Sosorpresahin Sana ng Babae ang Kaniyang Nobyo sa Bahay Nito, Subalit Natigilan Siya sa Kaniyang Natuklasan

Ang unang ginawa ni Esmie pagkagising, kinuha niya ang kaniyang cellphone upang basahin ang anumang mensaheng ipadadala ng kaniyang nobyong si Hedrick.

Ito ang unang beses na nagkaroon siya ng karelasyon, sa tanang 25 taong pananatili niya sa daigdig. Kung tutuusin ay maganda naman siya, walang kapintasan, subalit hindi rin niya maintindihan kung bakit walang nanligaw sa kaniya, noong panahong dalaginding palang siya.

smiling woman texting on cell phone on bed - asian woman lying on bed while using her cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

Hindi naman na iyon mahalaga. Bawing-bawi naman siya kay Hedrick. Guwapo, matangkad, mabait, at may trabaho.

Kilig na kilig siya nang makita ang tatlong mensahe nito sa kaniya sa chat. Hindi na niya natugunan dahil nakatulog na siya.

Unang mensahe: “Anong ideal date na gusto mo, babe?”

Pangalawang mensahe: “Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakilala kita at dumating ka sa buhay ko. Hinding-hindi kita lolokohin, tatandaan mo ‘yan, babe.”

Pangatlong mensahe: “Tulog ka na ba? ‘Di ka na reply. Kung tulog ka na, goodnight and sweet dreams. Chat-chat bukas. Mahal na mahal kita, babe.”

Hindi maipaliwanag ni Esmie ang kilig na lumukob sa bawat himaymay ng kaniyang katawan. Ganito pala ang pakiramdam na may nagpapahalaga sa iyo? Ganito pala ang pakiramdam na may nagmamahal? Napakasarap sa pakiramdam.

Advertisement

Hindi muna siya tumugon, baka sabihin ni Hedrick ay masyado siyang atat. Inayos niya muna ang kaniyang kama. Nagtungo na sa palikuran upang maligo. Tutal ay Sabado naman ngayon, may naiisip siyang gawin.

Naisip niyang dalawin si Hedrick nang sorpresa sa bahay nito. Gusto na rin niyang makilala ang pamilya nito. Tiyak na magugulat si Hedrick kapag nakita siya. Isa pa, gusto rin niyang makita kahit paano ang background ng kaniyang nobyo.

Hindi man tipikal na ang isang babae ang dadalaw sa lugar ng lalaki, walang pakialam dito si Esmie. Bago siya dumiretso sa tirahan nina Hedrick, na nakuha niya sa pag-istalk dito, dumaan muna siya sa palengke. Bumili siya ng isang basket ng prutas bilang pasalubong sa sinumang madaratnan niya rito.

Sa totoo lang, wala pang naikukuwento si Hedrick tungkol sa kaniyang pamilya. Magandang pagkakataon na rin siguro ito upang makilala sila.

Matapos ang isang sakay ng dyip at traysikel papasok sa village nila, nasa harapan na ng bahay nina Hedrick si Esmie. Maganda ang bahay nina Hedrick, simple lamang at may ikalawang palapag. May door bell. Pipindutin na sana niya ang door bell nang mapahinto siya.

Isang batang lalaki kasi, na tantiya niya ay 5 taong gulang, ang biglang nagtatatakbo sa bakuran. Lumabas naman si Hedrick at tila hinahabol ito.

“’Nak, huwag kang tumakbo, baka madulas ka. Magagalit ang Mommy mo sige,” narinig niyang sabi ni Hedrick.

Napapitlag si Esmie sa kaniyang narinig. Tinawag niya ang bata na ‘nak?’ May anak na siya?

Advertisement father and son outdoors - asian adult guy with little boy stock pictures, royalty-free photos & images

Maya-maya, lumabas ang isang magandang babae.

“Anak, ‘di ba sabi ko sa iyo huwag tatakbo! Finish your food muna,” saad nito.

Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Esmie. Tinawag din ng babae na ‘anak’ ang bata. Ibig bang sabihin nito, may asawa at anak na si Hedrick?

Hindi na tumuloy pa si Esmie. Namalayan na niyang tumutulo na ang mga luha sa kaniyang mga mata. Niloloko lamang siya ni Hedrick.

Hindi na sinagot pa ni Esmie ang anumang text, chat, o tawag ni Hedrick. Malinaw na isa itong manloloko. Ano ba naman iyan, unang beses pa lamang niyang magkanobyo, tapos maloloko pa siya? Napakasaklap naman!

Isang araw, isang ‘di-inaasahang bisita ang dumating sa kaniyang bahay. Si Hedrick.

“Bakit ayaw mo ‘kong kausapin, babe? May nagawa ba akong mali sa iyo?”

“Hayop ka. Niloloko mo ako! May asawa at anak ka na pala, tapos gusto mo pa akong tuhugin? Kapal ng mukha mong magpunta rito!” galit na galit na sabi ni Esmie.

Advertisement

Nangunot ang noo ni Hedrick.

“Anong sinasabi mong asawa at anak?”

At ikinuwento ni Esmie ang kaniyang mga nasaksihan.

“Totoo naman na may anak na ako. Pero asawa, wala. Single na single ako. Halika, sumama ka sa akin at nang malaman mo ang totoo,” aya sa kaniya ni Hedrick.

Hindi na siya nakatanggi nang hilahin na siya nito at pinasakay sa kotse. Wala silang kibuan.

Pagdating sa bahay nina Hedrick…

“Babe, gusto ko sanang ipakilala ang “anak” ko, si Junjun, ang pamangkin ko. Anak ng kapatid kong babae. Anak ko siya kasi ako ang kaniyang Tito Daddy,” pakilala ni Hedrick sa kaniyang anak-anakang pamangkin.

“At ito naman ang kapatid kong bunso, si Helena. Helena, siya si Esmie, ang pakakasalan ko at magiging nanay ng mga magiging anak ko. Para naman may kapatid-pinsan na si Junjun,” pakilala ni Hedrick sa kaniyang kapatid.

Advertisement

At isinalaysay ni Esmie sa dalawa kung ano ang pagkakamaling nagawa niya. Tawang-tawa naman ang magkapatid na Hedrick at Helena.

“Walang hiya kasi yung ex ko eh. Mabuti na lamang at responsable si Kuya Hedrick ko. Siya ang tumutulong sa akin. Siya ang tumatayong ama para sa kaniyang pamangkin. Kaya mapalad ka sa kaniya,” sabi ni Helena sa kaniyang ‘future balae.’

female / smile / caf? - smiling asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Masayang-masaya si Esmie. Hindi naman pala manloloko ang kaniyang nobyo. bagkus, nakita niyang responsable pala ito.

Hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Esmie nang hingin nito ang matamis niyang oo upang pakasalan siya. Makalipas ang ilang buwan, ikinasal na sila. Handa na siyang bigyan ito ng sariling mga anak.