Pinapirma ng Kasunduan ng Mag-Asawang Mayaman ang Kasambahay na Kapag Nagsilang Ito ay sa Kanila Mapupunta ang Anak Nito; Pumayag Naman Kaya ang Babae?
“Eto ang tseke, Glenda. Bukod ang para sa vitamins at mga gamit ng bata,” wika ni Donya Ariela sa kasambahay nila.
“Pirmahan mo ang kasunduang ito. Nakasaad dito na pagkasilang mo sa bata ay kami na ang magmamay-ari sa kaniya,” sabad naman ni Don Ignacio.
Napakagat-labi ang babae. “P-pero, senyor parang…”
“O, ngayon ka pa ba aatras? May aako na sa iyong responsibilidad. Magkakaroon na ng magandang kinabukasan ang anak mo,” saad pa ng matadang amo.
Nabuntis ng isang lalaki si Glenda pero umalis ito at naiwan sa sinapupunan niya ang produkto ng kaniyang karupukan. Sa hirap ng buhay ay hindi niya kayang buhayin ang sanggol. Siya lang ang inaasahan ng kaniyang pamilya sa probinsya, hindi pa nga alam ng mga ito ang nangyari sa kaniya. Napagdesisyunan ng mga amo niya na bilhin ang anak niya. Binigyan siya ng malaking halaga at pinapirma sa isang kasunduan na wala na siyang magiging karapatan sa bata kapag naisilang na niya. Pero parang hindi niya kaya dahil nananaig pa rin sa damdamin niya ang pusong ina.
“Nagdadalawang-isip ka pa ba? Ang kalagayan ng iyong anak ang isipin mo. Higit pa sa pagmamahal ng ama at ina ang maibibigay namin sa kaniya. Eh, ikaw?” wika pa ng among lalaki.
Napaiyak na lang si Glenda. Naisip niya na kasalanan ba ang maghangad ng kabutihan sa anak?
“Diyos ko, patawarin mo ako, anak ko,” bulong niya sa isip.
AdvertisementBumuntung-hininga muna ang babae bago muling nagsalita. “P-Pipirmahan ko na po,” aniya. “Para sa iyo ito, anak. Batid ng Diyos kung gaano ito kasakit para sa akin,” sambit pa niya.
“Hindi ka magsisisi, Glenda. Mamahalin namin ang iyong anak,” sabi ni Donya Ariela.
“Mula ngayon ay hindi ka muna magtatrabaho bilang kasambahay. Puro kain at pahinga lamang ang gagawin mo para na rin sa kalusugan ng sanggol,” saad pa ni Don Ignacio.
Sa una, sa isip ni Glenda ay tama ang desisyon niya pero habang tumatagal at lumalaki ang tiyan niya ay gusto niyang magsisi sa ginawa.
“Ayokong mawala sa akin ang anak ko. Babawiin ko ang kasunduan sa aking mga amo. Hindi ko pala kayang mawalay sa aking anak,” lumuluha niyang sambit sa isip.
Isang araw ay muli niyang kinausap ang among babae.
“Ano? Binabawi mo na ang kasunduan natin? Hindi pwede! Ngayon pang malapit ka nang magsilang,” mariing sabi ni Donya Ariela.
“Pasensya na po, nagkamali po ako. Ayoko pong kamuhian ng aking anak balang araw. Pagsisilbihan ko po kayo hanggang makabayad ako sa inyong mga nagawa sa akin,” sagot niya.
AdvertisementPero matigas ang matandang babae.
“Hmp! Ang kasunduan ay kasunduan, Glenda. Pirmado mo ang mga papeles at hindi na maaari ang gusto mo!” singhal nito.
Napaiyak na uli si Glenda.
“May mga magulang din siguro kayo na inyong minahal. Gusto ko rin pong matikman iyon. Ang anak ko na lang ang lakas at pag-asa ko sa buhay,” pagsusumamo niya saka lumuhod sa harap ng donya.
Subalit kahit nagmakaawa siya’y hindi pinagbigyan ni Donya Ariela ang hiling niya. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak nang araw na iyon sa sobrang sama ng loob. Ilang buwan na lang ang nalalabi at manganganak na siya, malapit nang mawala ang karapatan niya sa kaniyang anak.
At sumapit na nga ang araw ng pagsilang at iyon din ang araw ng kasunduan nila ng mga amo.
“It’s a girl!” sabi ng doktor.
Laking tuwa ni Glenda nang makita ang sanggol. “Anak ko.”
AdvertisementNang…
“Huh! There’s one more…kambal ang bata!” saad pa ng doktor. “Whew! It’s a girl once again!”
“Salamat po, Diyos ko!” sambit ni Glenda.
Tuwang-tuwa rin ang mag-asawang Don Ignacio at Donya Ariela nang makita ang dalawang sanggol. Kitang-kita nila ang kasiyahan ni Glenda nang kargahin na nito ang mga anak. Napagtanto nila na balewalain na ng kasunduan.
“Marahil, Diyos na ang nagtakda ng lahat, Glenda. Ayaw niyang magkalayo kayong mag-iina at higit namang kasalanan kung ang mga bata ang paghihiwalayin natin,” wika ng among babae.
“Kaya napagdesisyunan namin na balewalain na ang kasunduan natin. P-pero sana…bigyan mo kami ng karapatan sa mga bata,” sabad ni Don Ignacio.
“Ano pong ibig ninyong sabihin?” nagtatakang tanong ng babae.
“Pauuwiin na namin ang aming anak na si Victor mula sa Amerika. Ipapakasal namin kayo sa lalong madaling panahon. Hindi na kami tutol sa inyong pagmamahalan,” wika ni Donya Ariela.
Advertisement“Gusto naming makasama ang aming mga apo. Ang gaganda nila… patawarin mo sana kami, Glenda, kung pinaghiwalay namin kayo ni Victor,” saad pa ng among lalaki.
Ang ama pala ng mga anak ni Glenda ay ang nag-iisang anak ng mag-asawa na si Victor. Nagkaibigan ang kasambahay at ang amo na mahigpit na tinutulan ng dalawang matanda dahil hindi nila tanggap na magkaroon ng manugang na hindi nila ka-uri ang estado. Kaya pinaglayo ang magkasintahan, pinapunta ang lalaki sa Amerika para hindi na magkita pa ang dalawa. Nang malamang nagdadalantao si Glenda ay napagkasunduan ng mag-asawa na kunin ang kanilang apo, pagkapanganak ng babae ay aalis ito at hindi na magpapakita pa sa kanila. Pero iba ang nangyari, naliwanagan ang mag-asawa at ngayon nga ay payag na sila sa pagmamahalan ng kanilang anak at ng kasambahay.
“Marami pong salamat, senyor, senyora,” masayang sabi ni Glenda sa mga amo.
Umiling ang mag-asawa. “Mula ngayon ay mama at papa na ang itatawag mo sa amin, hija. Hindi mo na kami mga amo, mga biyenan mo na kami,” nakangiting sabi ni Don Igancio.
Mula noon ay naging maligaya na ang kanilang pamilya. Ikinasal sina Glenda at Victor at ‘di nagtagal ay nagdalantao na naman ang babae at nakatakdang magsilang ng sanggol na lalaki. Laking galak ng mag-asawang Donya Ariela at Don Ignacio dahil tatlo na ang apo nila.