Inday TrendingInday Trending
Nilayasan ng Babae ang Asawa Dahil May Nalaman Siya Rito; Mas Kahina-hinala Pala Siya Dahil sa Misteryosong Lalaking Umaaligid sa Kaniya

Nilayasan ng Babae ang Asawa Dahil May Nalaman Siya Rito; Mas Kahina-hinala Pala Siya Dahil sa Misteryosong Lalaking Umaaligid sa Kaniya

Isang gabi ay nagulat si Daniel nang dumating siya sa bahay dahil hindi siya sinalubong ng asawang si Ferlyn.

“Sweetheart… I’m home!” wika ng lalaki pagkapasok sa sala.

Dati ay ang pagsalubong ng kanyang misis ang pumapawi sa pagod niyang katawan sa maghapong pagtatrabaho sa opisina ngunit nang gabing iyon ay hindi niya nadatnan sa sala ang malambing niyang asawa.

“F-Ferlyn?”

Hinanap niya ang babae sa bawat sulok ng bahay. Nang pasukin niya ang kanilang kuwarto ay naroon lang pala si Ferlyn. Nakahiga ito sa kama at nakatalikod sa pinto.

“F-Ferlyn, sweetheart…” malambing na sambit ni Daniel habang hinahaplos ang braso ng asawa. “S-something wrong, sweetheart?” tanong niya.

Nang humarap ito sa kanya ay napansin niyang tila may luha ito sa mga mata. Halatang umiyak ang babae.

“U-umiyak ka ba? Bakit, may nararamdaman ka ba, sweetheart?” nag-aalalang tanong ni Daniel.

Ngunit umiling lang ito at pinahid ang luha.

“W-wala ito. Sandali’t ipaghahain kita,” sagot ni Ferlyn.

“Ako na lang sweetheart… magpahinga ka na lang,” tugon niya.

Hinayaan na lang ni Daniel na magpahinga ang asawa ngunit bago siya lumabas sa kuwarto ay impit na iyak ang narinig niya nang muli itong tumalikod.

“Ano kaya ang nangyayari sa asawa kong ito?” naguguluhang tanong niya sa isip.

Habang kumakain sa kusina ay dinig na dinig niya ang hagulgol ni Ferlyn sa loob ng kuwarto.

“Ano ba talaga ang problema niya?” napapailing niyang sabi.

Pagkatapos kumain ay pumasok na ulit siya sa kanilang kuwarto at tinabihan sa kama ang misis at muling tinanong.

“M-may problema ka ba, sweetheart? O, may masakit ba sa iyo? Tell me,” aniya.

Ngunit maikling sagot lang ang itinugon ng babae.

“W-wala.”

Napakunot ang noo ni Daniel sa sinabing iyon ni Ferlyn.

“Wala? Umiiyak ka nang walang dahilan?” tugon niya. “You’re crazy, Ferlyn,” inis niyang sabi sa isip.

Dahil ayaw siyang kausapin ng asawa ay nagpasiya na siyang ipagpabukas na lang kung ano man ang problema nito. Natulog na lang siya.

Kinabukasan, laking gulat niya nang makitang wala na sa tabi niya si Ferlyn. Mas nagulat siya nang malamang umalis ito at dala ang mga damit. Wala na kasi ang mga damit at gamit nito sa aparador.

“Sh*t! Ngayong lang niya ginawa ito,” wika ng lalaki sa sarili.

Alam niya kung saan pumunta ang asawa kaya hindi siya masyadong nag-alala. Pupuntahan na lang niya ito pagkauwi niya galing sa trabaho.

Sa opisina ay ikinuwento ni Daniel sa mga malalapit niyang kaibigan ang nangyari.

“Baka naman buntis at naglilihi lang si misis, pare?” tanong ng kaibigan niyang si Adrian.

“Sigurado akong hindi… dahil may buwanan siyang dalaw nung araw na iyon,” sagot niya.

“Eh baka naman dahil doon kung bakit nagkakaganoon si Ferlyn?” sabad naman ni Yul.

“Kilala ko si Ferlyn, hindi mainit ang ulo niya kapag mayroon.”

“Baka naman may babae ka at nalaman niya nang hindi mo alam, pare?” hirit pa ni Adrian.

“Kilala niyo ako, hindi ako tulad niyo, mga ul*l,” aniya.

“Ganoon naman tayong mga lalaki ‘di ba… ayaw umamin kapag mayroong iba,” wika pa ni Yul.

Pagkalabas sa opisina ay agad niyang pinuntahan kung saan naroon ang asawa.

“Si Ferlyn po, inay?” tanong niya sa biyenang si Matilde.

“Nasa kuwarto niya sa itaas at umiiyak pa rin ang anak ko. Tinatanong ko naman kung bakit pero ayaw naman magsalita. Iyak lang nang iyak. Pero hindi naman magkakaganyan ‘yan kung walang nalamang milagro, eh!” tugon ng biyenang babae.

Hindi na lamang pinansin ni Daniel ang pasaring ng biyenan at pinuntahan sa kuwarto ang asawa ngunit imbes na harapin siya nito ay hindi siya hinarap ni Ferlyn.

“Sh*t! Wala naman akong kasalanan pero bakit mo ako tinitikis, Ferlyn?” aniya sa sarili bago tuluyang lisanin ang bahay ng biyenan.

Habang nagmamaneho ay masama ang loob ni Daniel sa inaasal ng asawa.

“Mahirap din palang maging mabait na mister… masakit kapag napagbibintangan ng hindi totoo,” sambit niya sa isip.

Pag-uwi niya sa bahay nilang mag-asawa ay may naabutan siyang lalaking nakatayo sa labas ng gate.

“S-sino ang lalaking iyon?” tanong niya sa sarili.

Nilapitan niya ang lalaki…

“Gabi na pare ah… sino’ng kailangan mo sa bahay na ‘yan?” tanong niya.

Lumingon ang lalaki at nagsalita…

“Si Ferlyn ang kailangan ko. Nariyan ba siya sa loob?” sagot ng lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay si Daniel naman ang nakadama ng selos mula sa kaharap pero nagawa niyang magpigil. Hindi muna siya nagpakilala na siya ang mister ni Ferlyn, sinabi niya na pinsan niya ito.

“Halika sa loob at doon tayo mag-usap. Wala siya rito, eh nasa mga magulang niya, pero tatawagan ko siya para pumunta rito,” aniya sa seryosong tono.

Tinawagan niya si Ferlyn at dumating naman ito kasama ang inang si Matilde. Nagulat ang babae nang makita ang lalaking bisita na kasama siya.

“I-ikaw? B-Bakit ka narito?” tanong ni Ferlyn.

“N-nagbalik ako, Ferlyn,” tugon ng lalaki.

“S-sino ang lalaking ito, Ferlyn?” kinakabahang tanong ni Daniel sa asawa.

“Hihingi sana ako ng tawad sa iyo, Ferlyn,” wika ng lalaki na nagpakilalang si Joven.

“S-sorry? Para saan?” gulat na tanong ng babae.

“Nagkamali kasi ako, eh… hindi ang mister mo ang kalaguyo ng asawa ko,” bunyag ng lalaki.

“A-ano?!”

“Nagkataong Daniel din ang pangalan ng hinahanap kong lalaki na kabit ng asawa ko na dito rin sa lugar niyo nakatira. Sa kabilang kanto pala nakatira ang Daniel na hinahanap ko kaya I’m sorry kung napagbintangan ko ang asawa mo,” sambit pa ng lalaki.

Ang lalaki pala ay dating kaklase ni Ferlyn na kamakailan ay tinawagan siya at sinabing ang asawa niyang si Daniel ang kalaguyo ng asawa nito ngunit hindi naman pala totoo at ibang Daniel ang tinutukoy ng lalaki.

Maya-maya ay inilantad na ni Daniel ang tunay na katauhan sa lalaki.

“Ako ang Daniel na asawa ni Ferlyn. Hindi totoong pinsan ko siya. Nagkunwari lang ako dahil gusto kong malaman kung ano ang kaugnayan mo sa asawa ko. Naghinala ako na may relasyon kayong dalawa. Patawarin mo rin ako. Patawad din sa iyo, sweetheart, kung nag-isip ako ng masama at pinaghinalaan ko kayo,” sambit ni Daniel.

“Naiintindihan ko, pare. Sorry din kung pinagbintangan kita. Hindi pa kasi kita nakikilala ng personal, eh, kaya naghinala ako na ikaw na asawa ni Ferlyn na dating kong kaklase ang kalaguyo ng asawa ko. Ayon kasi sa nakapagsabi sa akin, dito raw sa lugar na ito nakatira ang hay*p na lalaking iyon. Naalala ko na dito rin nakatira si Ferlyn at natatandaan kong Daniel ang pangalan ng asawa niya na pangalan din ng kabit ng misis ko,” tugon ni Joven.

“It’s okay, Joven. Ang mahalaga ay nalinis ang pangalan ng asawa ko at hindi totoo ang bintang mo sa kanya,” sagot ni Ferlyn sa nahihiyang tono.

Maayos na nagpaalam ang lalaki at hindi malaman ni Ferlyn kung paano kakausapin ang asawa.

“S-sorry D-Daniel,” tangi niyang nasabi.

“Dapat ay ipinagtapat mo sa akin ‘yon, Ferlyn at hindi ‘yung bigla ka na lang iiyak at aalis,” tugon ni Daniel sa seryosong boses.

“Patawarin mo ako. Iyon lang kasi ang tangi kong magagawa kapag nagloko ka eh, iiyak lang ako sa isang tabi,” naluluha na namang sabi ng babae.

Hindi na natiis ni Daniel ang asawa at niyakap ito.

“Mali ‘yon, sweetheart. Dahil paano ko malalaman kung ano ang problema kung hindi natin pag-uusapan? Tahan na, hindi na ako galit sa iyo, huwag mo nang uulitin ‘yon, ha? I love you, sweetheart!” wika ni Daniel saka hinalikan sa noo ang misis.

Napailing na lang si Matilde sa tagpong iyon ng mag-asawa.

“Hay naku, anak, talagang mali na iiyak ka na lang at sinasarili ang problema. Dapat ay kinausap mo muna ang asawa mo bago ka naniwala sa lalaking iyon!” bulyaw pa ng ina.

“Inay naman, eh,” nahihiyang tugon ni Ferlyn.

“O, pati si inay ay kontra sa ginawa mo, hmmm,” natatawang sabi ni Daniel sabay kindat sa biyenan.

Mula noon ay hindi na nagkaroon pa ng tampuhan ang mag-asawa. Naging bukas na ang komunikasyon nila sa isa’t isa na naging susi sa maganda at maayos nilang pagsasama.

Advertisement