Avatar - Inday Trending

Inday Trending

Ano ang Nangyari kay Felicity? - Inday Trending

Ano ang Nangyari kay Felicity?

Pumutok ang balita sa buong eskuwelahan sa bayan ng Valencia na isang estudyante na nagngangalang Felicity ang kin*til ang sarili niyang buhay sa isa sa mga cubicle sa CR ng naturang paaralan dahil sa depresyon.

Marami sa mga guro at estudyante ang maririnig na pinag-uusapan ang naturang estudyante na nasa ika-walong baitang sa hayskul.

Ano ang Nangyari kay Felicity?

“Bakit kaya nagkaganoon si Felicity? Napakabait at matalinong bata pa naman noon. Sa katunayan nga ay naka-perfect pa siya sa eksamen ko kanina,” sabi ni Mrs. Catalina. Isa sa mga kasalukuyang guro ni Felicity.

“Hindi ko nga rin alam, eh. Baka may problema sa pamilya?” suspetsa naman ni Mrs. Hacob na siyang adviser ni Felicity.

“Sana nagkuwento man lang sa atin si Felicity. Naaawa talaga ako sa batang ‘yan. Noon pa man kasi ay nakikita ko na may potensyal ‘yan, eh. Kaya nga kahit ayaw ko sanang magkaroon ng favoritism sa klase, eh, naging paboritong estudyante ko siya,” malungkot namang pagpapahayag ng guro ni Felicity sa arts na si Mr. Hacob, asawa ng adviser ni Felicity sa klase.

Samantala, ang mga kaklase at kilalang kaibigan naman ni Felicity ay nag-iiyakan sa isang sulok ng kanilang silid-aralan nang mabalitaan nila ang nangyari.

“Ang saya-saya pa naming nagbibiruan kanina, eh!”

“Oo nga. Tawa pa nga nang tawa si Felicity kanina bago siya nagpaalam na magsi-CR lang daw saglit pagkatapos ganoon na pala ang gagawin niya!”

“Sana hindi na lang nangyari ‘to!”

“Baka naman kasi may problema si Felicity sa kanila?”

Panay ang hagulgulan ng mga estudyante habang pare-parehong nakatingin sa litrato ng kaibigan nilang namayapa.

Maraming mga pulis sa paligid.

Marami rin ang kinakabahan.

Kahit pa kasi ano ang gawin nilang pangungumbinsi sa kanilang mga sarili na wala silang kasalanan ay alam nila na mayroon silang ginawa kaya nagkaganoon si Felicity.

Kanina, bago mangyari ang lahat…

“Felicity, lumapit ka nga sa akin!” sigaw ng gurong si Mrs. Catalina na kadarating lang at mainit ang ulo. Agad namang tumalima ang tinawag na estudyante.

Ano ang Nangyari kay Felicity?

“Bakit po, ma’am?” tanong ni Felicity na halata ang takot sa mukha dahil sa paraan ng pagtawag sa kaniya ng guro.

“Bakit naka-perfect ka rito sa eksamen mo sa subject ko, eh, bobo ka naman? Sa first quarter mo sa akin bagsak ka. Pagkatapos ngayon perfect ka?” may paghihinalang saad ni Mrs. Catalina na walang preno sa pagsasalita.

“Ma’am, nag-aral lang naman po ako ng mabuti para po makapasa ako. Baka po iyon ang dahilan,” pangangatwiran ni Felicity sa kaniyang guro.

“Nag-aral ka o nandaya ka? Sigurado akong nandaya ka kaya babawasan ko ng bente puntos itong test paper mo! Bumalik ka na sa upuan mo!” bulyaw ng guro.

Wala nang nagawa pa si Felicity kung ‘di ang bumalik na lang sa kaniyang kinauupuan ng malungkot habang pinagtatawanan ng ilang mga estudyanteng nakarinig sa sinabi ng kanilang guro. Paniguradong madadagdagan na naman sa kaiiyak niya mamaya ang eyebags niya na naipon niya simula pa kagabi dahil sa subsob siya sa pag-aaral para sa exam.

“Felicity, tawag ka raw ni Mr. Hacob sa office niya. May ipapa-drawing lang daw siya saglit.” Isang estudyante ang tumawag sa dalaga mayamaya. Muli ay agad na tumalima si Felicity.

“Sir, ano po ‘yong ipapa-drawing niyo?” tanong ni Felicity sa guro niya sa arts na asawa ng kaniyang adviser. “Halika. Umupo ka rito sa tabi ko nang makita mo,” sagot naman ng guro sabay ngisi.

Pinayuko ni Mr. Hacob si Felicity upang ipakita ang nakabukas niyang zipper ng pantalon. “Iyan ang i-drawing mo. Gandahan mo, ha?”

Kinilabutan si Felicity sa kaniyang nakita at nagtangka siyang tumakbo.

“Kapag umalis ka rito ay ibabagsak kita,” banta ni Mr. Hacob.

Sa huli ay hindi na lamang pumalag si Felicity at ginawa na lamang niya ang lahat ng utos ng kaniyang guro.

Pagkatapos ay binigyan siya ni Mr. Hacob ng pera at pinaalis na.

Agad na dumiretso si Felicity sa faculty room ng kaniyang adviser.

“Ma’am, gin*hasa po ako ni Mr. Hacob!” sumbong ni Felicity.

Ngunit imbes na tulungan ay kinagalitan pa ito ni Mrs. Hacob! “Malandi ka kasi! Inakit mo siguro ang asawa ko kaya niya nagawa iyon!” hiyaw nito.

Dahil doon ay nagtatakbo palabas si Felicity. Nadapa pa nga siya sa harap ng mga kaklase niya ngunit imbes na tulungan siya ng mga ito na tumayo ay tumawa lang ang mga ito ng malakas!

Dumiretso sa comfort room ang dalaga. Sa sobrang galit ay nasuntok niya ang salamin na nakasabit sa isa sa mga cubicle na naging dahilan para mabasag iyon.

Nang makita ni Felicity ang isa sa mga piraso ng bubog ay ginamit niya iyon upang hiw*in ang kaniyang pulso.

Doon na natapos ang kaniyang paghihinagpis.

Ano ang Nangyari kay Felicity?

Walang nakakaalam tungkol sa tunay na pinagdaanan ni Felicity maliban sa mga taong kailan man ay hindi na pinatulog ng kanilang mga konsensiya. Gabi-gabi ay palagi silang dinadalaw ni Felicity sa kanilang mahimbing na pagtulog. Malungkot ang mga mata ng dalaga. Araw-araw ay palagi nilang naririnig ang iyak ni Felicity sa silid-aralan, sa faculty room at sa CR ng eskuwelahan.

Sa bandang huli ay hindi kinaya ng kanilang mga utak ang pambubulabog sa kanila ng dalagita. Isa-isa silang nawala sa kanilang katinuan. Paulit-ulit nilang sinasariwa ang lahat ng ginawa nila sa pobreng dalaga. Nakulong ang kanilang mga isipan sa malagim na araw kung kailan tinapos ni Felicity ang kaniyang buhay.


Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!


More Stories

Disclaimer: Ang mga kwento ni Inday Trending ay kathang-isip lamang. Ang mga nabanggit na pangalan, karakter, negosyo, lugar, pangyayari at mga insidente ay maaaring produkto lamang ng imahinasyon ng may-akda. Anumang pagkakapareho sa sinumang nabubuhay o pumanaw na personalidad at aktwal na pangyayari ay nagkataon lamang.

Photos: Ang mga larawang ginamit ay mga stock photos o mga propesyunal na mga larawang binili ng may akda para sa komersyal na layunin. Ang mga ito'y ginamit upang makapagbigay ng mas malinaw na representasyon ng mga karakter at mga pangyayari sa kwento.