Mahilig sa Online Shopping ang Ginang na Ito; Kaya Lamang, Bakit Kailangang Papasukin Pa sa Loob Mismo ng Bahay ang Delivery Rider?

Mahilig sa Online Shopping ang Ginang na Ito; Kaya Lamang, Bakit Kailangang Papasukin Pa sa Loob Mismo ng Bahay ang Delivery Rider?

HeartbreakingKarmaStories

Bago pa man ang mga lockdown na dulot ng pandemya, mahilig na talaga sa online shopping ang misis ni Mang Turo na si Aling Adelaida. Kadalasan, kundi pagkain, mga produktong pampaganda ang madalas na binibinili nito. Magmula sa lipstick, make-up, blush on, mascara, at iba pang mga ‘girl thing.’

grandmother using smart phone on the sofa - a woman's old hand using a cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

“Adelaida, minsan maghinay-hinay ka naman sa online shopping mo. Hindi naman sa pinagbabawalan kita, kaya lang, nakikita ko kasi na hindi mo naman ginagamit yung mga binibili mo. Medyo mahal din ang delivery fee. Pambili na rin ng isang kilong bigas ‘yon,” paalala ni Mang Turo. 

“Sinasabi mo ba na magastos ako? Palibhasa pera mo ang ginagamit ko sa pagbili ko ng mga bagay na makapagpapasaya sa akin? Bakit kailangan mong isumbat?” naghihinanakit na sabi ni Aling Adelaida sa kaniyang mister. Hindi naman inasahan ni Mang Turo na masasaling ang damdamin ng misis sa kaniyang mga sinabi. 

“Hindi naman sa gayon, Adelaida. Hindi ko naman iniaalis sa iyo ang online shopping. Kaya lang siyempre, hinay-hinay lang din, at baka over-spending ka na,” paliwanag naman ni Mang Turo. 

“Sige hayaan mo, itutuloy ko na ang balak kong pagtitinda ng mga kakanin at meryenda sa tapat ng bahay natin, para naman may sarili akong pera, at nabibili ko ang lahat ng mga gusto kong bilhin,” saad ni Aling Adelaida. 

Napailing na lamang si Mang Turo. Heto na naman sila sa kanilang munting pagtatalo ni Aling Adelaida hinggil sa usaping pera. Minsan, masyado nitong pinapalaki ang mga isyu. Simula nang hindi na sila nagsisiping, napansin ni Mang Turo na tila tinatabangan na sa kaniya ang misis. Kapag nangangalabit naman siya, umiiwas naman ito. 

Hanggang sa nagkaroon ng community quarantine dahil sa pandemya. Nagkataon naman na nasa construction site ng mga sandaling iyon si Mang Turo kaya hindi siya kaagad makauwi. Nagpapadala na lamang siya ng pera sa pamamagitan ng isang online application kay Aling Adelaida.

At dahil walang asungot, napapadalas na ang pagpapadeliver ni Aling Adelaida. Bagay na napansin naman ng kanilang kapitbahay na si Aling Guada. Hindi na niya sana iisipin, subalit napapansin niya na iisang delivery rider lamang ang naghahatid ng mga pa-deliver ni Aling Adelaida; at ang pinakamatindi roon, pinapapasok pa niya sa loob mismo ng kanilang bahay, kasama na ang motorsiklo. 

hand man holding a helmet and motorcycle blur background. - asian guy riding a motorcycle with helmet stock pictures, royalty-free photos & images

Isang araw, inusisa ni Aling Guada ang kapitbahay, kung ganoon na ba talaga ang kalakaran kapag nagpapa-deliver.

“Adelaida, bakit kailangan mo pang papasukin sa loob ng bahay ninyo yung delivery rider?” tanong ni Aling Guada. Lalo siyang napatanong dito dahil nakita niyang guwapo at tila nasa edad 25 hanggang 28 lamang ang delivery rider. 

“Eh kasi, nabalitaan ko yung nangyari sa anak ni Mang Gusting diyan sa kanto natin. Nag-aabang lamang ng delivery rider, hinuli na kaagad ng mga tanod. Kaya nag-iingat lang ako, Guada. Kaya ikaw, mag-ingat ka rin. Huwag kang labas nang labas ng bahay ninyo, lalo na’t malapit ka na mag-senior citizen,” pabirong banat ni Aling Adelaida sa pangingialam ng kaniyang tsismosang kapitbahay. 

Hindi na lamang kumibo si Aling Guada. Naniniwala siyang kakaiba ang ginagawa ni Aling Adelaida, at kutob niya, may ginagawa itong milagro. Huwag lang silang mahuli ni Mang Turo sa akto. 

Ngunit hindi napigilan ni Aling Guada ang kaniyang sarili na sabihin kay Mang Turo ang mga nangyayari. Palihim niya itong pinadalhan ng chat sa Messenger nito. 

Kaya naman, palihim na umuwi si Mang Turo nang makahanap siya ng tiyempo at maglakas-loob na makatawid sa checkpoint pabalik sa kanila. 

Tamang-tama, dahil pagtuntong na pagtuntong niya sa kanila, saktong nakita niyang nakaabang si Aling Adelaida sa pintuan ng kanilang bahay, hindi para mag-abang sa kaniyang pagbabalik, kundi sa pagdating ng delivery rider. 

Nagmanman si Mang Turo. Tiningnan niya ang misis. Hindi ito naka-daster gaya ng madalas na isinusuot nito. Napansin din niyang naka-lipstick at naka-make up ito. 

Maya-maya, dumating na ang delivery rider. Maluwag ang pagkakangiti ni Aling Adelaida, sinluwag ng pagkakabukas nito sa kanilang pintuan, dahil pinapasok nga niya sa loob ang delivery rider, kasama na ang motor nito.

Bumilang ng ilang segundo si Mang Turo nang nasa harapan na siya ng kanilang pintuan. Inihanda niya ang sarili sa anomang maaaring masaksihan. Hinawakan niya ang seradura ng pinto. Pinihit pabukas. Saka siya pumasok sa loob. Nanlaki ang kaniyang mga mata. 

Kitang-kita niyang magkayapusan ang misis at ang delivery rider; nakaangkas pa si Aling Adelaida sa motor nito, habang pabisaklat na nakaupo, kaharap ang delivery rider. Napatalon si Aling Adelaida mula sa kaniyang pagkakaupo sa motor; napasubsob ang mukha sa marmol nilang sahig. 

Nagulantang naman ang delivery rider, at nagdudumaling umatras palabas, habang walang humpay na sinasapok ang mukha nitong walang helmet. Hindi na nito nakuha ang helmet dahil pagkalabas ng bahay, pinaharurot na nito ang motorsiklo. Sakto namang may mga pulis sa kanto ng barangay dahil nga sa quarantine. Hinuli nila ang delivery rider dahil sa kawalan ng suot na helmet. 

Isang malakas na sampal ang ipinatikim ni Mang Turo sa umiiyak at humihingi ng tawad na si Aling Adelaida. 

“Walang taong humihingi ng tawad sa kasalanan ng pagtataksil dahil gusto lang nilang humingi ng tawad; karamihan sa kanila, nahuli lang sa akto kaya halos maglumuhod sa paghingi ng dispensa. Lumayas ka na, Adelaida. Binaboy mo ang bahay ko!” tiim na sabi ni Mang Turo sa kaniyang misis. 

portrait of a man looking aggressive - angry asian old guy stock pictures, royalty-free photos & images

Naghiwalay nang tuluyan ang mag-asawa dahil sa pagtataksil ni Aling Adeilada. Ipinasama ni Mang Turo sa kaniya ang lahat ng mga gamit niya, lalo na ang mga nabili niya sa online shooping, dahil naaalala niya roon ang kataksilan nito.

More Stories