Inday TrendingInday Trending
Nagsugal na Lamang ang Ginang Upang Aliwin ang Sarili sa Pambababae ng Mister; Isang Biyudang Babae ang Magiging Daan sa Pagtuklas Niya ng Kalokohan ng Asawa

Nagsugal na Lamang ang Ginang Upang Aliwin ang Sarili sa Pambababae ng Mister; Isang Biyudang Babae ang Magiging Daan sa Pagtuklas Niya ng Kalokohan ng Asawa

Nagkakilala at naging magkaibigan sina Vicky at Sonia sa casino. Si Vicky, 35 taong gulang, ay may mister na babaero. Idinaraan niya sa pagsusugal ang kaniyang kalungkutan. Si Sonia naman ay biyuda. Nililibang niya na lamang ang sarili sa pagsusugal upang maibsan ang sakit ng pagkawala ng kaniyang mister.

Kahit na dalawang buwan pa lamang magkakilala ay nag-click na sa isa’t isa sina Vicky at Sonia. Para silang “soul sisters” bagama’t hindi pa naman nila nakikilala ang iba pang mga mahahalagang tao sa buhay nila, kagaya ng asawa ni Vicky, mga magulang ni Sonia, at iba pa.

Isang araw, matapos ang kanilang pagka-casino, tumambay ang dalawa sa isang coffee shop, malapit lamang sa kanilang paboritong pastime.

“I have something to tell you pala. I got a boyfriend!” tuwang-tuwang balita ni Sonia kay Vicky habang sila ay nagkakape.

“Wow! Talaga? I’m happy for you! Saan mo naman nakilala?” tanong ni Vicky kay Sonia.

“Well, sa isang party na nadaluhan ko. Medyo mas matanda nang kaunti sa edad natin, siguro mga nasa 40s. Pero alam mo, hilig ko talaga ang mga medyo mas bata sa akin. Ito kasing boylet ko eh older than me,” pamamalita ni Sonia.

“Good for you. Tiyakin mo lang siguro na walang sabit iyan. Na-background check mo na ba?” tanong ni Vicky.

“Actually hindi pa. Sabi naman niya, he’s single. Sinisipat ko nga ang daliri eh, wala namang suot na singsing,” biro ni Sonia.

“Malay mo naman hinuhubad. Basta, nasa tamang edad ka na naman saka it’s about time naman siguro na makakilala ka ng bagong lalaki sa buhay mo,” sabi ni Vicky.

“Hindi ko alam sa kaniya. Bahala siya. Basta nag-eenjoy ako sa company niya. Eh ikaw? Kumusta kayo ng asawa mo?”

“Huwag na nating pag-usapan. Hayaan na natin siya. Ayoko na makunsume sa kaniya.”

Sa bawat araw na nagdaan, laging naikukuwento ni Sonia ang tungkol sa bago nitong “boylet” na hindi naman niya binabanggit ang pangalan. Lagi raw siya nitong dinadala sa mga mamahaling restaurant. Binibigyan ng pera, na siyang ginagamit niya sa pagsusugal. Pati pagsisip*ng nila ay dinedetalye nito. Nakaramdam nang kaunting pagkainggit si Vicky sa kaibigan dahil tila masayang-masaya si Sonia sa boylet niya. Samantalang siya, wala siyang maikuwentong maganda hinggil sa mister na babaero at gabing-gabi na kung umuwi.

“Sinubukan mo na bang hulihin ang mister mo? Gusto mo hulihin natin? Sundan natin,” minsan ay aya sa kaniya ni Sonia.

“Soon. Hindi pa ako ready eh. Huwag kang mag-alala, ikaw ang isasama ko kapag ginawa ko na iyon,” sabi ni Vicky.

“Ay akong bahala sa babaeng iyan. Mata lang niya ang walang latay. Pipitikin ko ang kuwan niyan kapag nakaharap ko na,” nanggigigil na sabi ni Sonia.

“I-ready mo iyang mga mahahaba mong kuko,” natatawang biro ni Vicky.

“Teka muna, may ibabalita pala ako sa iyo! Binilhan ako ni boylet ng bagong condo unit sa BGC. Ang ganda! Magmove-in na ako roon next week. Gusto mong silipin minsan?” sabik at masayang-masayang aya ni Sonia sa kaibigan.

“Ay talaga? Grabe, yayamanin naman pala ang boyfriend mo. Ano bang work niyan? Politiko ba iyan at may pabahay na sa iyo?” biro ni Vicky.

“Hindi niya sinasabi ang work niya eh, pero parang businessman siya. Huwag kang mag-alala, ipapakilala ko sa iyo si boylet. Pero dapat ipakilala mo rin iyang babaero mong mister para masermunan ko,” sabi ni Sonia.

Makalipas ang ilang araw, hindi nakapag-casino sina Vicky at Sonia. Naging abala ang huli sa kaniyang paglipat sa bagong condo unit na ibinigay ng kaniyang boylet sa kaniya.

Si Vicky naman ay nagagalit sa kaniyang mister dahil may mga nawawalang malaking pera sa kanilang joint bank account.

“Hayop ka! Saan mo dinadala ang pera? Bakit nagwithdraw ka ng 1.5 million?!” untag ni Vicky sa kaniyang mister.

“Wala kang pakialam. Hindi naman kita pinipigilan sa pagsusugal mo,” galit na sabi ng kaniyang mister, sabay alis.

Sa pagsasaliksik at paghahalughog ni Vicky sa kanilang kuwarto, natuklasan niyang may biniling isang property ang kaniyang mister: isang condominium unit sa may bandang BGC. Naalala niya, sa may BGC din ang codo unit ni Sonia. Baka alam nito kung saan matatagpuan ang naturang condo unit. Agad niyang tinawagan si Sonia.

“Hello Sonia, busy ka ba? May itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung saan ang JMC Condo Residence diyan sa BGC?” tanong niya.

“Bakit? Dito iyan sa amin,” sagot ni Sonia.

May kakaibang sikdo ng dibdib ang naramdaman ni Vicky. Ito na yata ang tamang pagkakataon para “masapak” ni Sonia ang kabit ng kaniyang mister.

“Puwede ba akong pumunta riyan? Balita ko kasi maganda raw ang mga units diyan,” sabi ni Vicky.

“Oo ba. Tamang-tama, narito si boylet, ipapakilala kita,” sabi ni Sonia. Ibinigay nito ang address. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Vicky. Lumarga na siya patungo sa condo unit ni Sonia.

Habang nasa elevator ay kabadong-kabado si Vicky. Hindi niya maintindihan ang kaniyang nararamdaman.

Nakarating siya sa unit ni Sonia. Mararahang katok. Bumukas ang pinto. Tumambad si Sonia. Pinapasok siya sa loob…

“Babe, nariyan na ba ang kaibigan mo…”

Napatda ang tinutukoy na boylet ni Sonia.

“V-Vicky? P-Paano mong nalaman…”

“Hayop ka! Mga hayop kayo!” isang malakas na sampal ang umigkas sa pisngi ni Sonia. Halatang nagulat ito. Bakas naman sa mukha ng boylet ni Sonia, na siya ring mister na babaero ni Vicky, ang pagkaputla.

“A-anong nangyayari, Vicky? Bakit mo ‘ko sinampal?”

“Ang boylet na tinutukoy mo ay walang iba kundi ang asawa ko! At ikaw… ikaw pala ang kabit niya!” galit nasabi ni Vicky. Napatda si Sonia sa kaniyang natuklasan.

“Sandali lang Vicky, makinig ka muna sa akin. Ang sabi niya sa akin, single daw siya at biyudo rin. Hindi ko naman alam na…”

“Puwes, tatanga-tanga ka! Mga hayop!” galit na sabi ni Vicky.

Galit namang humarap si Sonia sa lalaki.

“Hayop ka, Ernesto! Buong akala ko pa naman ay wala kang pananagutan! Sabi mo sa akin wala kang sabit…. manloloko ka!” galit na galit na sabi ni Sonia.

Nagkatinginan sina Sonia at Vicky. Tila nagtagpo ang nilalaman ng kanilang isipan. Sinugod nila si Ernesto at binigyan ito ng sabunot, sampal, suntok, sipa. Pareho silang niloko nito. Pareho silang biktima.

Labis na humingi ng paumanhin si Sonia kay Vicky dahil hindi naman talaga niya intensyong saktan ito, dahil hindi naman talaga niya alam ang itinatagong lihim ni Ernesto. Pinatawad ni Vicky si Sonia, dahil malaking bagay na nakilala muna niya ito bago maisiwalat ang lahat-lahat. Hiniwalayan nilang pareho si Ernesto. Nawasak man ang kani-kanilang relasyon, isa naman ang nabuo: ang kanilang pagkakaibigan.

Advertisement