magsama kayo sa impyerno ngayon!” galit na galit na sigaw ng ginang.
Hindi makapaniwala ang mga investors sa kanilang nasaksihan. Pinlano na pala ito ni Flor upang mapahiya at mapabagsak ang asawa. At habang gumagawa ang kaniyang asawa at pinsan ng kawalangyaan sa kaniyang likuran ay unti-unti na niyang inaagaw ang mga investors ni Gio upang sa tinatayong kumpanya niya naman mamuhunan.
Dahil dito ay tuluyang bumagsak ang negosyo ni Gio at naging kalat na rin sa industriya ang masama nitong ginawa at dahil dito ay wala na siyang nakuha pang investor. Sa pagkayamot ay hindi na rin niya tinuloy ang relasyon niya kay Flor at iniwan ito sa ere.
Samantalang lalong sumama ang tingin ng buong angkan kay Flor dahil sa ginawa nito sa sariling pinsan at hindi na muling natanggap pa sa kanilang pamilya.