Nagbebenta ng mga Kolehiyala ang Ginang na Ito, Maling Dalaga pala ang Tinangka Niyang Ibenta

Nagbebenta ng mga Kolehiyala ang Ginang na Ito, Maling Dalaga pala ang Tinangka Niyang Ibenta

HeartbreakingKarmaStories

“Aba, hija, ngayon lang kita nakita rito, ha? Bago ka bang estudyante rito?” tanong ni Rein sa isang magandang dalagang ngayon niya lamang nakita, isang umaga pagkabukas niya ng kaniyang tindahan sa harap ng isang unibersidad. 

“Ah, eh, opo. Unang araw ko nga po ngayon, eh, pero nautusan na agad akong magpa-photocopy ng module namin. Bukas na po ba kayo? Pwede na po bang magpa-photocopy?” sagot nito habang inuusisa ang kaniyang ginagawang pagbubukas ng tindahan. 

“Oo naman! Tag-iilang kopya ba?” tanong niya pa rito.

“Tag-tatatlumpung kopya po kada pahina,” nakangiting tugon nito dahilan para agad niyang ikopya ang mga hawak na dokumento sa naturang makina.

“Marami-rami, ha? Magkano ang nakolekta mong pera sa klase niyo? May kupit ka ba rito?” pang-uusisa niya rito na ikinatawa nito. 

“Naku, wala po! Sakto lang po ang perang siningil ko sa kanila,” patawa-tawang wika nito. 

“Sa panahon ngayon, dapat madiskarte ka para magkaroon ka nang dagdag baon! Gusto mo bang may pagkakitaan katulad ng ibang dalagang nagpapa-photocopy dito sa akin?” alok niya rito. 

“Oo naman, ate! Anong klaseng pagkakakitaan ba ‘yan?” tanong nito. 

“Halika, papakita ko sa’yo!” yaya niya rito saka agad itong hinila papaakyat sa itaas na bahagi ng kaniyang tindahan. 

Mga kolehiyala ang pinupuntirya ng ginang na si Rein para sa kaniyang tagong negosyo. Binebenta niya ang mga ito sa mga ibang lahi niyang kustomer kapalit ng kakarampot na perang pandagdag ‘di umano sa kanilang baon sa naturang unibersidad. 

Isang madilim na silid na may isang kompyuter ang matatagpuan sa itaas na bahagi ng kaniyang tindahan sa harapan ng isang unibersidad. Dito niya pinapasayaw ang mga dalagang mayayaya niyang magtrabaho. 

Nakadepende ang kikitain ng mga dalagang ito sa galing nilang gumiling o tapang nilang maghubad ng saplot sa harapan ng mga hindi kilalang tao sa likod ng naturang kompyuter. 

Ang naturang maliit na tindahang kaniyang pinapalakad ay tila ba panakip butas lamang upang siya’y makakita ng mga naggagandahang estudyanteng maaaring ibida sa kaniyang mga kustomer.

Ang tagong negosyo niyang ito ang siyang bumubuhay sa kaniyang pamilya. Kaya kahit alam niyang hindi ito tama, patuloy pa rin niya itong ginagawa. Wika niya pa, “Hindi ito maituturing na kr*men kung walang magsusumbong. Saka, tumutulong lang naman ako sa mga kolehiyalang gipit sa buhay!” 

Kaya naman, nang makita niya ang bagong estudyanteng ito na talaga nga namang kasing puti ng gatas ang kutis at mala-modelo ang katawan, agad niya itong inengganyong sumama sa kaniya sa itaas. 

Habang sila’y papaakyat, sa isip-isip niya, “Ang aga ng swerte sa akin ngayon, ha? Mukhang mapapalaban ‘to sa mga nag-aabang kong kustomer sa iba’t ibang sulok ng bansa!” 

Wala pang isang minuto, agad na silang nakarating sa naturang silid. Binuksan niya ang nag-iisang kompyuter na naroon at laking tuwa niya nang agad na makahanap ng Amerikanong pasasayahin ng naturang dalaga. 

“O, hija, kekendeng-kendeng ka lang sa harap ng kompyuter na ito, may kikitain ka na. Sobrang dali lang, hindi ba?” mahinanon niyang sambit sa dalaga habang pinupwesto ito sa harapan ng naturang kompyuter. 

“Teka po, parang mali po yata ito,” wika nito. 

“Anong mali rito, hija? Sasayaw-sayaw ka lang, kikita ka na kaagad! Simulan mo nang sumayaw riyan bago pa ibaba ng Amerikanong ‘yan ang tawag!” utos niya rito saka niya bahagyang hinila ang damit nito dahilan para makita ang dibdib nito. 

“Sagutin ko lang po itong tawag sa akin,” wika nito nang biglang tumunog nang malakas ang selpong dala nito na labis niyang ikinailing-iling, “Confirmed, sir! Ito nga si Rein Villa, ang nagbebenta ng mga dalaga sa internet!” sambit ng dalagang ito na labis niyang ikinagulat, bago pa siya makatakbo papalayo rito, agad na nitong nahila ang kaniyang buhok at siya’y naposasan. 

Mayamaya lang, hindi baba sa sampung pulis na ang umakyat sa naturang silid. Agad siyang sinakay sa patrol habang iniinbestigahan ang naturang silid at ang kompyuter na kaniyang gamit. 

Pagkarating niya pa sa presinto, tumambad sa kaniya ang halos lahat ng dalagang kaniyang nauto sa negosyong ito. Lahat ng mga ito ay umiiyak at tila galit na galit sa kaniya. 

“Binaboy ako ng ginang na ‘yan! Bawiin niyo na ang buhay niyan!” sigaw ng isang dalagang gigil na gigil sa kaniya. 

At dahil nga sa dami ng ebidensyang natagpuan, ilang araw lamang ang lumipas, agad siyang nasintensyahan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo. 

“Patawarin niyo ako! Gusto ko lang may mapakain sa pamilya ko!” sigaw niya sa kaniyang selda. 

“Ang laki ng katawan mo, ma’am, maraming marangal na trabaho riyan! Hindi ka ba nakokonsensya na ang kinakain ng mga anak mo, mula sa maruming paraan?” sambit ng isang pulis na lalo niyang ikinaiyak. 

Pagsisisi ang tangi niyang nagawa noong mga panahong iyon. Gusto man niyang magbagong buhay, huli na ang lahat dahil wala na siyang pag-asang makalaya. 

More Stories