Inday TrendingInday Trending
Hinihimok ng Misis ang Kaniyang Mister na Mangibang-Bansa Upang Maging OFW; Para nga ba Ito sa Ikabubuti ng Kanilang Pamilya?

Hinihimok ng Misis ang Kaniyang Mister na Mangibang-Bansa Upang Maging OFW; Para nga ba Ito sa Ikabubuti ng Kanilang Pamilya?

“Sige na, Daddy. Kapag nakapangibang-bansa ka, hindi na tayo mamata-matahin ng mga kamag-anak natin. Isasampal natin sa kanila ang mga chocolate at iba pang mga pasalubong mo.”

Hinihimok ni Anita ang mister na si Dante na mangibang-bansa at sunggaban ang alok ng kumpare nito na magtrabaho na sa Abu Dhabi, dahil nangangailangan pa sila ng isang tao roon.

“Paano kayo ng mga bata?” tanong ni Dante sa misis.

“Ano ka ba naman. Malalaki na kami. Hindi na kami dapat iniintindi. Sus. Kaya na namin ang mga sarili namin dito, Daddy,” sabi naman ni Anita.

Nang gabing iyon, hindi makatulog si Dante. Hati ang puso niya sa gagawing pangingibang-bansa. Maganda ang offer ng kaniyang kumpare. Triple sa sinusuweldo niya buwan-buwan ang kikitain niya. Mabilis siyang makakaipon, at makapagpapa-renovate na ng kanilang bahay. Tiyak na mapag-aaral pa niya sa pribadong paaralan ang mga anak.

Sa kabilang banda, ayaw din niyang iwanan ang asawa at mga anak. Alam niya ang hirap ng home sick. Isa pa, medyo naghihinanakit si Dante sa kaniyang misis dahil talagang pinagtutulakan pa siya nito sa ibang bansa; para lamang makapagyabang sa mga kamag-anak nito. Isa pa, gusto niya ring masubaybayan ang paglaki ng kanilang mga anak.

Isang desisyon ang ginawa ni Dante. Hindi siya aalis ng Pilipinas.

“Ikaw ang bahala…” malamig na sabi ni Anita. Simula nang sabihin niya rito ang pagbasura niya sa alok ng kumpare, naging malamig na ang pakikitungo nito sa kaniya.

Isang araw, hindi niya sinasadyang marinig ang pakikipag-usap nito sa cellphone. Akala kasi ni Anita, nasa labas siya ng bahay at nagtatanim ng mga halamang ornamental, na isa sa mga libangan niya kapag wala siyang ginagawa. Nakita niyang nakahiga sa sofa si Anita at tila may kausap sa telepono. Naka-earphones ito kaya hindi napansin ang unti-unting paglapit.

“Hindi aalis si Dante. Akala ko pa naman nakumbinsi ko na eh. Nakakainis. Wala na, napurnada na ang mga balak natin mahal. Kung wala siya rito, mas mapapadalas ang pagsasama natin. Miss na miss na kita, mahal ko.”

“Sino? Sino ‘yang mahal mo?”

Tila sinagpang ng leon si Anita nang maramdaman ang presensya ng mister sa kaniyang likuran. Hindi niya napigilan ang kamay ni Dante nang hablutin nito ang kaniyang cellphone. Agad na idinaiti ni Dante ang cellphone sa kaniyang tenga. Narinig nito ang tinig ng kausap ng asawa; alam niyang ibang karelasyon ito ng asawa subalit mas lalo siyang nagitla nang makumpirmang pambabae ang tinig nito.

“Okay lang ‘yan mahal. Doon tayo sa plan B, dating gawi. Kita tayo tuwing Sabado. Mahal na mahal kita,” saad ng babae sa kabilang linya. Isa itong t*bo.

“Hoy, tigilan mo ang misis ko kung ayaw mong hilahin ko at pagbuhulin ang mga tahong ninyo!” galit na sabi ni Dante sa babae. Bigla namang nawala sa linya ang babae dahil sa labis na pagkabigla.

Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Dante sa mukha ni Anita.

“Hayop ka… kaya pala gustong-gusto mo kong umalis ng bansa, para maging malaya na kayo ng kabit mong t*bo? Anong klase ka, Anita?! Hindi ka na nahiya sa mga anak mo!” galit na sabi ni Dante sa misis.

Umiiyak na nagpaliwanag si Anita habang sapo ang namumulang pisngi na nakatikim ng sampal mula kay Dante.

“Mahal ko siya, at kung tatanungin mo kung anong mayroon siya na wala ka, puwes, mas lalaki pa siya sa iyo dahil naibibigay niya ang mga pinansyal na pangangailangan ko. Eh ikaw? Kakarampot ang kita mo, ni pambili ng lipstick ko hindi mo ako mabigyan! Sana nakinig na lang ako sa mga kamag-anak ko, na maghihirap lang ako sa isang gaya mong kuripot!” sumbat ni Anita sa kaniyang mister.

“Kung hindi mo na ako mahal, malaya akong iwanan ako. Iwan mo sa akin ang mga bata!” galit na sabi ni Dante.

Maya-maya, nag-empake na nga si Anita. Nagpaalam ito sa kanilang dalawang anak, na isang 14 at 10 taong gulang na parehong lalaki.

“Babalikan ko kayo ha? Babalikan kayo ni Mommy,” sabi ni Anita, sabay alis na.

Pinulong naman ni Dante ang kaniyang dalawang anak.

“Mga anak, may iba nang mahal ang Mommy ninyo, pero siya pa rin ang Mommy ninyo kaya hindi kayo dapat magalit sa kaniya. Okay ba iyon?”

Nauunawaan naman ng mga bata ang naging sitwasyon nila.

Hanggang sa isang desisyon ang ginawa ni Dante. Itinuloy niya na ang pangingibang-bansa dahil naisip niya, mag-isa na lamang niyang itataguyod ang kaniyang mga anak. Pinakiusapan naman niya ang kaniyang ina na alagaan muna ang mga anak.

Hindi na naghabol pa si Anita sa parental custody ng mga anak dahil tuluyan na itong sumama sa kinakasamang t*bo sa ibang bansa, bagama’t nagbibigay naman ito ng panggastos para sa kanila. Si Dante naman, nagpokus na lamang sa pagtatrabaho sa ibang-bansa upang maibigay ang pangangailangan ng mga anak.

Nang makaipon na, bumalik na sa Pilipinas si Dante upang makasama naman ang kaniyang mga anak at magtayo na lamang ng negosyo.

Advertisement