Inday TrendingInday Trending
Sobrang Kalupitan ang Ipinaranas ng Mister sa Martir na Misis; Mababangis na Asong Kalye Lang Pala ang Katapat Niya

Sobrang Kalupitan ang Ipinaranas ng Mister sa Martir na Misis; Mababangis na Asong Kalye Lang Pala ang Katapat Niya

Usapan-usapan na naman si Nina ng mga kasamahan niya sa pinapasukang opisina dahil sa hitsura niya nang dumating siya nang umagang iyon.

“Kawawa si Nina, nabugb*g na naman, o!” sabi ng isa sa mga babae niyang katrabaho.

“Namamaga na naman ang mukha niya. Bakit kasi pumapayag na sinasaktan siya nung g*go niyang asawa?!” wika ng isa.

“Martir, ano? Eh, hindi na uso ngayon ‘yan!” sabad ng isa pa.

Pumasok na naman kasi siyang may mga pasa sa mukha at katawan niya dahil katatapos lang siyang bugb*gin ng kaniyang mister na si Ador. Isang taon palang silang nagsasama bilang mag-asawa ng lalaki pero nagkamali siya nang pakasalan ito dahil mahilig pala itong manakit. Wala itong pinipiling araw o oras, basta maisip nitong pagbuhatan siya ng kamay ay ginagawa nito. Mas lumalabas ang pagkadem*nyo ng asawa niya kapag lango ito sa alak. Pipilitin siya nitong makipagn*ig pagkatapos ay bubuntalin siya hangga’t magsawa ito.

Sa isip ni Nina ay tama ang sabi ng mga kasama niya sa trabaho, talagang martir siya. Pagkagaling sa opisina ay trabahong bahay naman ang aatupagin niya, samantalang ang mister na si Ador ay iba ang pinagkakaabalahan, ang pagiging batugan at walang silbi. Maghapon lang itong natutulog sa bahay at kumakain kapag ginutom at pag nabusog ay balik ulit sa pagtulog. Wala kasi itong trabaho at palamunin lang. Inaasa lang ng lalaki kay Nina ang lahat ng pangangailangan nila. Ewan nga ni Nina kung ano ang nagustuhan niya sa lalaki, para lang siyang kumuha ng bato na ipinukol sa ulo niya nang pakisamahan niya ito.

Pag-uwi ni Nina sa kanila ay saka lamang ito babangon sa higaan at…

“O, nandiyan ka na pala, Nina! Timpla mo nga ako ng kape, dalian mo!” utos nito.

Napabuntung-hininga ang babae.

“Sige, magbibihis lang ako,” aniya.

Mabilisan lang ang pag-aayos niya sa sarili dahil iniiwasan niyang mag-init na naman ng ulo ng kaniyang mister kaya sinunod na niya agad ito.

“Heto na, o!”

Napangisi naman si Ador.

“Ganyan nga, maging masunurin ka para hindi ka nasasaktan,” sabi nito.

Laging ganoon ang direksyon ng buhay ni Nina. Kung minsan, kapag lasing si Ador ay g*lpi na naman ang inaabot niya sa kamay nito.

“Pag sinabi kong sundin mo ang gusto, susundin mo ha? Gusto mo pa ang nababanatan, eh!” gigil na sabi ng lalaki habang walang awa siya nitong pinagsasasampal at sinusuntok.

Pagkatapos ng gulpihan ay maiiwan na namang luhaan si Nina sa isang tabi.

“Diyos ko, anong kalbaryo itong ipinataw mo sa akin?” humihikbi niyang sabi.

Ang nagiging sandalan niya sa mga ganoong pagkakataon ay ang mga asong kalye na palagi niyang binibigyan ng pagkain. Mahilig kasi siya sa mga aso, gusto nga niyang mag-alaga sa bahay kaso’y ayaw naman ni Ador. Ayaw nito ng may hayop sa loob ng tahanan nila. Maaamo naman ang mga asong kalye sa kaniya kapag dinudulutan niya ng makakain. Naglalambing pa nga ang mga ito kapag nakikita siya. Ang mga aso ang itinuring niyang mga kaibigan sa lugar nila.

“O, kain lang kayo nang kain ha,” sabi niya sa mga ito.

Minsan sa pagpasok niya sa opisina ay napansin na naman ng mga kasama niya ang mga pasa sa mukha niya. Hindi na napigilan ng mga ito na mag-usisa at payuhan siya.

“Ano ka ba naman, Nina! Bakit ka ba nagtitiis sa ganyang klase ng lalaki? Hindi mo deserve ‘yan, ang gawin mo’y makipaghiwalay ka na sa kaniya, layasan mo na ang hayop na yon!” wika ng isa sa mga malalapit niyang kaibigan sa opisina.

“Papat*yin ako noon kapag hiniwalayan ko siya,” umiiyak niyang sabi.

“Huwag kang matakot. Malaki ang mundo, marami kang pwedeng puntahan! Walang mangyayari kapag pinairal mo ang takot sa puso mo. Baka naman kaya ayaw mo, eh mahal mo pa rin siya? Mahal mo pa ba siya kahit ganyan ang ginagawa sa iyo, palagi kang sinasaktan?” saad pa nito.

Hindi siya nakasagot dahil hindi na rin niya alam kung mahal pa nga ba niya ang asawa.

Ngunit isang gabi, mas matindi pa palang pagdurusa ang ipaparanas sa kaniya ni Ador dahil nang umuwi ito galing sa inuman ay may mga kasama itong tatlong lalaki at pumasok sa kwarto nila.

“Huh?! A-anong ibig sabihin nito? B-bakit sila narito?” nagtataka niyang tanong sa mister.

“Malaki ang talo ko ngayon sa sugal at ikaw ang pambayad ko sa utang ko, maliwanag ba? Hala, sige, mga pare, kayo na ang bahala sa kaniya! Kapag umangal, banatan ninyo!” sagot ni Ador.

Tuwang-tuwa naman ang mga kaibigan ng lalaki. Hay*k na hay*k ang mga ito na pinagtulungang pagsamantal*han ang pobreng asawa.

“Huwag! Maaawa kayo!” sigaw ni Nina.

Pero walang nagawa ang pagmamakaawa at hiyaw niya. Nagawa pa rin ng tatlong lalaki ang kahay*pan ng mga ito sa kaniya hanggang sa lupaypay na siya nang tantanan ng mga buhong.

“Sobra na ang kahay*pan ng asawa ko! Panginoon, iganti Mo naman ako!” hagulgol niya habang nakasalampak siya sa sahig, walang saplot.

Ni hindi nagsumbong sa mga awtoridad si Nina sa paglapastangan sa kaniya. Ang naging takbuhan niya ay ang mga kaibigan niyang asong kalye.

“Mabuti pa kayo, malaya, samantalang ako hindi pa rin makaahon sa kadiliman,” sabi niya sa mga ito.

Tumatahol lang ang mga ito na tila ba naiintindihan ang sinasabi niya. Parang nakikidalamhati ang mga asong kalye sa pinagdaraanan niya.

Isang gabi, dumating si Ador kasama ang tatlo nitong kaibigan na bumaboy sa kaniya.

“Pagod kami, ipaghanda mo kami ng makakain ha? Bilisan mo!” utos ng lalaki.

Walang nagawa si Nina kundi ang sumunod. Ipinagluto niya ng masarap na ulam ang mga buhong. Nang maluto na ay inihanda na niya ang hapag at inalok nang kumain ang mga ito.

“K-kain na kayo,” aniya.

Tuwang-tuwa habang kumakain ang apat. Ninanamnam na mabuti ang luto niya.

“Ang sarap nito, a! Ngayon lang ako nakatikim nito!” sabi ng isa sa mga lalaki.

“Kain nang kain at huwag na kayong marami pang salita,” sabad ni Ador.

Habang nag-uunahan ang mga buhong sa pagkain ay mula sa kung saan ay biglang pumasok ang isang langkay ng mga asong kalye at inatake ang tatlo.

“Put*ngina! Saan galing ang mga ito!” gulat na wika ni Ador.

At gumuhit ang nakapangingilabot na sigawan ng mga buhong sa loob ng bahay nina Nina. Hindi rin narinig ng mga kapitbahay nila ang nangyayari dahil biglang umulan nang malakas ng gabing iyon. Si Nina ay parang napako na sa kinatatayuan sa sobrang takot sa pagsugod ng mga asong galit na galit.

‘Di nagtagal ay huminto na sa pag-atake ang mga aso at sa isang iglap ay b*ngkay nang nilubayan ng mga hayop ang tatlong buhong. Nagsialisan na ang mga ito habang kumakawag ang mga buntot. Huli na nang mapagtanto ni Nina na ang mga asong sumugod sa bahay nila ay ang mga kaibigan niya.

“B-bakit kaya bigla na lamang silang naging mabangis?” nagtataka niyang tanong sa isip.

Maya maya kasabay ng pagtila ng ulan ay narinig niya ang sabay-sabay na pag-alulong ng mga aso na tila na nagpapahiwatig na naiganti na ng mga ito ang isang babaeng sobrang inapi.

Inireport niya sa mga awtoridad ang pagkamat*y ng asawa at mga kaibigan nito. Hindi naman makapaniwala ang mga pulis sa ginawang pag-atake ng mga aso, ngayon lang daw kasi iyon nangyari na may pinasl*ng ang mga asong kalye sa lugar nila.

Kahit malaking palaisipan pa rin para kay Nina ang nangyari ay ipinagpasalamat na rin niya iyon, dahil sa wakas ay nakalaya na siya sa malupit at dem*nyo niyang asawa at nakamit na rin niya ang hustisya. Mula noon ay hindi na nagpakita pa sa kaniya ang mga asong kalye.

Advertisement