Inday TrendingInday Trending
Makasalanan Daw ang Propesor na Ito, Lumitaw ang Katotohanan nang Matagpuan Niya ang Dating Estudyanteng Ngayo’y Abogado na

Makasalanan Daw ang Propesor na Ito, Lumitaw ang Katotohanan nang Matagpuan Niya ang Dating Estudyanteng Ngayo’y Abogado na

“Ale, baka po pupwedeng sa akin na lang yung tirang ulam niyo, hindi pa kasi ako nakain simula kahapon,” sambit ni Marlon sa isang ginang abalang kumakain kasama ang buong pamilya.

“Ay naku, hindi mo ba nakitang kumakain pa kami? Saka bakit ka nanghihingi ka ng pagkain, eh, mukhang may kaya ka naman? Pinaglololoko mo ba kami?” masungit na sagot nito saka siya tiningnan mula paa hanggang ulo dahilan upang pagtinginan siya ng ibang kumakain sa naturang restawran.

“Naku, hindi po, sadyang ito lang po ang nadala kong damit noong umalis ako sa tinutuluyan ko. Mayroon po kasing…” hindi na niya nagawang tapusin ang kaniyang sinasabi dahil bigla na siyang pinaalis nito.

“O sige na, wala kaming pakialam sa kwento ng buhay mo, lalo na ngayong kumakain kami. Doon ka muna, tatawagin na lang kita kapag may natira,” sabi pa nito, bakas sa mukha nito ang pagkainis sa pag-iistorbong ginawa niya.

“Marami pong salamat,” magiliw niyang sagot, “Sa wakas, makakakain na ako,” buntong hininga niya saka tuluyan nang lumayo sa pamilya ng ginang, pinili niyang maghintay sa labas ng restawran.

Dating isang propesor sa isang sikat na unibersidad sa Maynila ang ngayong palaboy na si Marlon.

Maayos naman talaga ang buhay niyo noon. May sarili siyang inuupahang bahay malapit sa unibersidad na pinagtatrabahuhan, may sapat na ipon para sa pinapangarap niyang sariling pamilya, may motorsiklo, at bukod pa doon, nagagawa niya pang makapagpadala ng pera sa pamilya niyang naiwan niya sa probinsya.

Ito ay ilan lang sa mga magagandang bunga ng kaniyang magiliw na pagtuturo. Sa katunayan nga, isa siya sa mga inaasahang magiging pinuno ng unibersidad sa mga susunod na taon dahil sa kaniyang kagalingan sa pagtuturo.

Ngunit lahat ng ito’y nawala sa isang iglap nang dahil sa isang kr*meng hindi naman niya ginawa. Kamakailan lang, may isang kolehiyalang natagpuang walang buhay sa kaniyang opisina, nakababa ang palda nito’t tila pinagsamantalahan bago tapusin ang buhay.

Sakto namang noong gabing ‘yon, bumalik siya sa kaniyang opisina upang kuhanin ang naiwang pitaka. Ngunit tumambad sa kaniya ang walang buhay na dalaga, at laking gulat niya nang makitang nasa likuran na niya ang mga pulis.

Agad siyang sinama ng mga ito sa pulisya upang kausapin. Tapat niyang sinagot ang lahat ng katanungan ukol sa kaniyang nasaksihan ngunit tila bigla siyang nanlamig nang sabihin ng pulis na, “May nakakita sa inyo, sir, hindi pa ba kayo aamin?”

Dahil nga nasa imbestigasyon pa lang, hindi pa siya muna ikinulong. Hindi niya sinayang ang pagkakataong ito at agad na siyang nagpakalayo-layo nang walang dalang kahit anong gamit. Napangunahan siya ng takot na makulong noong mga araw na ‘yon dahilan upang piliin niyang magpalaboy-laboy siya sa Laguna kaysa mapanagot ang totoong may sala.

Noon araw na ‘yon, pagkaupong-pagkaupo niya pa lang sa tapat ng restawran na iyon, may isang dalagang tumabi sa kaniya saka siya binigyan ng makakain. Nginitian lang siya nito’t saka binuksan ang hawak na pagkain at kumain sa kaniyang tabi. “Kain na tayo, sir,” sambit nito na labis niyang kinagulat. Agad niyang pinagmasdan ang dalaga at nang makilala ito, agad siyang tumakbo palayo.

Hinabol naman siya ng dalaga at dahil nga wala na siyang lakas, agad naman siyang naabutan nito. Naupo siya sa isang sulok ng kalsada dahil sa pagkahingal. Agad naman siyang tinabihan ng naturang dalaga at pinagpatuloy ang pagkain.

“Sinundan mo ba ako rito?” tanong niya.

“Opo, sir, isang linggo na rin ako dito sa Laguna, katulad niyo,” sagot nito na labis niyang kinagulat, “Agad ko po kayong pinuntahan noong pumutok ang balitang ‘yon, alam ko pong hindi niyo ‘yon magagawa,” dagdag pa nito, “Bakit naman kayo napangunahan ng takot, sir? Nakalimutan niyo na atang may magaling at maganda kayong abogado,” nakangiting sambit nito at doon niya tila naalalang ang dalagang ito pala ay isang abogado na, tatlong taon na ang nakakaraan nang dahil sa tulong niya.

Mangiyakngiyak siyang umiling-iling habang tinatawan siya ng kaniyang estudyante noon. Doon niya napagtantong hindi niya kailangang matakot sa parusang hindi naman para sa inosenteng katulad niya.

Agad siyang nakumbinsi ng dalagang bumalik sa Maynila’t magtungo sa pulisya. Hinarap nilang dalawa ang kasong hindi para sa kaniya. Hindi man naging madali ang nakapatong na kaso sa kaniya dahil sa pagtatago niya, ginawa ng dalaga ang lahat upang siya’y mapawalang sala.

Tila umayon naman ang tadhana sa kaniya dahil may lumabas na isang estudyante na nasaksihan ang kr*meng iyon at doon nila lahat nalamang ang nasa likod pala ng pagk*til na ito ay ang kapwa niya propesor na inggit na inggit sa kaniya.

Doon din lumabas na sinadya nitong kuhanin ang kaniyang pitaka upang balikan niya ito sa kaniyang opisina. Ito rin ang tumawag sa mga pulis at nagsabing, nakita ang kaniyang ginawa na puro kasinungalingan. Doon na rin tuluyang nakulong ang tunay na may sala.

Wala nang mas sasaya pa kay Marlon noong mga oras na iyon. Naibalik niya sa wasto ang pag-iisip at doon niya natutunang hindi niya kailangang matakot sa mga bagay na wala naman siyang kasalanan dahil hindi bulag ang hustisya.

Labis ang kaniyang pasasalamat sa dating estudyanteng hindi nakalimot sa mabuti niyang pagkatao.

Advertisement