Inday TrendingInday Trending
Nag-Apply ang Babae na Maging Yaya ng Anak ng Guwapong Lalaki; May Lihim Pala Siyang Matutuklasan Tungkol sa Mag-Ama

Nag-Apply ang Babae na Maging Yaya ng Anak ng Guwapong Lalaki; May Lihim Pala Siyang Matutuklasan Tungkol sa Mag-Ama

Ilang buwan na ang nakakalipas nang gumradweyt sa kursong Office Administration si Gayle ngunit hindi pa rin siya natatanggap sa mga inaaplayan niya. Nahihiya na nga siya sa mga magulang niyana palagi na lang siyang pakainin. Gusto niya na siya naman ang magbibigay sa mga ito ng panggastos.

Isang araw, kasama ang kaibigan niyang si Lucy ay naghahanap sila ng kumpanyang pwede niyang aplayan pero wala pa rin silang mahanap. May trabaho na ang kaibigan niya sa Makati, gusto nga nitong ipasok siya sa pinagtatrabahuhan nitong opisina kaso wala pang bakante. Sa kagustuhang makahanap na ng mapapasukan, kahit malayo sa natapos niya’t mas mababa ay papatusin na niya.

“Buti pa kaya ay ito na lang ang papasukan ko,” wika niya sabay turo sa nakasulat sa classified ads.

“Yaya? My goodness naman, Gayle! Over qualified ka sa trabahong iyan!” gulat na sabi ni Lucy sa sinabi niya.

“Eh, ano namang masama sa yaya? Kesa naman nakatambay lang ako sa bahay, buti pa ito, malaki ang suweldo, o!”

“Sabagay, sampung libo kada buwan, libre tirahan at tsibog! On second thought okey na rin,” saad pa ng kaibigan.

“O ‘di ba, hindi na masama?”

“Pero don’t forget, Gayle, nakalagay dito na ang kailangan ay isang disciplinarian na yaya.”

“No problem, that’s my qualification. Talagang by nature ay disciplinarian ako,” wika pa ni Gayle.

Nang sumunod na araw ay pinuntahan niya ang bahay ng aaplayan niya. Nanlaki ang mga mata niya dahil malaki iyon, mukhang mayaman ang may-ari. Pinindot niya ang doorbell, pinagbuksan siya ng isang matandang kasambahay. Pagkatapos niyang sabihin ang pakay ay pinapasok na siya nito.

Wow, grabe! Mas malaki pala at mas magara ang loob. Parang mansyon. Ilang minuto pa ay hinarap na siya ng may-ari ng bahay.

“Applicant?” tanong ng lalaki.

“Yes. I’m Ms. Gayle Lopez. Ako po ‘yung nag-text sa inyo kahapon,” sagot niya. “A-ang guwapo at ang kisig pala ng magiging boss ko,” kinikilig niyang bulong sa isip.

Inanyayahan siya ng nito na umupo sa sofa saka nagpakilala.

“Ako nga pala si Lenard Mercado, ang owner nitong bahay,” paunang salita ng lalaki saka binasa ang resume niya. “Hmmm…Office Administration graduate ka pala, hindi bagay sa iyo ang maging yaya,” anito.

“A, eh…mahirap po kasi makahanap ngayon ng trabaho kaya naisip ko po na mag-apply na yaya, saka talagang hilig ko po ang mag-alaga ng bata,” tugon niya.

“Kung iyan pala ang hilig mo’y wala na akong masasabi pa. Maganda naman ang rekords mo kaya susubukan kita. Sige you’re hired. Ipapakilala kita sa bata,” wika ni Lenard saka sinamahan siya sa kwarto nito. Habang naglalakad ay ipinaliwanag nito ang mga dapat niyang gawin sa trabaho.

“Siya ang aalagaan mo, si Melody, and i hope, nagkakaintindihan na tayo. Disiplinahin mo kung kinakailangan,” saad ng lalaki.

Nang makita niya ang batang babae ay kinagiliwan niya ito. Napaka-kyut nito.

“Mukhang mabait naman po siya, a! Palagay ko’y hindi po ako mahihirapan sa kaniya. Anak niyo po?” tugon niya.

Hindi kumibo ang lalaki. “Buweno, you can start, and please, huwag mo na akong popoin, hindi naman nagkakalayo ang edad natin. Lenard na lang ang itawag mo sa akin,” wika ng lalaki.

“Okey, Lenard,” aniya.

“At ikaw, Melody, susundin mo ang bago mong yaya ha?”

“Opo, papa,” nakatungong sagot ng bata.

Paglabas nila sa kwarto ay binantaan siya ng lalaki.

“Nagkakamali ka sa kaniya, salbahe ang batang iyan, kaya disiplinahin mo pag matigas ang ulo,” anito.

Tatlong araw na sa kaniyang trabaho si Gayle kaya may nalaman siya…

“Mabait na bata naman itong si Melody, a! Hindi niya na kailangan ang disiplina. May napapansin din ako, hindi malapit si Lenard sa bata, ni minsa’y hindi ko nakitang nakipaglaro sa kaniyang anak,” sabi niya sa isip.

Isang araw, kinausap siya ni Lenard tungkol sa bata.

“Gayle, ang sabi ko’y turuan mo ng disiplina itong si Melody. Kanina ay basta na lang pumasok sa kotse ko ang batang ito at tumuntong sa upuan. Disiplinahin mo ito para magtanda!” sabi ng lalaki saka pinalo ang bata.

Nakaramdam ng awa si Gayle. “Teka, ano ba itong lalaking ‘to? Hindi na naawa sa bata!”

Nang lubayan ni Lenard ang bata ay nilapitan niya ito at niyakap.

“Sshh…tahan na!” sabi niya. “Sa napakaliit na bagay na para sa aki’y hindi maituturing na kasalanan. Ang gusto niya’y kastiguhin ko ang bata? Pagmalupitan? Hindi iyon pagdidisiplina,” wika niya sa isip.

Habang lalo siyang tumatagal sa bahay na iyon ay nakikita niya ang pag-uugali ni Lenard at ang pagtrato nito kay Melody. Pilit pa rin nitong pinadidisiplina sa kaniya ang bata pero hindi niya talaga magagawa.

“Kapag nalaman ni senyoritong hindi mo dinidisiplina si Melody, pagagalitan ka. Kaya nga nasisante ang sinundan mong yaya kasi ayaw rin niyang disiplinahin ang bata. Si Senyorito Lenard ay talagang malupit,” wika ng matandang kasambahay na kasama niya.

“Eh, bakit nga po ba ganoon siya?” tanong niya.

“Si Senyorita Criselda, ang kaniyang asawa ay nagtaksil at si Melody ang bunga. Namat*y ang senyorita sa panganganak at naiwan ang bata kay senyorito,” anito.

“Ah..kaya po pala. Kawawa naman po pala ‘yung bata.”

Kinagabihan, dumating si Lenard galing sa opisina.

“Bakit nanonood pa ‘yan ng TV? Dapat ay nasa kwarto na ‘yan a!” tanong nito.

“Eh, nakiusap siya sa kin na tatapusin na lang ang palabas. Malapit na namang matapos, eh,” sagot niya.

“Hindi! Ipasok mo ang batang ‘yan sa kwarto niya! Hindi na ‘yan nadala, huwag mo ‘yan palalabasin ng kwarto hangga’t hindi ko sinasabi!” galit na sabi ng lalaki.

Aba, hindi niya na kaya! Malalaman din ni Lenard na hindi niya dinisiplina ang bata kaya kinabukasan ay nagpasa na siya ng resignation.

“Bakit ka magre-resign?” tanong ni Lenard.

“Hindi ko na hihintaying ikaw ang magpalayas sa akin. malalaman mo rin naman na hindi ko talaga dinidisiplina si Melody. Alam mo, Lenard, hindi disiplina ang ibinibigay mo sa bata kundi kalupitan. Wala siyang kinalaman sa kasalanan ng iyong asawa. Sayang ang first impression ko sa iyo, kala ko’y matino kang tao. Thanks for everything na lang sir,” tugon niya saka tuluyang tumalikod at umalis.

Tinawag siya ni Lenard pero hindi niya na ito nilingon pa.

Tatlong araw ang lumipas, dinalaw siya ng kaibigang si Lucy sa bahay nila.

“Hoy, Gayle! Gusto mo ng bagong trabaho? Heto, o!”

“Ayoko na, Lucy. Dito na lang ako sa bahay namin,” sagot niya.

“Basta, makinig ka muna! Wanted: Mabait na yaya, see Mr. Lenard Mercado sa address na ito.” pangungulit ng kaibigan.

“S-Si Lenard ‘yan!” wika niya saka inagaw kay Lucy ang classified ads. “Naku, ayoko na, malupit ‘yan!”

Pero laking gulat niya nang may kumatok sa pinto. Nang buksan niya ay niluwa niyon si Lenard kasama ang batang si Melody.

“K-Kayo?”

Nakita ng lalaki na hawak niya ang classified ads.

“Talagang sinadya ko ang pag-aanunsyo niyan para mabasa mo’t malamang nagbago na ako, Gayle,” sinserong sabi ng lalaki.

“Hi, Tita Gayle! Totoo po ang sabi ni papa, nagbago na po siya. Hindi na po niya ako pinapagalitan. Mabait na po siya akin, love na po niya ako,” masayang sabi ng bata.

“T-Talaga ba?” gulat na wika ni Gayle.

“Oo, tama ang sinabi ng anak ko, mabait na ako. Napagtanto ko na tama ka, wala siyang kasalanan sa akin, hindi ko siya dapat idinamay sa galit ko noon sa yumao kong asawa. Isa pa, gusto kong bumalik ka na sa bahay dahil…napamahal ka na sa amin ni Melody. Mahal na kita, Gayle. Please give me another chance,” hayag ni Lenard.

Ano pa nga ba ang magagawa ni Gayle, napamahal na rin naman siya kay Lenard at kay Melody. Nung una niyang makita ang lalaki ay tumibok na ang puso niya rito at ngayong nagbago na ito’y gusto niya na mas lalo pang makilala nang lubusan ang lalaki. Para na ring anak ang turing niya sa bata kaya…

“Sige, babalik na ako, pero hindi na bilang yaya, bilang nanay na ni Melody,” nakangiting sabi niya sabay kindat sa bata.

“Yehey! May mama na ako!” tuwang-tuwang sabi ni Melody saka yumakap sa kaniya nang mahigpit.

Sa ngayon ay mag-asawa na sila ni Lenard. Ang laki ng pinagbago ng lalaki, mahal na mahal na nito ang anak nilang si Melody. Excited naman ang bata dahil malapit na itong magkaroon ng kapatid dahil dinadala na niya ang anak nila ni Lenard.

Advertisement