Ang Misteryo sa Kanto Kwatro

Masayang-masaya si Dante dahil sa wakas matitirahan na niya ang apartment na matagal nang hinuhulog-hulugan.

“Dante, paano ba yan, bukas hindi ka na namin kasama,” pangongonsensya sa kanya ng ka-roommate niyang si Jose.

“Oo nga! Mamimiss ka namin pare!” dagdag pa ni Hernan.

“Pare susulat ka ah!” biro sa kanya ni Joaquin.

“Kung mag salita kayo, akala mo talaga mag a-abroad na ako,” natatawang sabi ni Dante.

“Eh mag a-abroad ka naman talaga eh!” pag sangayon sa kanya ni Hernan.

“Oo mag a-abroad ako, pero hindi pa sa ngayon. Hindi ko pa nga naaayos ang mga papeles ko eh. Tsaka isa pa, lilipat lang ako ng bahay, hindi ng trabaho.”

“Kahit na, mamimiss ka namin dito sa dorm,” kunwari pang naiiyak si Jose.

Advertisement

“Nako ganyan lang kayo sa akin kasi nagpainom ako!” biro sa kanila ni Dante.

“Ay natumbok mo! Hahaha!”

Nagtawanan nalang ang magtro-tropa. Bukas na ang paglipat bahay ni Dante, kaya nagsalo-salo sila bilang pa despedida ng binata.

Kinabukasan maagang nagising at nag-impake ng mga gamit si Dante. Wala pang tanghali nakarating na siya sa bagong apartment.

“Sir, kung may kailangan kayo tumawag lang kayo sa numerong ito. Lahat ng klaseng sira inaayos nila, pondeng ilaw, baradong tubo, kable ng kuryente, basta lahat kaya nilang ayusin,” paliwanag ng babae kay Dante.

“Sige ate salamat. Tatawag nalang ako pag nagka problema,” sagot ni Dante.

“Sige po Sir. Nasa envelope na po ang katunayan na sa inyo na ang unit na ito. Paano mauna na po ako,” paalam ng babae sa kanya.

Pag-alis ng babae, nagsimula nang mag ayos ng mga gamit si Dante. Dahil mag isa lang siya sa apartment, konti lang ang gamit niya. Malaki pa ang naiwang bakanting espayo.

Advertisement

Tapos na siya sa ginagawa ng makaramdam ng gutom. Naalala niya wala pala siyang nabibili pang grocery. Kaya naisipan niyang bumaba muna para bumili ng makakain sa labas.

Dahil bago lang sa lugar, medyo naguluhan siya sa mga nadaanang kanto. Kaya bago tuluyang makalayo, nagtanong na siya sa matandang nasa kalsada.

“Manong pwede po bang mag tanong?”

“Ano iyon iho?” sagot ng matanda sa kanya.

“Bago lang po kasi ako dito, kaya hindi pa ako pamilyar sa mga daan. Kung babalik po ako doon sa apartment na iyon anong kanto ang dadaanan ko?”

“Kanto kwatro lang ang daan papunta diyan sa tirahan mo.” maikling sagot ng matanda.

Umalis na si Dante, at tinandaan nalang niya ang kwarto kanto.

Naglakad-lakad pa siya ng kaunti bago makita ang isang karenderya. Naisipan niyang doon nalang kumain ng pananghalian.

Advertisement

Habang kumakain siya naririnig niya ang pag-uusap ng mga taong nasa kabilang lamesa.

“Alam niyo ba kagabi, may nagpakita daw kay Gerardo sa kanto kwarto!”

“Ano daw ang nakita niya?” tanong ng isang usyosera.

“Hindi daw niya naaninag yung mukha eh. Pero sabi niya lalaki.”

“Lalaki? Imposible naman! Ang sabi kasi ng mga taong napapadaan doon, boses babae daw ang naririnig sa kanto kwatro.”

“Nakakatakot naman dumaan doon! Mamaya bigla nalang magpakita sayo yung multo!”

“Ang sabi nila pag nagpakita sayo o nagparamdam yung multo, humihingi ng tulong yun.”

Natapos nalang kumain si Dante pero tuloy tuloy pa rin ang usapan ng mga tao tungkol sa di umanong misteryo sa kanto kwatro.

Advertisement

Naisipan niyang bago umuwi dumiretso na muna ng grocery. Halos madilim na ng makauwi siya.

Kagaya ng inaasahan, madaraanan niya ang misteryosong kanto kwatro.

Maaga palang pero wala nang gaanong tao ang dumaraan doon.

Hindi gaanong mailawan ng bombilya ang kanto kwatro. Kaya madilim ang dako paroon.

“Hindi ako makapaniwalang totoo ngang nakakakilabot ang daang ito!” natatawa nalang si Dante habang kinakausap ang sarili.

Hindi naman siya naniniwala sa mga multo at kaluluwa. Pero aminado siyang nagtataasan ang balahibo niya ngayong binabagtas niya ang kabuoang kanto kwatro.

Gayunpaman, ipinagkibit balikat lang niya ito. Wala naman siyang dapat ika-takot dahil ang mga multo at kaluluwa ay gawa-gawa lang ng isipan. Iyan ang kanyang paniniwala.

Payapa pa niyang binabaybay ang kanto kwatro.

Advertisement

Hanggang sa, may marinig siya mga impit na boses babae!

Huminto siya sa paglalakad upang masiguro na totoo ang naririnig niya at hindi halusinasyon lang.

Habang pinapakinggan niya ito, palakas ng palakas ang sigaw ng babae.

“Tulong…… tulungan niyo ako……”

Pinakinggan niyang maigi at kompirmado ngang boses ng tao ang naririnig niya!

Hindi siya umalis sa kanto kwatro at inalam kung saan nanggagaling ang boses na naririnig.

Napagtanto niya na nanggagaling ito sa man hole sa may tabi ng poste. Kinuha niya ang cellphone at inilawan kung ano ang nahulog sa man hole.

Laking gulat niya ng may makitang babaeng nasa loob nito!

Advertisement

Agad-agad siyang nanghingi ng tulong sa Barangay na sakop ang kanto kwatro.

Mabilis naman na naiangat sa kalsada ang babae. Hindi siya matigil sa kaiiyak dahil sa mga galos at sugat na natamo niya.

Pero imbes na maawa, natuwa pa ang mga tao. Dahil ang babaeng nahulog sa man hole, ay ang matagal nang pinaghahanap ng Baranggay dahil sa patong-patong na reklamong panloloko nito o pang e-iskam.

Nawala na ang misteryong bumabalot sa kanto kwatro, at nakuha pa ang hustisya ng mga tao!