Inday TrendingInday Trending
Nakipagrelasyon ang Babae sa Nakilala Niyang OFW sa Social Media; Isang Araw, Sikat na Pala Siya

Nakipagrelasyon ang Babae sa Nakilala Niyang OFW sa Social Media; Isang Araw, Sikat na Pala Siya

“Sa wakas, nagparamdam din siya!”

Halos maglulundag sa tuwa si Selina nang mag-chat ng “Kumusta?” ang kaniyang boyfriend na si Nolan, 45 taong gulang, sa Messenger. Ang totoo niyan, hindi pa sila nagkikita. Nagkakilala sila sa social media dahil inadd siya bilang “friend” hanggang sa mahulog ang loob nila sa isa’t isa.

portrait of woman using mobile phone while lying on bed - asian woman using a cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

Isang OFW sa Dubai si Nolan at matagal nang nagtatrabaho sa ibang bansa sa isang construction at engineering company. Noong una, ayaw pang makipag-chat ni Selina sa kaniya, subalit likas ang pagiging makarinyo at sweet ni Nolan, hanggang sa hindi na namamalayan ni Selina na nahulog na ang loob niya sa lalaki.

Sa loob ng anim na buwan nilang pagchachat, ilang beses na rin silang nag-video call. Kaya naman masasabi niyang “legit” at hindi isang poser si Nolan. Sa ikapitong buwan ng kanilang pagkakakilala, sinagot ni Selina si Nolan at naging opisyal silang magkasintahan. Kaya namang maghintay ni Selina. Nangako naman si Nolan na kapag umuwi na ito sa Pilipinas, agad silang magkikita at magsasama na sila. Saka na lamang daw paplanuhin ang kasalan.

Subalit may isang linggo ring hindi nagparamdam si Nolan. Labis na ikinabahala ito ni Selina. Aminado siya sa kaniyang sarili na nami-miss na niya ang kasintahan, at hinahanap-hanap niya ang maamong mukha nito. Minsan na rin silang nagtalik sa pamamagitan ng video call, na sa palagay niya ay normal na gawain lamang, lalo na sa mga LDR o long distance relationship.

At ngayon nga, nagparamdam na si Nolan.

“Tawag ako? Video call tayo? Miss na miss na kita babe!” tugon ni Selina. Mamali-mali pa ang baybay ng mga salita sa labis na pagkasabik na nararamdaman.

“Babe chat lang muna tayo. Miss na rin kita. Pasensiya ka na kung hindi tayo nakapag-usap ha. Nawalan kami ng signal dito. Ngayon na lang ulit kami nagkaroon ng signal. Na-miss mo ba ako babe ko?” tugon ni Nolan sa chat.

WhatsApp may soon support a 50-person video call via Messenger Rooms

“Oo naman babe. Miss na miss na kita! Namiss ko na makita ang naghuhumindig mong Junjun!” pilyang tugon naman ni Selina sa kasintahan.

“Loko-loko ka talaga. Huwag kang mag-alala, miss ka na rin ni Junjun. Ano nga bang address mo riyan sa Pilipinas para mapuntahan kita kapag nakauwi na ako,” sabi ni Nolan.

“Ha? Babe naman. Binigay ko na sa iyo dati ah…” sabi ni Selina.

“Ah oo nga. Sige backread na lang ako,” tugon ni Nolan.

“Ikaw talaga babe. Sige mamaya, send ko ulit sa ‘yo. I love you!”

“Sige babe asahan ko ‘yan ha? I love you more,” ganting tugon naman ni Nolan.

“Babe, alam ko na-miss mo na ako kaya may sorpresa ako sa iyo. May isesend ako sa ‘yo,” sabi ni Selina. Hinubad niya ang kaniyang mga damit. Bra at panty na lamang ang kaniyang itinira. Nag-selfie siya at ipinadala ang mga iyon kay Nolan. Pinusuan namang lahat ni Nolan ang mga larawang ipinadala niya.

“Ikaw naman mag-send. Gusto ko yung gising si Junjun ah,” maharot na sabi ni Selina.

Nagpadala naman ng smiley emoticon si Nolan. Maya-maya, nagpadala na ito ng mga larawan subalit nangunot ang noo ni Selina. Babae ang nasa larawan at naka “dirty finger” pa. 

“B-Babe, sino ‘yan?” kinakabahang tanong ni Selina. Maya-maya, nag-video call si Nolan. Sinagot ito ni Selina. Babae ang nasa kabilang linya.

“S-Sino ka? Bakit hawak mo ang cellphone ng boyfriend ko?” masungit na tanong ni Selina sa babae.

“Hoy! Eh ikaw, sino ka? Bakit mo nilalandi ang asawa ko? Gulat ka ‘no? Akala mo si Nolan ang ka-chat mo? Puwes huling-huli na kita ngayon. Nasa akin ang mga message mo at pictures mo. Tantanan mo ang mister ko kung ayaw mong sumikat talipandas ka!” galit na galit na sabi ng babae. Nakita niya pa si Nolan sa likuran nito.

Nanginginig ang mga kamay ni Selina. Hindi niya maintindihan ang mga nangyayari. Saka niya napansin na may filtered message pala siya. Binasa niya ito. Galing sa isang unknown account.

“Selina, si Nolan ito. Patawarin mo ako. Kasalanan ko ang lahat. May misis na ako, at nalaman niya ang tungkol sa atin. Hindi muna ako magpaparamdam sa iyo, huwag ka rin munang mag-chat o tumawag sa Messenger dahil hawak niya ang password ko. Pinagbabantaan niya akong hihiwalayan at isasama ang mga anak namin kapag hindi ko ibinigay sa kaniya ang password. Huwag kang mag-alala. Binura ko na ang mga pictures at videos na ipinadala mo sa akin. Huwag na huwag kang magpapadala ng kahit ano sa Messenger na iyon,” babala ni Nolan. Isang linggo na pala ang nakalilipas nang ipadala ni Nolan ang mensahe, panahong nanahimik ito at hindi nagparamdam sa kaniya. 

wife pleads with distant husband - angry asian woman stock pictures, royalty-free photos & images

Nanlumo si Selina. Ang hayop na si Nolan, may sabit na pala. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naisipan niyang mag-deactivate ng social media.

Kinabukasan, napakaraming nagmensahe sa kaniyang mga kaibigan. Sikat na raw siya. Kumakalat daw sa social media ang kaniyang mga hubad na larawan, na may caption na “Ganito manghuli ng kabit: Hoy Selina Dela Cruz, mahiya ka naman, may asawa na ang kinakalantari mo!” Agad na nag-activate ng kaniyang account si Selina at sinilip ang sinasabing trending post mula sa isang unknown account, na nahinuha niyang misis ni Nolan. Naka-screenshot ang mga usapan nila ni Nolan at binilugan pa ang kaniyang mga mapangharot na mensahe.

Sising-sisi si Selina sa mga nangyari. Wala siyang laban. Hindi siya ang legal na asawa, at isa pa, kasalanan din niya dahil nagkulang siya sa pagsasaliksik at nagpatianod sa kaniyang simbuyo ng damdamin. Hindi na rin nagparamdam si Nolan sa kaniya. Dahil sa eskandalong nangyari at wala na siyang mukhang ihaharap, tuluyan nang nag-deactivate ng kaniyang mga social media accounts si Selina. Sa susunod, magtatanda na siya.

Advertisement