Ginawa ng Maharot na Katulong ang Lahat Para Akitin ang Among Lalaki; Hindi Niya Inaasahan ang Magiging Bunga ng Mali Niyang Gawain
Napaka-ambisyosa at tusong babae ni Jenny. Lahat ay gagawin niya sa ngalan ng pera. Gusto niya kasi ng maluhong buhay ngunit hindi siya ipinanganak na mayaman. Kaya lahat ay gagawin niya upang madampian ng pera.
May asawa na si Jenny ngunit labis ang pagsisisi niya dahil akala niya ay mayaman ito at maiaahon siya sa hirap.
Hindi na rin uso ang hiya kay Jenny, kahit maging parausan, kabit at mababang uri ng babae ay pinatos na niya magkaroon lamang ng pera at mabili ang luho.
Ang teknik kasi ni Jenny, namamasukan siya sa mayayamang pamilya at saka inaakit ang mga lalaki roon. Sino ba naman hindi mabibighani sa magandang hubog ng kaniyang katawan?
“Eto nga pala si Jenny, siya ang bagong kasambahay natin,” pagpapakilala ni Tessa, ang among babae ni Jenny.
“Ikinagagalak ko po kayong makilala kayong lahat,” nakangiting bati naman ng babae habang binibigyan ng malalagkit na tingin si Anton, ang among lalaki niya.
Tila ba kusang mananakbo ang salawal ni Jenny kapag nakikita ang gwapong amo. Makisig kasi ito at talaga napakaganda ng mukha. Kaya’t lalo siyang ginanahan na isagawa ang masamang plano.
“Kaunting pressure lamang at bibigay ka rin sa akin. Baka nga palitan mo pa ang asawa mo kapag nahawakan mo ang katawan ko,” bulong ni Jenny sa sarili habang tinititigan ang amo.
Sa tuwing naglilinis ay halos lumitaw na ang kaluluwa ni Jenny dahil kitang-kita ang dibdib nito. Itinataas pa niya ang palda upang makita ang makikinis na hita.
“Sir, eto na po ang kape ninyo,” saad ng kasambahay habang inilalagay ang kape sa lamesa ng amo. Pilit ikinikiskis ng babae ang kaniyang dibdib sa braso at katawan ng lalaki.
Sinasadya rin ni Jenny na ihulog kunwari ang mga bagay-bagay at saka paluhod na kukunin ito habang binibigyan ng nakakaakit na tingin ang amo.
“Parang bumato ako ng isa pero dalawang ibon ang tatamaan kapag naakit ko ‘to,” bukod kasi sa grabe ang pagnanasa niya, nais rin niyang huthutan ng pera ang lalaki.
“Jenny, baka pwede mong ayusin ang pananamit mo. Masyadong nakataas ang palda mo at laging nakabukas ang dibdib mo. Hindi pwedeng ganiyan ha?” paalala ni Tessa sa kasambahay.
“Opo, ma’am,” tugon naman ng babae habang umiirap-irap.
Pumunta sa may kusina ang babae at doon nasulyapan si Anton.
“Ang hirap kasi kapag malaki ang hinaharap at may maliit na balakang. Umiiksi din ang palda ko sa magandang hubog ng puwet ko,” pagpaparinig ng babae sa amo at saka kunwaring nag-unat.
“Magpapalit ka ng uniporme kung hindi ka komportable,” sabi naman ng among lalaki.
“Ay, sir, nariyan pala kayo?” Kunwari pang hindi alam ng babae. “Nakita ko po parang stressed kayo sa work, baka gusto niyo po ng massage? Magaling ako dun, sir.”
“Ah, e, sige.. minsan ay susubukan ko,” diretsong sagot naman ng lalaki.
Napangisi si Jenny. Panibagong biktima na naman niya ito. Pinagsilbihan niyang maigi ang among lalaki at talagang marahasang pang-aakit ang ginagawa niya. Pakiramdam niya’y malapit na niyang makuha ang amo.
“Aalis ako mamayang gabi. Medyo late na akong makakauwi kaya tatawag na lamang ako kapag pauwi na ako,” saad ni Tessa.
Napangiti ang kasambahay. Pagkakataon na para isagawa ang plano niya. Ngayong gabi niya kukunin ang among lalaki.
“Ingat po ma’am!” masiglang sabi ni Jenny sa amo.
“Mukhang maligaya ka ata?” tanong naman ni Tessa.
“Ah, e, good mood lang po,” nakangiting sagot ng kasambahay.
Umalis si Tessa bago pa man kumagat ang dilim. Napansin ni Jenny na para bang stressed ang amo, kaya eto na ang pagkakataon para gawin niya ang masamang plano.
Naligo si Jenny at nagpabango. Sinuot din niya ang pinakamahal*y niyang damit at saka kumatok sa kwarto ng among lalaki. Nagdala siya ng langis na gagamitin pangmasahe.
“Ah, sir, mukhang pagod kayo. Maaga po akong natapos sa trabaho kaya gusto ko sanang i-massage kayo,” alok ng kasambahay.
“Okay lang ako. Sa susunod na lang siguro.”
“Ay, hindi, sir. Sige na po, ‘wag na kayong mahiya,” pagpupumilit ng dalaga at saka pumasok.
Dumapa ang lalaki at nagsimula si Jenny na magpahid ng langis. Sinasadya ni Jenny na ipadama ang sarili sa lalaki. Ikinikiskis niya ang dibdib sa katawan niyo at unti-unting pinapagalaw ang mga kamay.
Pababa ng pababa ang kamay ni Jenny papunta sa maselang parte ng katawan. Ngiting-ngiti na ang babae dahil mukhang gumagana ang plano nang biglang pigilan ng lalaki ang kamay niya.
“Stop!” madiin na sabi ng lalaki.
“B-bakit, sir? Hindi bai to rin ang gusto ninyo? Alam kong gusto niyo rin ako. Wala naman ibang makakaalam. Wala si ma’am. Inyong-inyo ang katawan ko,” pang-aakit pa ng babae.
“Kahit kailan hindi ko ginustong patulan ka. Pamilyado akong tao at may mapagmahal na asawa. Bakit ko sisirain ang pamilya ko para lang sa’yo? Hindi ako tulad ng ibang lalaki. Mahal ko ang pamilya ko at malaki ang tiwala sa akin ng asawa ko! Lumabas ka na!” sigaw ni Anton.
“P-pero, sir…” halos lumubog sa hiya si Jenny.
Paglabas ni Jenny nanlaki ang mata niya nang makasalubong ang among babae kasama ang asawa niya.
“Umalis ako kanina para sunduin ang asawa mo. Pinasundo siya sa akin ni Sir Anton mo, na asawa ko!” madiin na sabi ng ginang. “Napansin na kasi niya ang ginagawa mo kaya nais niyang pauwiin ka na.”
“A-ano pong ibig niyong sabihin?”
“Akala mo ba hindi ko napapansin? Akala mo ba hindi sinasabi sa akin ng asawa ko ang mga ginagawa mo? Jenny, tingnan mo ang suot mo. Tingin mo ba madadala mo sa pag ganiyan ang asawa ko?
Magkaroon ka sana ng hiya at respeto sa sarili. Kung gusto mong umangat sa buhay, ‘wag sa ganitong paraan. May pamilya kang sinisira at may asawa kang nagtitiwala sa’yo. Babae ka at wag na wag mong ibaba ang sarili mo para sa personal na interes.
Umalis ka na at ayusin mo ang sarili mo!” kalmado ngunit bakas ang galit sa boses ni Tessa.
“Hindi ka na nahiya! Ginawa mo na noon, inulit mo na naman!” gigil na bulong ng asawa ni Jenny.
Upang magtanda, ikinulong si Jenny ng sariling asawa sa bahay at saka kinalbo ang buhok.
Labis ang pagsisisi ni Jenny dahil sa nangyari. Rinig na rinig pa ng mga kapitbahay ang awayan nilang mag asawa kaya’t lalo siyang napapahiya.
Bukod sa magiging laman na sila ng chismis, pagtatawanan pa siya kapag nakita siyang kalbo. Isang malaking aral ang iniwan noon kay Jenny. Ngayon, bantay-sarado siya sa asawa at talagang makakatikim na siya kapag nagloko pa.