Nabisto ng Misis ang Pagkakaroon ng Ibang Babae ng Kaniyang Mister; Hihiwalayan Niya Kaya Ito o May Iba Siyang Plano?

“Kung hindi ka makapipili sa aming dalawa, papayag naman ako na hati kami.”

Hindi makakilos sa kani-kanilang mga inuupuan si Rommel at ang kaniyang kabit na si Alexa. Matagal nang minamanmanan ni Nova ang kaniyang mister, na may tinatago ito, at may kakaibang kilos ang mga ito. At ngayon, huling-huli niya ito kasama ang kabit na si Alexa, sa mismong opisina ng asawa.

angry young couple ignored each other - two asian couple sad stock pictures, royalty-free photos & images

Sa halip na mag-eskandalo at pagbuhatan ng kamay ang dalawa, kinausap niya ang dalawa nang masinsinan.

“N-Nova…”

“Kung tutuusin, napakabait ko na nga. Kung ibang legal na misis ang nasa sitwasyon ko ngayon, baka namamaga na ang mukha mo ngayon sa sampal, at itong babaeng ito, baka kanina pa napahiya sa labas dahil kakaladkarin ko siya sa pamamagitan ng sabunot. Kaya pasalamat ka sa akin. Pasalamat kayo sa akin,” malumanay ngunit may diing saad ni Nova sa mister.

“P-Patawarin mo kami…”

“Tumigil ka, babae, hindi ikaw ang kinakausap ko. Ako ang legal na asawa, at ako ang nakahuli sa inyo, kaya gagawin ko ang gusto ko. Ako ngayon ang magdedesisyon sa kapalaran natin.”

Natahimik na lamang si Alexa.

Advertisement

“Hindi ako papayag na hiwalayan mo ako, Rommel. Sa ilalim ng batas, ako ang may karapatan sa lahat ng mga pag-aari mo. Ano ako, hilo? Ako na nga ang niloko mo, ako pa ang mawawalan sa lahat ng mga pinaghirapan ko. Buweno, papayag ako na hati kami sa oras mo. Sa kaniya ka sa umaga, pero sa akin ang gabi mo.”

“A-Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ni Rommel.

“Malinaw naman, ‘di ba? Tuwing umaga, bahala na kayo kung paano ninyo susulitin ang mga oras ninyo na magkasama. Basta alas sais ng gabi, dapat nasa bahay ka na. Ako ang uuwian mo. Gayundin sa Sabado at Linggo. Kapag hindi iyan nangyari, madali lang naman magsampa ng kaso. Nasa akin ang lahat ng ebidensya. Nakalimutan mong may CCTV ang opisinang ito. At ako mismo. Habang nangyayari ang usapang ito, naka-record ito sa aking cellphone.”

Walang nagawa sina Rommel at Alexa. Wala naman silang magagawa. Kaya pinili ni Nova ang gabi dahil mas masosolo niya ang mister sa gabi. Hindi katulad sa umaga. Alam niyang mahahati ang atensyon ng mister sa mga gawain nito sa trabaho. Gayundin si Alexa, na batay sa kaniyang pagsisiyasat, ay isang empleyado sa isang sangay ng pamahalaan.

At ganoon na nga ang naging set up nilang tatlo. Alam kasi ni Nova na hindi hihiwalayan ni Rommel ang kabit nito, kaya idaraan na lamang niya sa reverse psychology. Ipinakikita niyang hindi siya apektado sa ginagawa nitong pagtataksil sa kaniya, alang-alang sa kanilang dalawang mga anak.

Ngunit ang totoo, parang sinasaksak ang puso ni Nova. Lalo na tuwing umaga. Alam niyang nasa ibang kandungan ang mister.

sad mixed race woman sitting on sofa - sad asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Kaya tuwing gabi, sa pag-uwi nito ay todo asikaso si Nova sa mister. Pinagluluto niya ito ng masasarap at paborito nitong pagkain. Inaasikasong parang hari. Nais niyang ipamukha rito na nakahihigit siya kaysa sa kabit nito.

Kapag sila ay nagnin*ig, tinitiyak niyang masasarapan at mapapagod niya ito, hanggang sa hindi na makagulapay. Para sa umaga, wala na itong lakas na maibibigay pa kay Alexa.

Advertisement

Bakit kasi kailangang makihati kung sa mata ng Diyos at batas, siya ang may higit na karapatan?

Wala eh. Mahal na mahal niya ang mister. Handa siyang makihati sa oras at atensyon. Sa pagmamahal.

Subalit isang gabi, hindi na bumalik pa si Rommel. Tuluyan na itong umalis at nagpakalayo-layo kasama si Alexa. Hindi niya alam kung saang lupalop ng bansa, o sa labas ng bansa nagpunta ang dalawa. Huli na nang mapansin ni Nova na paunti-unting kinukuha ni Rommel ang mahahalaga nitong gamit.

Sinubukan din ni Nova na utusan ang bangko na ipa-freeze ang mga pera nila ni Rommel sa kanilang joint account, subalit hindi ito inaprubahan ng bangko, lalo’t kailangan muna ng pagsang-ayon ni Rommel tungkol dito. Kaya ang ginawa na lamang ni Nova, paunti-unti na lamang siyang nagwithdraw sa kalahati ng kanilang pera, upang hating-hati ito.

Matuling lumipas ang dalawang taon.

Naka-move on na si Nova. Nagpokus na lamang siya sa pagtataguyod ng kaniyang pamilya nang mag-isa. Ngunit isang araw, isang hindi inaasahang tao ang biglang dumating.

Si Rommel. Muling nagbabalik. Nag-iba na ang hitsura nito. Parang pagod na pagod sa buhay. Parang natuyot na sanga ng isang halaman.

man's body walking through an office - hand of a man holding a bag stock pictures, royalty-free photos & images

“M-Maaari ba akong bumalik?”

Advertisement

Katulad ng kaniyang unang reaksyon at aksyon noong nalaman niyang niloko siya ni Rommel, kalmado at malumanay pa rin niyang kinausap ang mister. Hindi na siya nag-usisa pa sa kung ano ang nangyari sa kanila ni Alexa.

“Well, technically asawa pa rin naman kita at ama ka ng anak natin, sige. Pero titira ka lamang dito. Hindi ibig sabihin na magiging maayos na tayo. Akin na ang buong araw mo, hindi na hati ang umaga at gabi. Pero bilang ama na lamang sa mga anak namin, hindi bilang kapareha ng buhay ko.”

Kung may natutuhan man si Nova sa mga nangyari, iyon ay bigyang-halaga ang sarili niya. Hindi puwedeng may kahati. Kailangang buong-buo ang nararapat na sa kaniya.

Bumalik si Rommel subalit kagaya nga ng nabanggit ni Nova, hindi na naipanumbalik pa sa dati ang kanilang pagsasama. Masaya si Nova sa kanilang panibagong set up ni Rommel. Hindi man sila naging matagumpay na mag-asawa, naging matagumpay naman si Rommel sa pagiging ama ng kanilang mga anak.

At ayos na ayos lamang sa kaniya ang lahat. Hindi naman niya sinasara nang tuluyan ang kaniyang puso para sa mister na naligaw ng landas, ngunit sa ngayon, masaya siya sa kung ano ang mayroon sila. Panahon lamang ang nakakaalam kung kailan maghihilom ang mga sugat ng kahapon.