Inday TrendingInday Trending
Inakala ng Dalaga na Wala ng Lalaking Iibig sa Kaniya Dahil sa Marumi Niyang Trabaho; Isang Guwapong Lalaki ang Nahumaling sa Kaniya

Inakala ng Dalaga na Wala ng Lalaking Iibig sa Kaniya Dahil sa Marumi Niyang Trabaho; Isang Guwapong Lalaki ang Nahumaling sa Kaniya

Maganda si Dorina, s*ksi at mabait ngunit dahil sa hirap ng buhay ay hindi siya nakapagtapos sa pag-aaral. Second year lang ang narating niya sa hayskul. Dahil maagang naulila sa mga mga magulang ay sumabak agad siya sa pagtatrabaho, ang pagbebenta ng panandaliang aliw.

Sa una ay hindi niya masikmura ang pinasok niya pero nang magtagal ay nasanay na rin siya. Minsan nga naiisip niya na parang hindi siya anak ng Diyos, bakit hinayaan na magkaganoon ang buhay niya pero wala siyang magagawa iyon ang kapalaran niya kaya tinagggap na lamang niya tutal malaki naman ang kita niya roon, madali siyang makakapag-ipon para sa plano niyang pagbabagong buhay.

Pero sa kaniyang pag-iisa ay hindi niya pa rin maiwasang maramdaman ang labis na pangungulila at kalungkutan lalo na kapag pinagmamasdan niya ang litrato ng dati niyang kasintahan.

“Sana’y hindi ko na lang nilisan ang aming probinsya…sana’y hindi ako nakipaghiwalay sa iyo,” malungkot na sabi niya sa sarili.

May nobyo siya noon sa probinsya kung saan siya nanggaling, si Romeo. Magkababata sila ng lalaki, labis niya itong minahal at gusto na rin siya nitong pakasalan pero isang hamak na magsasaka lang ito at nagmula rin sa mahirap na pamilya. Sawa na siya sa ganoong buhay, gusto niya naman na makatikim ng maginhawang buhay kaya nakipagsapalaran siya sa Maynila at nakipaghiwalay sa nobyo. Pagdating niya sa Maynila, akala niya ay madaling makahanap ng trabaho pero mali siya, dahil hayskul lang ang narating niya ay pagho-h*stess lang ang kinabagsakan niya.

Napa-iyak nga siya nang mabalitaan na nag-asawa na ang dati niyang nobyo. Ngayon ay naiinggit siya kapag nakakakita ng magkasintahan sa mall, sa parke at kung saan man.

“Mabuti pa sila, maligaya…” bulong niya sa isip.

Pero kahit wala na siyang pag-asa sa dating kasintahan, mayroon naman siyang bagong inspirasyon sa katauhan ni Aries na isang gym instructor. Kapitbahay niya ang lalaki sa inuupahang apartment at lihim siyang humahanga rito dahil sa angking kaguwapuhan at kakisigan nito. Isang araw ay nakita niya ito na nagbubuhat ng barbel sa labas. Kitang-kita niya ang magandang hubog ng katawan ng lalaki. Kinilig pa nga siya nang ngitian siya nito nang mapansing nakatingin siya rito.

“Ang pogi talaga ni Aries. Crush ko siya pero, papansinin ba niya ang isang kutulad ko? Siguro ay basahan lang ako sa kaniyang paningin,” sabi niya sa sarili.

Madalas din niyang pagpantasyahan ang guwapo niyang kapitbahay.

“Bakit kaya sa tuwing makikita ko siya ay kinakabahan ako? Naku, umiibig na yata ko kay Aries,” aniya.

Ngunit isang gabing papasok siya sa club na pinagtatrabahuhan niya ay napadaan siya sa sakayan ng dyip. Hindi niya inasahan na makikita roon si Aries na may kasama at kaakbay na babae. Nagbubulungan at nagtatawanan ang mga ito, mukhang masayang-masaya sa pinag-uusapan.

“My God! May girlfriend na pala siya at napakaganda. Mukhang edukada at disente. ‘Di tulad ko na walang pinag-aralan at isang hamak na h*stess,” malungkot niyang sabi sa sarili.

Sa natuklasan ay mas lalong naging madilim ang tinatanaw na kinabukasan ni Dorina sa kaniyang buhay.

“Wala ng iibig sa aking lalaki dahil sa trabaho kong ito. ‘Di bale, kapag sapat na ang ipon ko’y magpapaalam na ako sa malupit na mundong ito,’ sabi niya.

Isang gabi, pagkatapos ng trabaho niya sa club ay nagpasiya na siyang umuwi. Mabuti at tumeybol lang siya at walang nag-take out sa kaniya. Sa paglalakad niya papunta sa apartment, ‘di sinasadyang makasalubong niya si Aries.

“Aba, si Aries! Lasing na lasing!”

“T-Taksil! Hik! Taksil! Hik!” paulit-ulit na sambit ng lalaki.

Bigla na lang natumba ang lalaki sa sobrang kalasingan kaya napilitan si Dorina na iuwi ito sa tinitirhan niya. Inihiga niya si Aries sa kama at pinunasan ng maligamgam na tubig.

“Diyos ko, anong nangyari sa taong ito? Marami siyang pasa! Nakipagbugbugan ba ito?”

Kinabukasan, nang magising si Aries ay napansin niya na nasa ibang bahay siya. Nakita niya si Dorina na naghahanda ng almusal sa mesa.

“A-Anong ginagawa ko rito?” tanong nito.

“Gising ka na pala. Nakita kita kagabi, lasing na lasing at nawalan ka pa ng malay kaya dinala kita rito sa apartment para gamutin ‘yang mga pasa mo. Ano bang nangyari?” sagot ng babae.

Pero agad na bumangon ang lalaki, nagbihis at nagmamadaling umalis.

“Salamat,” tangi nitong nasabi saka lumabas na.

Nagulat si Dorina sa inasal ng lalaki. “Siya na nga ang tinulungan, eh parang galit pa yata…at parang may sakit akong nakakahawa at nagmamadaling umalis,” sambit niya sa sarili.

Ngunit hindi doon natatapos ang pagtatagpo nila ni Aries dahil muling nagkrus ang kanilang landas…

“A-Aries!” gulat na sabi ni Dorina nang magkasabay sila sa dyip.

“O, Dorina ikaw pala ‘yan. Sorry nga pala sa nangyari nung…”

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita ang lalaki, alam naman niya ang tinutukoy nito kaya lang hindi nila iyon dapat na pag-usapan dahil may mga pasahero silang kasama sa sasakyan.

“Ah, walang anuman ‘yon,” tugon niya.

Ang pagkikita nilang iyon ay humantong ulit sa tirahan ni Dorina. Gusto ng makakausap ni Aries kaya inimbitahan niya ito sa inuupahang apartment.

“Kinaliwa ako ng girlfriend ko. Binugbog pa ako ng bago niyang nobyo, kaya nakita mo akong may mga pasa nung nagdaang gabi,” pagtatapat ng lalaki.

“Ikinalulungkot ko ang nangyari. Kalimutan mo na ang lahat. Marami pang babae diyan na nararapat sa iyong pagmamahal,” payo niya.

Dinaan nila sa inuman ang kwentuhang iyon hanggang sa pareho silang nakalimot at humantong sa…

“Tulungan mo akong makalimot, Dorina, pakiusap, tulungan mo ako,” pagsusumamo ni Aries habang masuyong hinahalikan ang babae.

“Oo, tutulungan kita, tutulungan kita,” sagot ni Dorina habang dinarama ang mainit na halik ng lalaking sinisinta niya. Kusang loob niyang ibinigay kay Aries ang kaniyang sarili.

Mula nang may namagitan sa kanila ni Aries ay dumalas ang pagkikita nilang dalawa. Lagi silang lumalabas, namamasyal. Alam na rin nito ang lihim niyang trabaho, hindi siya hinusgahan ng lalaki at tanggap nito ang nakaraan niya.

Naging maligaya si Dorina sa piling ni Aries, nang lumaon ay naging magka-live in sila. Pinahinto na siya nito sa pagtatrabaho sa club at pagiging h*stess. Gusto ng lalaki na magbagong buhay na siya, ito na lang ang maghahanapbuhay para sa kanilang dalawa. Iyon naman talaga ang balak niya noon pa, dahil marami na rin naman siyang naipon ay huminto na siya sa marumi niyang trabaho at tinutukan na lang ang pagiging maybahay kay Aries.

“Mahal na mahal kita, Aries. Sana ay huwag nang matapos ang kaligayahang ito,” sambit ni Dorina sa isip habang masayang nakikipagni*g sa kinakasama.

Pero kapag wala si Aries at nasa trabaho, kapag naiiwang siyang mag-isa ay dinadalaw ng takot at pangamba si Dorina.

“Alam kong ginagamit lang ako ni Aries para tuluyan niyang makalimutan ang dati niyang nobya. Hanggang kailan ang hiram na kaligayahang ito?” bulong niya sa isip.

Isang gabi, kinausap siya ni Aries tungkol sa nararamdaman nito. Ganap na ngang nakalimutan ng lalaki ang mapait na karanasan sa pag-ibig. Ito na ang ikinatatakot ni Dorina, oras na nga ba ng pamamaalam?

“Maraming salamat sa lahat ng tulong mo, Dorina. Para sa akin ay wala kang katulad at hinding-hindi kita makakalimutan,” wika ng lalaki.

“Walang anuman, Aries. Ginawa ko iyon dahil gusto kitang tulungan,” sagot niya. “Kapag wala ka na sa buhay ko…gusto ko na mamat*y na lang dahil ano pang silbi ng buhay ko kung wala ka na,” bulong niya pa.

Mayamaya ay napansin ni Aries ang isang botelya ng lason sa ibabaw ng mesa.

“P-Para saan ito?” nagtatakang tanong ng lalaki.

Hindi na napigilan ni Dorina ang damdamin. “Para iyan sa akin dahil sa oras na umalis ka’y mas gugustuhin ko nang mawala sa mundo. Mahal kita, Aries kaya kung iiwan mo ako’y wala ng halaga ang buhay ko,” lumuluhang sabi niya.

Iniharap ni Aries sa kaniya si Dorina. “Loka! Anong para sa iyo itong lason? At bakit ka umiiyak? Bakit ka magpapakam*t*y? Akala mo ba’y magpapaalam na ako sa buhay mo? Ang ibig kong sabihin ay nagpaalam na ako sa nakaraan ko at kakalimutan ko na iyon at hindi sa iyo, Dorina. Hinding-hindi kita iiwan dahil iniibig na kita. Ayokong mawala ka pa sa buhay ko, mahal ko,” hayag ng lalaki saka niyakap siya nang mahigpit.

“O, Aries. Salamat, napakaligaya ko,” masayang sabi ni Dorina na ginantihan din ng yakap ang lalaki.

‘Di nagtagal ay pinakasalan ni Aries si Dorina at bumuo na sila ng pamilya. Sa ngayon, bukod sa sariling gym na itinayo ni Aries, inaasikaso naman ni Dorina ang binuksan niyang negosyong restawran. Masaya na ang buhay nilang mag-asawa sa piling ng isa’t isa, tuluyan na ring binaon sa limot ni Dorina ang madilim niyang nakaraan.

Advertisement