Napag-alaman ng Dalagita na May Kabit ang Kaniyang Tatay; Magulat Kaya Siya Kung Matutuklasan Niya Kung Sino Ito?

Napag-alaman ng Dalagita na May Kabit ang Kaniyang Tatay; Magulat Kaya Siya Kung Matutuklasan Niya Kung Sino Ito?

HeartbreakingMysteryStories

“Anong gagawin ko, guys? Kailangan ko bang sabihin kay Nanay na nahuli kong may kabit si Tatay?”

Inaya ni April ang kaniyang mga kaibigang sina Shane, Luz at Criselle sa isang coffee shop upang ilahad ang kaniyang iniindang problema.

Four glasses of iced coffee drinks on table at outdoor coffee shop Four glasses of iced coffee drinks on table at outdoor coffee shop four cups of coffee on a table stock pictures, royalty-free photos & images

Matagal na silang magkakaibigan. Simula hayskul pa lamang sila na ang magkakasama. Hanggang sa unang taon ng kolehiyo ay nagkasundo silang mag-aral sa iisang pamantasan lamang bagama’t magkakaiba ang kani-kanilang mga kurso. 

Ang totoong naunang naging kaibigan ni April ay si Shane. Naging kaibigan na lamang ni April sina Luz at Criselle dahil kaibigan ng mga ito si Shane. 

“Paano mo naman nasabing may kabit si Tito Rommel? Nakita mo ba?” untag ni Shane. 

“Hindi, pero narinig ko siyang may kausap sa phone niya. Tinawag niya yung babae na sweetie pie, at mukhang magkikita sila ng araw na iyon. Anong gagawin ko, guys?” naiiyak na tanong ni April sa kaniyang mga kaibigan. 

“Sabagay… hindi mo naman kasi masisisi ang mga babaeng malalandi na pumatol kay Tito Rommel. Ang guwapo naman kasi talaga ng Tatay mo!” nasabi na lamang ni Shane. Totoo naman. Maaga kasing nag-asawa ito kaya mukha pa itong batang tingnan. Kung itatabi nga si April sa tatay at nanay niya, mukha lang silang magkakapatid. 

“Kung ako sa iyo, sundan mo si Tito Rommel para malaman mo kung sino ang kabit niya, at reresbakan natin!” mungkahi ni Luz.

Mid Asian adult surfing net with smart phone at cafeteria Mid Asian adult using smart phone while waiting for food to be served at cafeteria. 5G & Wireless Technology, Family Bonding & Togetherness Concepts. handsome middle-aged asian guy stock pictures, royalty-free photos & images

Nasamid naman ang laging tahimik sa kanilang apat na si Criselle. Ito ang hindi masyadong ka-close ni April; hindi sila nga-uusap kapag silang dalawa lamang. 

“Okay ka lang?” tanong ni April. 

“Masyado palang matamis itong naorder ko. Pasensiya na. Teka lang Luz, hindi ba masyadong mapanganib iyang mungkahi mo kay April? Paano kung awayin siya ng kabit ni Tito Rommel? O baka mapahamak tayo,” sabi ni Criselle. 

“Ano ka ba, sila ang dapat matakot sa atin ‘no? Lalo na yung kabit niya, mahaderang malandi! Kung ako sa iyo, April, humanap ka muna ng mga katibayan bago mo isumbong sa Nanay mo, kasi ang mga lalaki, hindi naman daw sila umaamin sa mga kalokohan nila, unless mahuhuli sila sa aktuwal dahil wala na silang choice kundi humingi ng tawad,” sagot ni Luz. 

“Para namang bihasang-bihasa ka na sa ganiyan?” pabirong untag ni Shane sa kaibigan. 

“Ay oo naman. Dalawa sa mga tiyahin ko ang nakaranas na. At magugulat ka dahil ang mga naging kabit ng asawa nila, mga kumare nila,” saad ni Luz. 

Hindi makatulog ng gabing iyon si April. Iniisip niya kung paano sasabihin sa kaniyang Nanay ang kaniyang mga natuklasan hinggil sa posibleng pangangaliwa ng kaniyang Tatay. Nag-isip siya ng mga plano kung paano mapapalabas ang katotohanan. Subalit alam niya, masisira ang kanilang pamilya. Bahala na, aniya, basta’t ayaw niyang magmukhang [email protected] ang nanay niya. 

Subalit hindi na pala mangyayari iyon. Hindi pala magmumula sa kaniya ang pagsambulat ng katotohanan. 

Kinabukasan, galit na galit na sumugod sa kanilang bahay ang mga magulang ni Criselle. 

“Tito, Tita? Napasugod po kayo?” maang na tanong ni April sa mga magulang ni Criselle. Ilang beses na niyang nakilala at nakausap ang mga ito, at alam niyang pawang mababait sila, kaya nagtataka siya kung bakit bigla itong napasugod sa kanila. Galit na galit. 

“Nasaan ang tatay mo? Gusto namin siyang makausap!” nangngagalaiti ang tatay ni Criselle. Nang lumabas ang tatay ni April, hindi na napigilan nina April at ang nanay niya ang mga sumunod na pangyayari: dinaluhong nito si Rommel. Ilang suntok ang tinanggap ng mukha nito. 

“Hayop ka! Layuan mo ang anak kong si Criselle! Ang bata-bata pa ng anak ko, inaaswang mo na! Hindi mo ba alam na puwede ka naming kasuhan, teenager pa lang ang anak ko! Hindi ka naawa sa anak ko at sa pamilya mo!”

Tila pinagbagsakan ng langit at lupa sina April at ang Nanay niya nang marinig ang sinabi ng tatay ni Criselle. 

“Totoo ba? Totoo ba ang sinasabi nila?” humahagulgol na tanong ng nanay ni April sa mister. 

“N-Natukso lang ako… natukso lang ako…”

Hindi na natapos ni Rommel ang sasabihin dahil pinatikim na siya ng mag-asawang sampal ng misis. 

Umalis naman si April at nakipagkita kay Criselle. 

“Hayop ka! Itinuring pa naman kitang kaibigan, ikaw pala ang kabit ng tatay ko! Sinabi ko sa harapan ninyo ang problema namin ‘di ba? Bakit hindi ka nagsalita?! Traydor kang kaibigan!” galit na galit na sumbat ni April sa kaibigan. 

“Patawarin mo ako, April. Hindi ko sinasadya. Tatay mo ang nakipagkilala sa akin, noong nagpupunta-punta ako sa inyo noon. Hindi ko napigilan. Patawarin mo ako,” umiiyak na pahingi ng dispensa ni Criselle. 

Woman has a pain in the eye Asian woman suffering from strong eye pain against gray background. Female has a pain in the eye. Healthcare concept. Having migraine asian woman problematic stock pictures, royalty-free photos & images

Hiniwalayan ng nanay ni April si Rommel. Sinampahan naman ng kaso ng mga magulang ni Criselle si Rommel ng child ab*se, dahil nga menor de edad pa lamang si Criselle, subalit dahil sa pakiusap mismo ni Criselle na ginusto naman niya ang lahat, at isa pa ay nasa 18 taong gulang na siya, hindi na naituloy ang demanda, sa kondisyong maghihiwalay sila at hindi na magkikita pa kahit kailan. Tuluyan namang nasira ang pagkakaibigan nina April at Criselle. 

“Shane, Luz… kung gusto ninyong kitain o samahan si Criselle, ayos lang sa akin. Pero hindi ninyo kami mapagsasama sa iisang lugar, hindi ko kaya,” bilin ni April sa dalawang kaibigan. 

“Patawarin mo kami April. Hindi namin alam na may namamagitan na pala sa tatay mo at kay… sa kaniya…” paghingi ng tawad ni Shane. 

“Huwag kayong humingi ng tawad para sa kaniya, bagama’t humingi na siya ng tawad,” sabi ni April. 

Sising-sisi naman si Rommel sa kaniyang mga ginawa. Nasira ang kaniyang pamilya, at nakasira siya ng pagkakaibigan. Minabuti na lamang niyang lumayo upang makalimutan ang mga kasalanang kaniyang ginawa.

More Stories