Inday TrendingInday Trending
Tilapya sa Loob ng Selda

Tilapya sa Loob ng Selda

Nagising si Mang Tacio sa kalampag ng warden sa baras ng kanilang selda hudyat na alas kuwatro na ng madaling-araw at kailangan na nilang magsigising para sa head count, at para gumawa ng iba pang mga bagay na ipinagagawa sa kanila.

“Hoy gising na kayo. Huwag kayong magpasarap sa kama,” mabagsik na sabi ng warden.

Kahit masama ang kaniyang pakiramdam ay napilitang bumangon si Mang Tacio. Siya ang nakatokang maglinis ng nanlilimahid na palikuran nila kaya kailangan niyang maghanda.

“Tacio tupiin mo ang lahat ng kumot namin. Bilisan mo,” utos ni Bagwis, ang tumatayong pinuno sa kanilang selda. Kinatatakutan ito.

Tumalima naman si Mang Tacio. Isa-isa niyang tinupi ang mga nanggigitatang kumot ng kaniyang mga kakosa.

Limang taon nang nakakulong si Mang Tacio. Pagp*tay ang kaniyang kaso kaya habambuhay siya sa bilangguan. Hinataw niya ng dos por dos hanggang sa mawalan ng buhay ang hacienderong may-ari ng lupang sakahan na kaniyang pinagtatamnan. Napakasuwapang nito. Isang araw, nagdilim ang paningin ni Mang Tacio kaya niya nagawa ang krim*n. Tiniyak ng pamilya nito na mabubulok siya sa kulungan.

Dahil sa nangyari, sumakabilang buhay sa sakit sa puso ang kaniyang maybahay. Ang kaniyang anak na dalagita namang si Clarita ay nasa poder ng kaniyang kapatid na lalaki.

Masaklap ang buhay sa bilibid. Kung papipiliin, mas nanaisin na lamang ni Mang Tacio na magbilad maghapon sa araw, mag-araro ng lupa kasama ang kaniyang kalabaw, o kaya’y maggapas at maggiik ng palay kaysa manatili sa loob ng “impyernong” iyon.

Simula pa lamang noong unang pasok niya sa bilibid, hindi na siya nawalan ng kalbaryo. Sa pagpasok niya sa selda, siya kaagad ang pinagdiskitahan ni Bagwis. Hari-harian ito sa loob ng kanilang selda, kalaban ang iba pang mga “mayor” sa iba pang selda. Kung ano-anong ipinagagawa nito sa kaniya na minsan ay hindi na makatao. Suntok o sipa ang aabutin ng sinuman kapag pumalag sa kaniya.

Totoo pala ang mga bulung-bulungan na kahit ang mga lalaki ay pinapatos ng mga preso makaraos lamang. Isa na riyan si Mang Tacio. Minsan, ipinapasubo ni Bagwis sa kaniya ang kaniyang ari, o kaya nama’y pilit siyang pinapasok sa kaniyang likuran. Ganoon nga raw ang kalakaran sa loob. Talo-talo na. Kaya tuwang-tuwa naman ang presong binabae dahil sila ang star sa loob ng bawat selda.

Subalit minsan naman, may mga tunay na babaeng nagtutungo sa bilibid upang magbigay ng aliw. “Tilapya” ang tawag sa kanila. Mga babaeng titighaw sa uhaw na katawan ng mga preso mula sa likod ng mga rehas. Mga bulok na mansanas para sa mga Adang nais kumagat. Bawal at ilegal, subalit pinapayagan dahil nakakapongka rin ang mga bantay at warden. Kumikita pa. May taga sila o nakukuha mula sa mga tilapya.

Iba-iba ang mga uri ng tilapyang nagtutungo sa kanila. May mukhang matanda na subalit magaling at may asim pa, may mga mukhang sanay na sanay na, at ang iba’y bubot pa subalit pinilit na mahinog. Iyon ang gusto ng mga hayok sa laman. Mga dalagitang parang wala pang muwang. Pagpapasa-pasahan. Ipapasok ang tilapya sa loob ng selda. Pila-balde ang mangyayari. Wala nang pakialamanan kung magkakakitaan. Sanay nang makanood ng “live show” ang lahat.

Habang naglilinis ng kubeta, narinig ni Mang Tacio ang pag-uusap ng dalawang kakosa na umiihi nang sabay sa loob ng isang cubicle.

“Mamaya raw may mga bagong tilapya. Tiba-tiba na naman tayo,” sabi ng isa.

“Puro mga bago at sariwa pa raw. Sawa na ako sa bilasa,” tugon naman ng isa habang tumatawa.

“Habang wala pa sila, tayo na muna,” sabi pa ng isa at isinara na nito ang pinto ng cubicle. Hindi na lamang kumibo si Mang Tacio. Alam na niya iyon. Lumabas na siya ng nililinis na kubeta.

Matapos maglinis ng kubeta, pumila na si Mang Tacio para sa head count. May nawawalang dalawa. Naisip ni Mang Tacio, ang dalawang nawawala ay ang nagyayarian sa loob ng cubicle sa kubetang nilinis niya. Hindi na lamang siya kumibo.

Kinagabihan, dumating na ang mga bagong tilapya na halos parang mga nene pa at wala pang muwang sa daigdig sa kanilang pinapasok. Hindi nila alam na papalaot at lalangoy sila sa isang karagatang punumpuno ng nakaambang pating at piranha. Lulurayin sila. Kaawa-awa ang mga babaeng ito, naisip ni Mang Tacio. Tantiya niya’y mga menor de edad pa sila.

Hindi interesado si Mang Tacio. Kailanman ay hindi siya kumuha o nakitikim man lamang sa mga tilapya. Mahal niya ang kaniyang asawa kahit matagal na itong yumao. Balita niya’y kumuha ng isang tilapya si Bagwis para sa kanilang selda. Hindi lang ito para sa kaniya kundi maging sa kaniyang mga kabagang.

Minabuti na lamang ni Mang Tacio na humiga at magtakip ng mukha. Pinapasok na ni Bagwis ang nabingwit na tilapya. Palakpakan at hiyawan ang mga kosa.

“Sariwang-sariwa iyan Bagwis ah. Mukhang mabango at masarap. Tuhugin na natin at ihawin!” sabi ng isang kakosa na mukhang manyakis. Nakulong ito sa salang estafa.

“Anong pangalan mo?” tanong ni Bagwis sa dalagita.

“C-Clarita po. Clarita Bruzon.”

Napatayo si Mang Tacio nang marinig ang pangalan ng anak. Tiningnan niya ang tilapyang nagsalita. Nanlaki ang kaniyang mga mata. Napakaseksi ng suot ng kaniyang anak. Konserbatibo ang kaniyang anak na si Clarita kaya nagulat siya sa suot nito, gayundin sa pagiging tilapya nito.

“Clarita? Anak? Anong ginagawa mo rito? Bakit ka nagkaganyan?” gulat na bulalas ni Mang Tacio sa anak.

Namutla si Clarita at hindi nakahuma. Hindi niya malaman ang gagawin. Nagsimulang pumatak ang kaniyang mga luha sa mga mata. Nabigla siya dahil hindi niya alam na sa bilibid pala sila dadalhin ng pinag-aplayan niya ng trabaho. Sabi sa kanila, magiging escort girl lamang daw sila. Sasamahan ang mga politiko.

“Tingnan mo nga naman… tamang-tama! Magandang show ito! Panoorin mo ngayon kung paano namin butasin at pagsawaan ang anak mo!” nakangising sabi ni Bagwis. At sinimulan na nga ng mga kabagang nito na hubaran at babuyin si Clarita sa harap mismo ng tatay nitong si Mang Tacio. Naging bingi ang mga ito sa pagmamakaawa ni Clarita. Pinagpasa-pasahan nila ito.

“Mga hayop!!!! Tigilan ninyo ang anak ko! Huwag ang anak ko!!! Clarita!!!” pagsusumamo ni Mang Tacio subalit isa sa mga kosa ang sumuntok sa kaniyang sikmura. Nanlumo at nanghina si Mang Tacio. Wala siyang magawa. Niluluray sa harap niya ang kaawa-awa at kaisa-isang anak.

“Ang sarap ng anak mo, Tacio. Bubot pa pero makatas na! At mukhang birhen pa,” nakakalokong sabi ni Bagwis. Pinaalis na nito si Clarita.

Nakatulala lamang si Mang Tacio. Wala siyang maramdaman. Wala siyang makita. Wala siyang marinig. Ang tanging tumatakbo sa kaniyang isip ay ang nangyari kay Clarita.

Hindi siya nakatulog. Bumalik sa kaniyang gunita ang mga panahong napakasaya niya dahil sa pagkakasilang sa anak. Noong bata pa ito, madalas niya itong ipaghele. Isinasakay niya ito sa kalabaw at ipinapasyal sa bukirin. Wala siyang hinangad kundi mapabuti ang buhay ng kaniyang anak.

Pinagmasdan niya ang mga natutulog na kakosa. Himbing na himbing ang mga ito. Wala silang awa. Kasama niya ngayon ang mga nagpasasa sa katawan ng kaniyang anak. Lalo na si Bagwis na malakas pa ang hilik. Bumangon si Mang Tacio. Kinuha niya nang palihim ang screw driver na pinakatatago-tago ni Bagwis na gagamitin umano niyang pangtarak sa lalamunan ng masungit na warden ng kanilang selda.

Kinabukasan, napiit sa bartolina ang naliligo sa dugong si Mang Tacio. P*tay ang lahat ng kaniyang mga kakosa sa loob ng selda. Literal na bumaha ng dugo. Dalawang daang saksak ang ikinamatay at tinamo ni Bagwis at hindi na mamukhaan ang hitsura nito dahil nagkaluray-luray ang laman.

Hindi na alintana ni Mang Tacio kung ilang hagupit ng pamalo ang lumapat sa kaniyang payat na katawan bilang parusa ng mga warden. Walang pagsisisi sa puso ni Mang Tacio. Para sa kaniya, karapat-dapat lang ang lahat nang nangyari sa mga baboy na nangyurak sa pagkatao ng kaniyang kaisa-isang anak.

Advertisement