Pinaibig ng Babae ang Lalaking Gumawa sa Kaniya ng Masama; Bandang Huli’y Magiging Daan Ito sa Pagkamit Niya ng Katarungan

“Daddy, mahuhuli lang po ako ng uwi ngayong gabi. May kailangan pa po kasi akong tapusin dito sa opisina. Kahit h’wag niyo na po akong sunduin. Magtataxi na lang po ako pauwi,” sambit ni Katya sa kaniyang amang si Peter.

“Sigurado ka ba, anak? O sige, basta mag-iingat ka sa daan. Tawagan mo lang ako kung kailangan mong sunduin kita,” tugon naman ng ama.

Isang designer itong si Katya. Bata pa lamang ay talagang malikhain na ito at matalino. Kaya hindi nakapagtataka na nakapagtapos ito ng pag-aaral na may karangalan. Bukod pa doon ay nakapasok siya sa isang kilalang kompanya. Kung tutuusin ay abot na ni Katya ang lahat ng kaniyang pangarap. 

Hatinggabi na nang matapos ni Katya ang trabaho saka siya nagplanong umuwi. Dahil walang masakyan sa tapat ng pinapasukang kompanya ay minabuti ng dalaga na maglakad pa nang kaunti. Ngunit habang binabagtas niya ang madilim na iskinita ay naramdaman niya na tila may sumusunod sa kaniya. 

Hanggang sa huminto siya upang tingnan ang taong iyon. Nagulat na lamang siya nang makita si Greg, ang binatang matagal nang nanliligaw sa kaniya!

“A-anong ginagawa mo rito, Greg?” sambit ni Katya.

Natatakot man ang dalaga ngunit hindi niya ito ipinapahalata. 

“Wala… naglalakad-lakad lang. Tapos ay nakita kita kaya sinundan kita. Baka sakali kasing may gumawa ng masama sa iyo,” tugon naman ng binata. 

Advertisement

“Gano’n ba? Salamat pero kaya ko na itong mag-isa,” sambit pa ng dalaga. 

“Kung gusto mo ay ihahatid na kita sa bahay niyo. Malapit lang dito nakaparada ang sasakyan ko. Sumama ka sa akin para maihatid na kita,’ paanyaya ni Greg. 

“Ayos lang ako, Greg. S-salamat sa alok mo. Sige, aalis na ako,” wika pa ni Katya sabay lakad nang mabilis. 

Ngunit patuloy pa rin ang pagsunod nitong si Greg. Nananalangin na si Katya na sana ay may makita siyang kahit sino upang makahingi man lamang ng tulong ngunit tanging sila lamang ni Greg ang naroon.

Hanggang sa tuluyan na siyang tinabihan ni Greg at inakbayan. Nagpumilit na lumaban si Katya ngunit wala siyang laban sa lakas ng binata. Upang hindi na makasigaw pa ay tinakpan ni Greg ng panyo na may pampatulog ang mukha ni Katya hanggang sa nawalan na ito ng malay.

Binuhat ng binata si Katya at malayang dinala sa kaniyang sasakyan. Doon ay dinala niya ito sa kaniyang apartment at saka inumpisahan ang masama niyang balak.

Nagising na lamang si Katya na wala nang saplot ang kaniyang buong katawan at hindi niya alam kung nasaan siya. 

Nakita na lamang niya si Greg sa kaniyang tabi. Nagsimulang umiyak si Katya nang mapagtanto niya ang nangyari. Ngunit pilit niyang nilabanan ang takot at pagluha sa pangambang magising ang binata at kung ano pa ang gawin sa kaniya.

Advertisement

Sa puntong iyon, pinilit ni Katya na makatakas.

Agad siyang dumiretso sa himpilan ng pulis upang magsumbong. Agad namang hinuli ang binata at saka ikinulong ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay pinalaya rin ito dahil sa kakulangan ng ebidensya. At sabi kasi nito’y may pahintulot daw ni Katya ang nangyari at magkasintahan sila. 

Simula noon ay tila nawalan na ng gana si Katya sa kaniyang buhay. Umalis na siya sa kaniyang trabaho at lagi na lamang nagkukulong sa kaniyang kwarto na labis na pinag-aalala ng kaniyang ama.

“Anak, huwag mong hayaang masira ang buhay mo nang dahil lamang sa nangyari sa’yo. Hindi pa tapos ang buhay, anak. Bumangon ka at maging matatag,” sambit ni Peter sa kaniyang anak.

“Sinira na niya ang buhay ko, daddy. Ang masakit pa do’n ay parang ako pa ang masama sa maraming tao. Napakasakit ng ginawa niya sa akin!” umiiyak at puno nang galit ang puso ni Katya. 

Hanggang isang araw ay napagtanto ni Katya ang isang bagay nang makita niya sa social media ang binata. Malaya itong nakikipagsaya sa mga kaibigan niya samantalang siya ay tila nakakulong na sa malungkot niyang mundo.

“Hindi ko hahayaan na maging masaya ka sa kabila ng lahat ng ginawa mo sa akin!” sambit niya sa sarili habang nakatingin sa larawan ng binata.

Sa puntong iyon ay binago niya ang kaniyang sarili. Naghanap muli siya ng trabaho. Gumawa siya ng paraan upang magkita muli sila ni Greg. Dahil ang plano niya’y makaganti sa binata. 

Advertisement

Hanggang sa isang araw ay muling nagkrus ang kanilang mga landas. Nagulat si Greg nang makita niya ang dalaga at napagtanto niyang hanggang ngayon ay maganda pa rin ito sa kaniyang paningin.

“Hindi ko inaasahan na magkita tayo sa lugar na ito, Katya. Sana ay kalimutan na lamang natin ang nangyari sa nakaraan at magsimula tayong muli,” wika ng binata.

“Kinalimutan ko na ang lahat ng iyon, Greg. Wala na sa akin ang nangyari,” tugon naman ni Katya.

Mula noon ay naging magkaibigan na si Greg at Katya. Ginawa ng dalaga ang lahat upang mahulog muli sa kaniya si Greg.

Tutol naman ang ama ni Katya sa ginagawa ng dalaga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito na lamang ang naging disposisyon ng kaniyang anak.

“Hindi ba ay pinagsam@ntalahan ka ng lalaking iyan? Bakit mo pa pilit na inilalapit ang sarili mo sa kaniya? Baka bandang huli ay saktan ka na naman ng lalaking iyan!” sambit ni Peter sa dalaga.

“Magtiwala kayo sa akin, daddy. Kahit kailan ay hindi na niya ako kayang saktan pa. Kung kailangan kong ilagay sa kamay ko ang batas ay gagawin ko!” wika naman ni Katya.

Natatakot si Peter sa gagawing ito ng kaniyang anak. Ngunit hindi na niya mapigilan pa ang dalaga.

Advertisement

Tuluyan na ngang natupad ang plano ni Katya at dumating na sa puntong hulog na hulog na si Greg sa kaniya.

Niyaya ni Katya na magbakasyon si Greg sa kanilang bahay-bakasyunan. Doon ay nakahanda na ang baril na kaniyang gagamitin sa binata. Desidido na siya sa kaniyang paghihiganti. 

Habang nakaupo sila sa terasa at pinagmamasdan ang buwan at mga bituin ay tinanong ni Katya kay Greg ang nangyari sa kanila sa nakaraan.

“Bakit mo ako pinagsamant@lahan, Greg? Bakit mo nagawa sa akin ‘yun noon? Huwag mong isipin na nasasaktan pa rin ako sa nangyari. Ang nais ko lang ay ang katotohanan. Hindi ko rin naman inakala na hahantong tayo sa ganito,” sambit ni Katya sa binata.

“Sa totoo lang ay ilang gabi na kitang inaabangan noon. Kaso palagi kang sinusundo ng daddy mo. Kaya nang makakita ako ng pagkakataon ay hindi na ako nag-isip pa at itinuloy ko na ang plano. Sobra na ang pagmamahal ko kasi sa iyo at nais na kitang maangkin. Patawarin mo ako kung nagawa ko iyon sa’yo,” pahayag naman ni Greg. 

Pilit na nilalabanan ni Katya ang mga luha dahil sa poot at sama ng loob sa ginagawa ni Greg sa kaniya. Habang patuloy sa pagsasalita si Greg ay nais nang bunutin ni Katya ang baril na kaniyang itinatago.

Ngunit naalala niya ang kaniyang ama. Kung ilalagay niya sa kaniyang mga kamay ang batas ay alam niyang lalong masisira ang kaniyang buhay.

Nang makakita ng pagkakataon ay tinawagan na lamang ni Katya ang mga pulis upang muling ipahuli itong si Greg. Labis ang pagtataka ni Greg nang damputin siya ng mga pulis.

Advertisement

“A-anong ibig sabihin nito, Katya?” sambit ng nagpupumiglas na binata.

“Pinasakay lang kita, Greg. Hindi ko akalaing madali kong magagawa ang mga plano at mahuhulog ka sa bitag ko,” wika ni Katya.

“Hindi mo na matatakasan pa ang kasalanan mo sa akin ngayon, Greg. Wala nang magagawa ang lahat ng koneksyon mo dahil nai-record ko ang pag-amin mo. Matibay na itong ebidensya laban sa iyo. Sinira mo ang buhay ko kaya ngayon ay magdusa ka sa kulungan!” dagdag pa ng dalaga. 

Sa pagkakataong iyon ay tuluyan nang nakulong si Greg at nahatulan ng habang buhay na pagkakabilanggo.

Sa wakas ay nakuha na rin ni Katya ang katarungang kaniyang hinahanap. Mahirap man para sa dalaga na magsimula muli’y alam niyang nariyan ang kaniyang ama at ang Panginoon para bigyan siya ng gabay upang buong tatag niyang harapin ang bukas nang buong pag-asa.