Sabik ang Ginang sa Muling Pagbabalik Probinsiya ng Anak; Ganito rin Kaya ang Nararamdaman ng Anak na Hindi na Sanay sa Hirap?

Sabik ang Ginang sa Muling Pagbabalik Probinsiya ng Anak; Ganito rin Kaya ang Nararamdaman ng Anak na Hindi na Sanay sa Hirap?

FamilyHeartbreakingStories

“O, Citas, mukhang abalang-abala ka riyan ah!”

Napatingin si Aling Citas sa kaniyang kapitbahay na si Aling Goreng. Iniis-is maigi ni Aling Citas ang kaniyang kawa.

“Oo mare, darating na kasi ang panganay kong si Ibyang! Magluluto ako ng paborito niyang igado,” masayang-masayang tugon ni Aling Citas sa kaniyang kapibahay.

60 Years Old Thai Woman,no Arkivvideomateriale (100 % royaltyfritt ...

“Talaga? Siya yaong nagtatrabaho sa Maynila hindi ba? Naku, talaga nga namang napaka-espesyal ng handaan. Gusto mo bang tulungan ka namin ni Letty?” si Letty ay ang isa pa nilang kapitbahay na kilala sa paggawa ng masarap na suman at biko sa kanilang baryo.

“Naku, kung hindi naman nakakakaabala eh, mangyari ngang tawagin mo siya! Makapagluto sana siya ng suman at biko, maipandagdag sa aking handa para sa aking anak na si Ibyang!”

Mabilis na kumilos si Aling Goreng. Nagtungo ito sa bahay ng tinutukoy na kapitbahay. Si Aling Citas naman ay sige sa paglilinis ng kanilang bahay. Mamayang gabi ang dating ng kaniyang si Ibyang na matagal na nanirahan at nagtrabaho sa Maynila. Matagal-tagal na rin niya itong hindi nakakausap dahil wala siyang makabagong gadget gaya ng cellphone na madalas ay nakikita niyang gamit ng kabataan sa kanilang baryo.

“Timyong, pakilinis nang mainam ang silid ng ate mo! Itago mo ang mga bagay na patapon na, saka ko na lang titingnan kung puwede pang magamit. Pagkatapos, tiyakin mong sapat ang tubig natin sa banga. Tiyak na mauuhaw ang ate mo. Aba, kay layo kaya ng Maynila,” utos ni Aling Citas sa bunsong anak na lalaki.

“Mga anong oras kaya darating ang ate?” naitanong ni Timyong sa ina.

“Hindi rin ako sigurado sa bagay na iyan. Kaya kailangan nakahanda na ang hapunan bago niya tayo madatnan.”

Maya-maya, nariyan na sina Aling Goreng at Aling Letty. Tinulungan nila si Aling Citas sa pagluluto ng mga ulam. Nagpahiram pa ng isang kawali si Aling Goreng para naman sa suman at malagkit na lulutuin ni Aling Letty. Si Timyong naman ay nanguha ng mga dahoon ng saging at sumalok ng tubig sa poso upang matiyak na puno ang kanilang bangang iniinuman gayundin ang gagamitin nila sa bahay.

“Tiyak na matutuwa si Ibyang kapag nakauwi na iyon dito. Masasarapan siya sa igado mo. At tiyak na hahanap-hanapin niya ang kakanin ni Letty,” tuwang-tuwang sabi ni Aling Goreng.

“Oo nga eh. Matagal-tagal na rin kaming hindi nagkakausap ng anak ko. Tiyak na umaatikabong kuwentuhan ito,” nakangiting tugon ni Aling Citas.

“Sandali lang Citas, pahihiramin kita ng blusa ko. Kabibili lang sa akin ni Ramilo noong isang araw. Gamitin mo, para naman matuwa ang anak mo kapag nakita ka na niya ulit,”

Saglit na umalis si Aling Goreng upang kunin ang kaniyang bagong blusa.

“Ako naman, pahiramin kita ng bagong mantel na nabili ko sa bayan kahapon. Babalik ako,” paalam ni Aling Letty.

Wala pang limang minuto, isang traysikel ang dumating. Bumaba ang isang babaeng maputi at kulay-brown ang buhok. Sa pananamit nito, mahihinuha kaagad na nagmula ito sa Maynila.

Beautiful laos girl in laos traditional costume, vintage style at vientiane, laos. Premium Photo

“I-Ibyang? Ibyang ko!!!” tuwang-tuwa si Aling Citas at tumakbo ito patungo sa kinatatayuan ng anak na dalaga. Niyakap ito. Gumanti naman ng yakap ang dalaga, ngunit wala man lamang itong ngiti sa mga labi.

“Ang ganda-ganda naman ng anak ko! Ang ganda mo, anak! Para kang artista,” papuri ni Aling Citas sa kaniyang anak na dalaga. Kung ipaghahambing sa mga dati nitong larawan, malaking-malaki na nga ang pinagbago ni Ibyang.

“Kumusta, ‘Nay? Pasok na po tayo sa bahay at napakainit dito sa baryo,” aya ni Ibyang sa kaniyang ina.

Pagkapasok sa loob ng kanilang barong-barong, umikot ang mga mata ni Ibyang. Tuwang-tuwa naman si Timyong at niyakap ang kaniyang ate. Pinaupo nila ito sa kanilang upuang bangko.

“Naku anak pasensiya ka na sa mga gamit natin ah… bangko pa rin, saka mesang giray na ang hapag-kainan natin,” paghingi ng paumanhin ni Aling Citas sa anak. Tipid na ngumiti si Ibyang sa kaniyang ina.

“Ikuha mo nga ng maiinom ang ate mo,” utos ni Aling Citas kay Timyong. Tumalima naman ito. Kitang-kita ni Ibyang nang kunin nito ang sartin na noon pa nila gamit, at kumuha ng tubig sa kanilang banga.

Tinitigan ni Ibyang ang sartin nang iabot ito ni Timyong sa kaniya.

“S-sa matandang poso pa rin po ba galing ang tubig?” tanong ni Ibyang sa ina.

“O-oo anak, kuwan, sa dating poso na pinag-iigiban mo. Hindi mo na ba tanda?” sagot ni Aling Citas.

“Eh ‘Nay, hindi tayo makasisiguro kung malinis pa ba ito. Hindi na po ako sanay uminom ng tubig mula sa poso. Baka po… sumakit ang tiyan ko.”

Kapansin-pansin din ang pananahimik ni Ibyang habang walang humpay naman sa pagkukuwento ang kaniyang ina. Nakasulyap lamang ito sa bintana. Dumating na rin sina Aling Goreng at Aling Letty.

MOVIE REVIEW: An Kubo sa Kawayanan (2015)

“Sylvia ho ang ipangalan ninyo sa akin, hindi ko na po ginagamit ang Ibyang.”

Nagkatinginan sina Aling Goreng at Aling Letty. Kay laki na nga ng pinagbago ni Ibyang.

“Nay, siguro ho sa bayan na lang po ako hahanap ng matutuluyan. Baka po may makita akong hotel doon,” sabi ni Ibyang. Muling nagkatinginan sina Aling Goreng at Aling Letty.

“B-Bakit naman, anak? Ayaw mo bang makasama kami ng kapatid mo?” bumadha ang kalungkutan sa mukha ni Aling Citas.

“Hindi naman ho sa ganoon, kaya lang… mukhang malamok at mainit ho dito eh. Hindi ako makakatulog. Sanay po kasi ako sa de-aircon at… mas malambot na kama.”

Hindi na nakatiis si Aling Goreng.

“Teka muna, Ibyang… alam mo bang hindi nakatulog ang nanay mo sa kaiisip kung paano ka mapagsisilbihan sa pagdating mo rito? Alam niyang galing ka sa Maynila at hindi ka na marahil sanay sa mga dati mong kinalakhan dito sa ating baryo, pero huwag mo naman ipamukha sa pamilya mo na mataas ka na at iniwan mo sila sa ibaba. Tandaan mo, ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan,” sabat ni Aling Goreng.

Matapos ang kaniyang litanya, nagpaalam na si Aling Goreng at sumama na rito si Aling Letty. Siya ang nasaktan para sa kaniyang kaibigang si Aling Citas.

Tila nahimasmasan naman si Ibyang sa kaniyang mga nasabi at ikinilos. Humingi siya ng tawad sa kaniyang ina at sa kapatid. Sinamahan siya ng mga ito upang humingi rin ng tawad sa dalawang ginang.

Hindi naghanap pa si Ibyang ng ibang matutuluyan. Pinahiram na lamang sila nina Aling Goreng at Aling Letty ng bentilador.

More Stories