Inday TrendingInday Trending
Papa, Sana Mawala Ka Na

Papa, Sana Mawala Ka Na

Isang masamang balita ang bumungad kay Fina ng umagang iyon na nagpagulo sa kanyang isipan.

“Fina!” Nakasigaw na bungad ni Jeffrey sa kanya sa kabilang linya.

“Kuya, bakit?” naguguluhan niyang sambit.

“M-masama na ang lagay ni Papa. Malubha na ang kanyang sakit, hindi na siya makakain ng maayos at malaki narin ang kanyang ipinayat,” mahabang paliwanag nito na labis niyang ikinagulat.

“Ano?” nanghihina niyang tanong.

“Sana makauwi ka dito bunso,” anito.

Papayagan pa kaya siya ng kanyang amo na makauwi ng probinsiya? kababalik lang niya galing doon dahil rin sa biglaang paglala ng ng matanda noong nakaraang buwan. Malaki rin ang nautang niyang pera sa amo na hanggang ngayon ay hindi pa niya nababayaran.

“Nand’yan ka pa ba, Fina?” pukaw ng kanyang kuya Jeffrey sa kabilang linya.

“Ha? Ah- opo kuya. Hayaan mo po, pakisabi kay Papa na baka pupuntahan ko sila ate Rhea at ate Mhia para makahingi ng tulong,” aniya saka pinutol ang tawag nila.

Sa totoo lang ay natatakot siyang humingi ng tulong sa kanyang mga kapatid, baka kasi sumbatan na naman siya ng mga ito o baka tanggihan lamang siya gaya ng ginagawa ng mga ito sa t’wing hihingi siya ng tulong.

Sinipat niyang muli ang kanyang cellphone at tinitigan ang numero ng kanyang dalawa. Nagdadalawang isip kung tatawagan ba niya ang mga ito o hindi na. Sa kawalang magawa at malapitan ay pinindot niya ang numero ng kanyang ate Rhea.

Tatlong sunod-sunod na ring ang kanyang narinig saka niya narinig ang matining na boses ng kanyang ate Rhea.

“Hello,” anito.

“A-ate?” nauutal niyang sambit. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang sasabihin.

“Fina, bakit?”

“Ate k-kasi…”

Hindi niya alam kung paano sasabihin dito ang kanina pa niya napaghandaang paliwanag. Kailangan niya ang tulong ng mga ito kaya kahit magalit pa ang kapatid niya’y tatanggapin niya, mailigtas lang ang kanilang ama.

“Malubha na po ang sakit ni Papa.”

Nakahinga siya ng maluwag ng sa wakas ay nasabi din niya ang nais sabihin. Saglit na natahimik ang kabilang linya kaya ang buong akala niya ay wala na ito. Matamlay na ibababa na sana niya ang telepono nang biglang magsalita ang kanyang ate Rhea.

“Ano naman ngayon kung malubha na nga ang sakit ni Papa? Sinasabi mo ba ito para ipaalam lang ang kanyang sitwasyon o para manghingi ng tulong?” wika nito na nagpaurong ng kanyang dila.

Inaasahan na niya’ng sasabihin nito ang bagay na iyon. Ngunit kahit gaano kapa kahanda kung nasa sitwasiyon kana ay masasaktan at masasaktan ka parin, dahil iyon ang naramdaman niya sa mga oras na ito.

“P-pareho po.” Pilit niyang pinapatatag ang boses upang ikubli ang hikbing nais umalpas sa kanyang lalamunan.

“Ngayon ay alam ko na, okay! Salamat sa pagpapaalam. Pero kung ibig mong tulungan kita, Fina. Pasensiya kana, minsan man ay hindi siya naging ama sa’min ni Mhia kaya kung inaasahan mong tutulungan namin siya ay mabibigo ka lang. Iniwan niya kami at hindi nagpaka-ama tapos ngayong may sakit na ay hihingi-hingi siya ng tulong!” May bahid na inis nitong sambit.

“Pero hindi naman kasalanan ni Papa kung bakit kayo nalayo sa kanya Ate. Dinala kayo ng Mama niyo at inilayo kay Papa,” paliwanag niya.

“Sus! Hindi ko tatanggapin ang walang kwentang dahilan na’yan, Fina. Wala siyang kwentang Ama, sana nga ay mamatay nalang siya para matapos na ang problema niya sa buhay!” galit nitong wika.

“Grabe ba talaga ang galit mo sa Papa? Sana nga kung mamatay siya’y matuwa ka. Ilang beses ng ipinaliwanag ni Papa ang lahat sa inyo na hindi niya kayo iniwan dahil dinala kayo ng Mama niyo at ang tanging paalam ay magbabakasyon lamang sa manila at babalik din agad.

Ngunit planado na pala ang lahat dahil hindi na bumalik ang Mama niyo at tangay-tangay kayo. Hinanap kayo ni Papa ngunit tinago kayo ng Mama niyo at iniwan din. Sana naman, kung ano man ang galit niyo kay Papa ay hatian niyo naman ang Nanay niyong may kagagawan ng lahat.

Hayaan mo ate, simula ngayon ay hindi na ulit ako hihingi sa inyo ng tulong, hindi dahil nagmamataas ako kundi dahil ayoko nang makarining ng masasakit na salita mula sa bibig niyo,” aniya habang pinipigilan ang pag-agos ng luhang kanena pa nais bumagsak.

“Hayaan mo, babalitaan kita kung namatay na nga ang Papa at kung mangyari man ‘yon sana ay huwag na huwag kitang makikitang umiiyak.” Iyon lamang at pinatay na niya ang tawag.

Hindi na sumagot pa ang kanyang ate. Ilang buwan ang lumipas ay pumanaw na nga ang matanda.

Laking gulat pa niya dahil nang dumalaw ang dalawa niyang ate ay malayung malayo ang itsura ng mga ito ngayon. Hindi na nakasuot ng marangyang damit, sa halip ay mga naka T-shirt lang at mukhang aburido pa sa buhay. Taimtim na lumapit ang mga ito sa ataul at bumulong.

“Papa, patawarin mo kami..”

Naghirap pala ang negosyo ni Rhea at natanggal naman sa trabaho si Mhia kaya pareho silang walang pera ngayon.

Kahit gaano pa kasama ang magulang, dapat parin natin silang pasalamatan dahil hinayaan nila tayong mabuhay sa mundo. Huwag sanang umabot sa puntong hilingin natin na mawala sila. Dahil ang karma ay mabilis.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.

Images courtesy of www.google.com

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito? I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Maraming salamat sa pagtangkilik, Kabayan!

Advertisement