Inday TrendingInday Trending
Pinasok ng Lalaki ang Pagbebenta ng Bidyo Niya Para sa Anak na May Sakit; Magdulot Kaya Ito ng Problema Lalo na sa Misis Niya?

Pinasok ng Lalaki ang Pagbebenta ng Bidyo Niya Para sa Anak na May Sakit; Magdulot Kaya Ito ng Problema Lalo na sa Misis Niya?

Sumakit ang ulo ni Jestoni nang makita ang hospital bills ng kaniyang anak na nakikipaglaban sa sakit na leukemia.

“’Pa… hindi natin kakayanin ito. Masyadong malaki ang mga gastusin natin,” naiiyak na saad ng kaniyang misis na si Lenny.

Nagkataon pa namang madalang na ang mga tanggap na proyekto ni Jestoni bilang aktor sa paggawa ng indie films, at nahinto rin sa kaniyang online selling si Lenny dahil sa pag-aalaga sa may sakit na anak na si April.

“Anong gagawin natin ngayon, Jestoni? Saang kamay ng Diyos naman tayo kukuha ng pambayad sa bills at mga gamot ni April? Hindi ko na alam ang gagawin ko.”

“Huwag kang mag-alala, Lenny. Gagawa naman ako nang paraan eh. Pumayag ka na kasi sa naiisip ko.”

“Ang alin? Ang paggawa mo ng mga malal@sw*ng bidyo at str*pte@sing?”

“Oo… kung papayag ka. Wala na akong ibang naiisip na paraan. Wala tayong aasahan sa mga shooting ngayon dahil sa pandemya. Mahina na ang kita ng indie films ngayon. Tutal may ilan na akong followers at sanay naman sa akin ang mga tao na naghuhub*d ako, iyan na lang ang naiisip kong gawin para kumita.”

“Bahala ka… basta mag-ingat ka…” paalala na lamang ni Lenny sa mister.

At iyon na nga ang ginawa ni Jestoni. Tuwing gabi, sa pamamagitan ng eksklusibong video conferencing ay nagsasagawa ng show si Jestoni; na dinadaluhan naman ng mga matrona at mga beki. Mahina ang 10,000 piso sa kaniyang kita gabi-gabi.

Lalong nagpaguwapo kay Jestoni ang kaniyang edad. Sa gulang na 34 ay malakas na malakas pa rin ang kaniyang dating, kaya hindi kataka-takang marami ang nanonood sa kaniyang online na palabas.

Isa sa mga masugid niyang tagapanood ay ang biyuda at matronang si Vanessa.

“Ang galing-galing mo talaga, baby! Sana pumayag kang makipagkita sa akin,” minsan ay sabi nito sa kaniya.

“Naku Ma’am, may sabit na ako eh…” natatawang sabi ni Jestoni.

“Ayos lang ‘yan. Wala naman akong pakialam kung may asawa ka na. Narinig mo na ba ang kasabihang kapag nakatali ang manok, mas masarap hulihin?” at namungay pa ang mga mata.

“Ikaw talaga Ma’am, palabiro. Pero seryoso Ma’am, salamat po talaga sa halos araw-araw ninyong panonood sa akin. Suki ko na kayo,” pasasalamat ni Jestoni.

“Pero seryoso ako sa alok ko sa iyo ah… pumayag ka lang na mat*kman kita, bibigyan kita ng 10,000 piso.”

Napalunok sa alok na iyon si Jestoni. Malaking halaga na rin iyon. Maidaragdag na rin sa kanilang mga gastusin.

“T-Talaga po Ma’am?”

“Oo nga. Basta pumayag ka.”

S’yempre, ang bagay na ito ay hindi na dapat pang ikonsulta kay Lenny. Tiyak namang hindi ito papayag. Nang gabing iyon, hindi madapuan ng antok si Jestoni. Iniisip niya ang magandang oportunidad na naghihintay sa kaniya, kapag pumayag siya sa gusto ng kaniyang kustomer.

Kinabukasan, natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa condo unit na ni Agnes, ang naturang kustomer na humihirit sa kaniya. Pinagbigyan niya ang gusto nito, kapalit ang 10,000 piso.

“Ang sarap-sarap mo, baby. Basta iyan na ang usapan natin ah. Sa tuwing magsapin-sapin tayo, bibigyan kita ng 10,000 piso.”

Kaya naman gulat na gulat si Lenny nang mag-intrega na siya.

“Grabe, at talagang maraming gustong mapanood ka ha? Sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Jestoni, paalalahanan lang kita ah… hanggang nood lang sana. Baka mamaya may mag-aya sa iyo na mauwi sa totohanan…”

“Huwag kang mag-alala, mahal… ginagawa ko lamang ang lahat ng ito para kay April at para sa iyo…”

Subalit sabi nga, may mga bagay na kapag nasimulan na, hindi na matatanggihan pa.

Paulit-ulit na ang pagpunta ni Jestoni kay Agnes upang makakuha siya ng 10,000 piso, na hindi naglaon ay nadagdagan at naging 15,000 piso na. Pinagtapat sa kaniya ni Agnes na nahuhulog na ang loob niya kay Jestoni.

“May proposal ako sa iyo. Bibigyan kita ng monthly allowance na 50,000 piso basta’t papayag ka na maging kabit mo ako. Ibig sabihin, may karapatan din ako sa iyo, gaya ng karapatan ng misis mo sa iyo.”

“Pasensya ka na Agnes pero hindi ko matatanggap ang alok mo. Nagkasundo na tayo sa ganitong set up. Hanggang dito na lang ang mai-ooffer ko. Hindi ko kayang saktan ang asawa ko.”

Walang nagawa si Agnes nang hindi pumayag si Jestoni sa kaniyang alok.

Hininto na rin ni Jestoni ang nagaganap sa pagitan nila ni Agnes, gayundin ang kaniyang ginagawang video streaming, nang may mag-alok sa kaniya na isang producer sa mainstream media na mapasama siya sa isang teleserye.

Dahil may angking-husay naman sa pag-arte ay unti-unting nakilala si Jestoni, at natustusan niya ang pangangailangan ng kaniyang pamilya, lalo na ang pagpapagamot ng kaniyang anak. Marami rin sa kaniyang mga tagahanga ang tumulong para sa pagpapagamot ni April, hanggang sa tuluyan nang nakontrol ang kaniyang sakit.

Advertisement