Inday TrendingInday Trending
Kilala ang Doktor na Magaling Magligtas ng Buhay, Pero Isang Importanteng Pasyente ang Hindi Niya Nabigyan ng Lunas

Kilala ang Doktor na Magaling Magligtas ng Buhay, Pero Isang Importanteng Pasyente ang Hindi Niya Nabigyan ng Lunas

Sa sampung taon na pagiging doktor, ni minsan ay hindi pa pumalpak sa kahit anong operasyon si Dr. James. Bawat pasyenteng dumaan sa kanya ay naging ligtas, at masaya na ngayong namumuhay kasama ang kanilang mga pamilya at mahal sa buhay.

“Good luck sa surgery mo today!” Yan ang mga salitang laging binibitawan ni Dr. James sa kanyang mga pasyente kasunod ang mga ngiting nagbibigay seguridad sa mga ito na sila’y gagaling.

Nakasanayan na niyang tanawin ang mga mahal sa buhay ng pasyente na nakatayo at nag-iintay malapit sa bintana na gawa sa salamin. Pagkatapos ng operasyon, lumalabas siya ng Operating Room upang bigyan ng ‘thumbs up’ ang mga nag-iintay sa labas, kasunod ng malaking ngiti at salitang “success.” Ganito ang kanyang naging buhay sa lumipas na sampung taon.

Kalakip ng tagumpay ay ang nagkukubling katotohanan na siya’y nawawalan na rin ng oras para sa pamilya. Halos sa ospital na siya nakatira dahil sa mahigpit na schedule.

Kung makauwi man siya ay nauubos lang ang oras niya sa pagbawi ng pahinga.

Araw ng Lunes, alas onse ng umaga ay nakatanggap ang doktor ng tawag mula sa kanyang asawa. “Hi Honey! Kamusta ka naman? Dinner tonight?” Masayang pagbati ng babae.

“Medyo puno ang schedule ngayon Hon. Medyo maraming pasyente.” Tinignan agad niya kung mayroon siyang schedule ng operasyon ngayong gabi.

“Don’t tell me nakalimutan mo na?” Muling tanong ng kanyang misis na tila ba ay may nais ipahiwatig sa tono ng pananalita.

Tinignan ni Dr. James ang kalendaryo sa harap at nakita ang naka-marka sa araw na ito.

“Of course not. Happy Anniversary honey!” Masayang pagbati naman ng doktor sa babae.

“Thank you hon. Happy Anniversary din. So.. makakapagdinner tayo tonight, right? Ilan taon na din naman since last tayo nakalabas ng anniversary natin.” Sagot muli nito na tila ba ay nagpapa-cute sa tono ng boses.

“Alright. I’ll make a reservartion tonight sa favorite restaurant mo. 9:00 PM tonight, okay? I love you honey! See you later.” Nakangiting sagot naman ng doktor.

“I love you more hon! See you.” Tuwang-tuwa na sagot naman ng asawa na tila ba ay excited na para sa dinner date nila.

Lumipas ang buong maghapon, nakatapos na ng check-ups at dalawang operasyon si Dr. James. Tinignan niya ang orasan. Pasado alas otso na ng gabi. Nag-ayos na ito ng gamit, nag disinfect at naghilamos. Akmang paalis na sana siya nang tawagin siya ng isang nurse.

“Doc! Doc! Emergency po. Kailangan po kayo ngayon!” Nagmamadaling sabi ng babaeng nurse.

“What happened? I am about to go na pa naman din.” Gulat na tanong naman ng doktor.

“Car accident po doc. Stuck daw po sa traffic si Dr. Ronan, kaya kayo po ang pinatawag.” At sa pagkakataong ito ay hindi na maipinta ang mukha ng nurse.

“Okay sige.” May lakad pa sila ng kanyang asawa mamaya, ngunit nasa kanyang sinumpaang tungkulin na kailangan niyang tumulong sa mga pasyenteng nangangailangan.

Nagmamadali silang tumakbo patungo sa Emergency Room. Medyo nagkakagulo na ang mga staff sa loob. Madaming dugo sa sahig at tila hindi isang simpleng injury lamang ang tinamo ng pasyente.

Lumapit ang doktor sa pasyente, nagulat siya dahil isang pamilyar na mukha ang kanyang nakita. Duguan ang pasyente at matindi talaga ang mga sugat nito. Sa pagkakataong ito kailangan niyang kalimutang muli ang mga personal na gawain upang sagipin ang buhay ng iba.

Nagsulat siya sa isang puting papel at iniabot ito sa isang nurse sa kanyang tabi. “Ipagawa niyo ‘tong mga tests na ‘to. Pakibilisan lang dahil kritikal ang kondisyon ng pasyente.”

“Yes, doc.” Sagot ng lalaking nurse.

“Prepare the Operating Room, pati na ang mga gamit.” Utos muli ng doctor sa babaeng nurse na sa kanya’y tumawag kanina. “Do it as soon as possible please! Once the tests are done paki-transfer kaagad sa patient sa OR.” Dagdag pa niya.

Mabilis naman natapos ang mga test na ginawa. Nagtamo ng malaking injury ang pasyente sa gitnang bahagi ng katawan nito. Nabali ang kaliwang braso at dalawang ribs sa kaliwang bahagi ng katawan nito. Nagkaroon din ng fracture ang panga ng pasyente.

Bago pumasok sa Operating Room, lumapit ang doctor sa binatilyong anak ng pasyente na kakarating lamang, tinapik ang balikat nito at niyakap ng doktor.

“I’ll do my best, okay? Kaya wag ka nang mag-alala pa.” Mahinang sabi ng doktor sa binatilyo. Tumango lamang ito bilang sagot, ngunit tumutulo ang mga luha na nangangahulugang natatakot at nag-aalala ito.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ni Dr. James ang oras. Alas nuwebe eksakto na ng gabi. Huminga na lamang siya ng malalim, isinuot ang gloves at mask nito. “Let’s start the operation.”

Walang ‘Good luck sa surgery mo ngayon!’ ang narinig mula sa doktor. Wala rin ngiti sa kanyang mga mukha. Ang nais lamang niya ay maging maayos at matagumpay ang operasyon. Ito ang tanging operasyon na hindi siya dapat pumalpak.

“Doc, ayos lamang po ba kayo?” Tanong ng nurse na kasama nito habang nakatingin sa kamay ng doktor na nanginginig na ngayon.

“I’m good. Thank you.” Seryosong sagot naman ng doktor. Hindi niya maipaliwanag ngunit sa lahat ng operasyon na kanyang ginawa, dito pa siya nakaramdam ng matinding takot.

“Doc, humihina po ang heartbeat ng patient. 90/60 blood pressure.” Sigaw ng isa pang nurse.

Nababalot na ng takot ngayon ang doktor. “I can’t mess this up.” Bulong nito sa sarili. “I can’t take away this patient’s life.”

Sa unang pagkakataon, sa mahabang panahon, dito tumawag si Dr. James sa Diyos upang humingi ng tulong. “Diyos ko, wag Ninyong hayaang mawala ang pasyenteng ito. Kung nakikinig Ka, Panginoon tulungan mo ako dito, please?” Taimtim na dasal niya sa kanyang puso at isipan.

Limang oras na ang lumipas, nasalinan na ng dugo ang pasyente at marami nang buto ang na-semento, ngunit sa di inaasahang pagkakataon, nag flat line ang heart rate monitor nito.

“No! No! Please… Don’t leave me, please…” Sigaw ng doktor. Sobrang komplikado ngayon ng sitwasyon dahil mahihirapan silang mag-CPR sa pasyente, dahil na rin sa mga nabaling ribs nito.

Huminga ng malalim ang pasyente at tsaka ito binaiwan ng buhay.

“This can’t be… No!” Muling sigaw ni Dr. James. “I messed up. I have failed my last patient…” Mahinang sabi na niya habang bumabagsak ang mga luha sa kanyang mga mata.

Lumabas ang doktor ng Operating Room at agad itong lumapit sa binatilyo. At sa pagkakataong ito, wala rin ngiti at thumbs up mula sa kay Dr. James.

“Ligtas na po ba siya? Success po ba ang operation?” Tanong ng binatilyo.

“I am sorry.” Biglang pumatak ang mga luha sa mata ng doktor. “I wasn’t able to save her. I wasn’t able to save your mom.”

“But… But you are a doctor! Lagi ka pong magaling dyan di ba? Bakit di niyo siya nagawang iligtas?” Muling tanong ng binatilyo habang umiiyak na rin.

“I am sorry, anak. Di ko nagawang mailigtas ang mommy mo.” Napaluhod na lamang ang doktor habang patuloy na umiiyak. “Hindi ko nagawang iligtas ang sariling asawa ko.” Hagulgol pa nito.

Nagtungo naman sa Chapel ng ospital ang mag-ama at doon ibinuhos ni Dr. James ang lahat ng kanyang sama ng loob.

“Hindi ko alam…” Mahinang salita nito sa anak. “Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon.” Muling tumulo ang mga luha sa mga mata nito. “Forgive me, anak. Please forgive your Dad.”

“You did your best Daddy. Mom didn’t make it. It was not your fault.” Sagot naman ng anak na umiiyak pa rin.

“Yung five hours sa Operating Room, yun na ang pinakamahabang oras na nakasama ko ang mommy mo, na ang atensyon ko ay nasa kanya lamang. Yun na rin pala yung huling limang oras na makakasama ko siya. Patawarin niyo ako kung kulang ang oras na naibibigay ko sa inyo.” Niyakap lamang siya ng sobrang higpit ng anak.

Isa’t kalahating oras noong bago ang dinner date ng mag-asawa, lumabas na ang asawa ni Doc James upang bumili ng regalo at magtungo sa restaurant. Sa kasagsagan ng byahe, napansin niyang bumibilis ang takbo ng minamanehong sasakyan, sinubukan niyang apakan ang preno ngunit hindi ito gumagana. Mayroon siyang muntikan na tamaang matanda, subalit iniwasan niya ito kaya ang kanyang sasakyan ay bumangga sa isang malaking pader.

Hindi nagawang maisalba ni Doc James ang asawa, ngunit sa pagkakataong ito, ibinuhos niya ang kanyang oras at panahon sa binatilyo. Hindi na siya muling nag-asawa, pero siniguro niyang maraming siyang oras para sa nag-iisa nilang anak.

Naisip ng doktor na hindi niya hawak ang oras at buhay ng mga tao, ang tangi lamang niyang kayang gawin ay tumulong sa pangangailangan ng pasyente, pero hindi dapat naisasakripisyo ang oras na para sa pamilya.

Advertisement