Inday TrendingInday Trending
Binayaran ang Lalaking Ito Upang Anakan ang Misis ng Iba; Matitiis ba Niyang Hindi Kilalanin ng Kaniyang Anak?

Binayaran ang Lalaking Ito Upang Anakan ang Misis ng Iba; Matitiis ba Niyang Hindi Kilalanin ng Kaniyang Anak?

“Wala kang gagawin kung hindi anakan ang asawa ko.”

Napalunok si Fred sa alok na iyon ni Rudy sa kaniya, 58 taong gulang. Nakilala niya ito sa social media dahil ito ang mismong nakipagkilala sa kaniya. Pumayag siyang makipagkita rito dahil may proposal umano ito sa kaniya.

“P-Pakiulit nga po ang sinabi ninyo?”

“Anakan mo ang asawa ko. Bibigyan kita ng 100,00 piso, at dagdag na 50,000 piso kapag nagbunga ang gagawin mo sa kaniya.”

“Bakit ibinebenta mo ang asawa mo sa akin?”

Tumahimik si Fred. Maya-maya, nagkuwento na ito.

“Hindi ko kayang makipags*ping sa kaniya, dahil isa akong beki. Matagal na akong nagtatago. Umamin na ako sa kaniya, nito lang. Hindi ko talaga kaya. Kaya napag-usapan namin na hahanap na lang ako ng ibang lalaki na magbibigay sa kaniya ng anak. Pumayag naman siya.”

Hindi naman nakakibo si Fred.

“Pag-isipan ko po muna’t mukhang nakakabaligtad naman ng sikmura iyang pinagagawa ninyo sa akin,” nasabi na lamang ni Fred.

“Sige, pag-isipan mo. Bibigyan kita ng isang linggong palugit para makapag-isip-isip ka. Kung makalipas ang isang linggo at wala ka pang desisyon, hahanap na lang ako ng ibang lalaking willing at kayang gawin ang pinagagawa ko.”

Pag-uwi sa bahay, bumungad sa kaniya ang inang si Aling Nilda.

“Fred, anak… naniningil na sa atin si Aling Marta sa mga upa natin na hindi pa natin nababayaran, kung hindi ay palalayasin na tayo rito sa inuupahan natin. Baka lang kako may ekstrang pera ka riyan pambayad.”

“Naku ‘Nay, alam naman ninyong wala akong kapera-pera eh. Hayaan ninyo at gagawa na lamang ako ng paraan.”

Nang gabing iyon ay pabiling-biling sa kaniyang kama si Fred. Iniisip niya ang alok ni Rudy. Malaking tulong sa kanilang mag-ina ang ibabayad nito sa kaniya. Mababayaran na nila ang mga utang. Bukod doon, may mga gastusin pa silang maaaring mailaan doon.

Kinabukasan, nakipagkita si Fred kay Rudy. May pasya na siya.

“Salamat naman kung gayon. Halika, sumama ka sa bahay. Ipakikilala kita sa misis ko.”

At sumama na nga si Fred sa bahay nina Rudy. Malaki ang bahay nito, halatang may sinasabi sa buhay.

Nagulat siya dahil ang misis nito ay tila kaedad lamang niya at maganda.

“Nancy, mahal… siya si Fred. Siya ang pumayag sa deal natin.”

Inilahad naman ni Nancy ang kaniyang kamay kay Fred.

“Nice to meet you, Fred. Halika, pag-usapan muna natin ang lahat ng mga magaganap.”

Naupo sila sa isang mesita. Iniabot ni Rudy ang isang kasulatan—isang kontrata.

“Kapag nagbunga ang gagawin ninyo ni Nancy, hindi ikaw ang kikilanin nitong ama kung hindi ako. Wala ka nang habol sa bata,” paliwanag ni Rudy.

Sumang-ayon naman si Fred.

Nagtungo na sila sa kuwarto.

“Oo nga pala, habang nagsisip*ng kayo, manonood ako,” saad ni Rudy.

At nagsimula na nga ang pagsasanib ng mga katawan nina Fred at Nancy habang nanonood naman mula sa malayo si Rudy; umiinom ng red wine.

Maya-maya ay nakatapos na sila.

“Salamat Fred ha…” nakangiting sabi ni Nancy.

Iniabot ni Rudy ang nakahandang tseke kay Fred na naglalaman ng kaniyang bayad.

“Sana makabuo kayo…”

Makalipas ang isang buwan, nabalitaan na lamang ni Fred na nagdadalantao na si Nancy.

“Mabuti naman kung gayon,” natutuwang sabi ni Fred.

Iniabot ni Rudy ang karagdagang 50,000 piso para kay Fred.

“Nariyan ang karagdagang kabayaran ko para sa iyo, Fred. Maraming salamat!”

Kinuha ni Fred ang tseke na may nakalagay na 50,000 piso.

“Ipinapaalala ko lang sa iyo ang naging kasunduan natin, Fred. Kapag nanganak na si Nancy, ako ang kikilalaning ama ng bata. Hindi niya dapat malaman ang katotohanan sa likod ng kaniyang pagkatao,” muling pagpapaalala ni Rudy sa kanilang kasunduan.

“Areglado, boss. Hindi ko nakakalimutan ang kasunduan natin,” saad ni Fred.

Lumipas ang isang taon.

Wala nang balita si Fred hinggil sa mag-asawang Rudy at Nancy. Bilang bahagi ng kanilang kasunduan.

Nabayaran na rin nila ang mga pagkakautang nila.

May bahagi sa pagkatao ni Fred na nasi niyang masilayan ang kaniyang anak. Dugo’t laman.

Kaya isang araw, palihim siyang naglakas-loob na magtungo sa bahay nina Fred at Nancy upang kahit paano ay makita ang kaniyang anak.

Tamang-tama naman na tila palabas ng bahay si Nancy at ang kaniyang anak na karga-karga nito.

“F-Fred?”

Nangingiming lumapit si Fred.

“Napadaan lang ako para silipin lang sana si Baby pero aalis din ako kaagad, baka makita ako ni Rudy…”

“Wala na si Rudy. Sumakabilang-buhay na siya.”

Pinapasok niya si Fred sa loob ng bahay. At malungkot na isinalaysay ni Nancy na naaksidente ang asawa kaya siya ay biyuda na.

Kaya naman, minabuti na lamang ni Fred na alalayan si Nancy sa pag-aalaga sa kanilang anak, hanggang sa ‘di-naglaon ay nagkapalagayan sila ng loob, hanggang sa sila ay nagpakasal.

Advertisement