Naiirita ang Babae sa Nobyo Dahil ang Atensyon Nito ay Nasa Paglalaro ng Online Games; Maging Dahilan Kaya Ito ng Kanilang Paghihiwalay?

“Nakikinig ka ba sa akin, ha, Lester? Kanina pa ako daldal nang daldal dito ah.”

Hindi na napigilan ni Meryl na sitahin ang kaniyang nobyong si Lester na kanina pa nakatutok ang buong atensyon sa selpon nito, kakalaro ng online game. Inaya siya nitong lumabas para sa isang date, subalit parang wala rin.

“Sige lang magsalita ka lang, nakikinig naman ako eh, alam mo namang kapag naglalaro na ako, hindi ako puwedeng magambala,” saad pa ni Lester. Patuloy lamang ito sa pagdutdot.

asian man texting - asian man using a cellphone stock pictures, royalty-free photos & images

“Nakakainis ka naman, Lester. Minsan na nga lang tayong magkita, ni hindi mo maibigay sa akin ang isandaang porsyento ng atensyon mo. Sino ba ang mas mahal mo, laro mo o ako?”

Napatingin si Lester sa kaniyang nobya. Inihinto niya ang kaniyang paglalaro. Inilapag niya ang selpon sa mesa. Hinawakan niya ang mga kamay ni Meryl. Dinala sa kaniyang mga labi at dalawang beses na pinupog ng maliliit na halik.

“Syempre ikaw ang mahal ko, ano bang klaseng tanong iyan Meryl? Tatlong taon na tayo ok. Kinukuwestyon mo pa ba ang pagmamahal ko sa ‘yo? Gusto mo pakasalan kita ngayon pa lang?”

“Eh kasi parang mas mahalaga pa sa ‘yo ang larong iyan. Ako ang kaharap mo pero wala naman sa akin ang mga mata mo. Kung tunay na tao lang siguro iyang online game na iyan, baka pinagselosan ko na ‘yan eh,” nakalabing paliwanag naman ni Meryl.

“Pati ba naman laro pagseselosan mo? Huwag ka na magalit,” muling pag-aalo ni Lester.

Advertisement

“Oh, nabanggit mo ‘yang kasal. May plano ka ba talagang pakasalan ako?” maya-maya ay biglang ungkat ni Meryl sa nobyo.

wedding rings - wedding ring stock pictures, royalty-free photos & images

“Grabe naman ‘yun! Mula sa paglalaro ko, napunta na kaagad sa kasalan? Oo naman, mahal ko! Kaya lang syempre intindihin mo rin na nag-iipon pa ako para naman mabigyan ka ng masaya at magarbong kasal,” tugon naman ni Lester.

Mabilis na binawi ni Meryl ang mga kamay na sapo-sapo ni Lester.

“Nag-iipon ka ba talaga o panay laro lang ang inaatupag mo? Siguraduhin mo lang ‘yang mga pangako mo na ‘yan ah? Ilang pangako na ba ang hindi mo naman natupad? Sabi mo mamamasyal tayo sa Batanes pero hindi naman natuloy. Sabi mo bibilhan mo ako ng mamahaling kuwintas, pero nasaan na?”

Hindi na nakasagot pa si Lester dahil bumalik na ulit ito sa paglalaro. Napabuntung-hininga na lamang si Meryl.

Mahal na mahal naman niya si Lester subalit sa tuwing nakadukmo ang mukha nito sa gadget, tipong kulang na lang ay pumasok sa loob nito, napapaisip siya kung sapat ba ang nararamdaman niya para sa nobyo upang pumayag na maging asawa nito.

Parang nakikini-kinita niya kasing araw-araw lamang silang mag-aaway.

Parang nakikita na niya ang magiging sitwasyon sa bahay. Siya ang gagawa ng lahat ng mga gawaing-bahay.

Advertisement

At itong lalaking ito, walang gagawin kundi humilata. Magpakasarap. Maglaro maghapon.

Kaya napapaisip-isip na rin siya. Lalo’t ginagatungan pa siya ng kaniyang matalik na kaibigang si Cristy, na una pa lamang, hindi na boto kay Lester.

“Hay naku bes mukhang manloloko ‘yang Lester na ‘yan at pakiramdam ko ay iresponsable rin, batay sa mga kuwento mo. Huwag kang kukuha ng batong ipupukpok sa ulo mo,” naaalala niyang lagi nitong paalala sa kaniya.

At syempre, dahil mahal niya ang tao, pinagtatanggol niya ito.

Hanggang isang araw, nabigyan ng dahilan si Meryl upang tuluyan na ngang hiwalayan si Lester.

“Ang kapal ng mukha mo! Kaya pala hindi mo maalis-alis sa sistema mo ang paglalaro mo ng online game na ‘yan dahil may kinakalantari kang iba!” galit na galit na sabi ni Meryl.

angry woman standing against white background - asian woman angry stock pictures, royalty-free photos & images

Hindi sinasadyang matuklasan ni Meryl na isa sa mga kalaro ni Lester ay isang babae. Nabasa niya ang mensahe ng isa’t isa sa dalawa nang magtungo sa palikuran si Lester. Muli silang nagkita ng mga sandaling iyon.

Pulang-pula ang mukha ni Lester nang makita niyang hawak ni Meryl ang kaniyang cellphone.

Advertisement

“M-Magpapaliwanag ako… teka lang…”

“Wala ka nang dapat ipaliwanag. Babe ang tawagan ninyo at nagsasabihan pa kayo ng I love you? Anong gusto mong isipin ko, ha?”

“Patawarin mo ako, mahal… lalaki lang ako, marupok… bigyan mo naman ako ng isa pang pagkakataon…”

“Magsama kayo ng babae mo! Bakit, hihingi ka ba sa akin ng tawad kung hindi kita nahuli?”

Wala nang nagawa pa si Lester nang tuluyan siyang hiwalayan ni Meryl.

Ipinasya na lamang ni Meryl na magpokus na lamang sa kaniyang sarili. Para siyang nabunutan ng tinik sa kaniyang dibdib.

Alam niya sa kaniyang sariling tama ang kaniyang desisyon.

Tama ang kaniyang ginawa. Ngayon ay malaya na siya.