Inday TrendingInday Trending
Magkakompetensya sa Pagpapayo sa mga Kaibigan Nila ang Binata at ang Dalaga; Sino sa Dalawa ang Magtatagumpay sa Huli?

Magkakompetensya sa Pagpapayo sa mga Kaibigan Nila ang Binata at ang Dalaga; Sino sa Dalawa ang Magtatagumpay sa Huli?

Maganda si Aviona at magaling makisama sa lahat ng tao kaya marami siyang kaibigan.

“Magandang umaga ho, Aling Bella,” masaya niyang bati sa isa sa mga kapitbahay niya.

“Magandang umaga naman, hija. Eh, saan ka ba galing?” tanong ng matanda.

“May binili lang ho ako sa palengke,” tugon niya.

Hindi namimili ng kakausapin ang dalaga. Kahit nga mga tambay sa lugar nila ay nagagawa niyang biruin.

“Aba, may toma na naman pala tayo diyan ha?” sabi nang minsang napadaan siya sa kanto na may mga nag-iinumang lalaki.

“O, ikaw pala Aviona. Tara, tagay ka muna!” sagot ng isa sa mga lalaki.

“Saluhan mo na kami rito. Kahit isang lagok lang,” sabad ng isa.

Ngumiti ang dalaga.

“Sige ba, pero isang tagay lang ha? May pupuntahan pa kasi ako, eh,” sabi niya sabay ininom ang alak na nasa maliit na baso.

Mahilig din na makinig ang dalaga sa mga problema ng iba, lalo na sa sa mga kaibigan niya. Pagdating sa usaping pag-ibig ay siya ang tinatakbuhan ng mga ito para hingan ng payo.

“Ganoon ganoon, hindi maiiwasan ang masaktan kapag umiibig?” tanong ng isa sa mga kaibigan niya.

“Alam mo, kapag umibig ka, handa ka dapat masaktan. Imposibleng puro rosas lagi ang paligid, Cherry. Hindi lahat ay puro sarap, mayroon din hirap,” makahulugan niyang sabi.

Maaasahan siya ng mga kaibigan niyang may suliranin sa pakikipagrelasyon. Sabi nga’y, ‘you can count on her’.

“Aviona, ano ang gagawin ko…m-mahal ko si Erick. Hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko,” umiiyak na sabi ng isa pa.

“Stay calm…kakausapin ko siya. Titiyakin kong makikinig siya. Huwag kang mag-alala, magkakasundo rin kayo,” aniya.

Samantala, kung si Aviona ang palaging nilalaitan ng mga kaibigan, ang kapitbahay naman niyang si Trevor ang kaniyang counterpart dahil tulad niya’y adviser din ito ng mga kaibigan nito.

Pero minsan, napag-usapan ng lalaki at ng mga kaibigan nito si ang dalaga.

“Bakit hindi mo ligawan si Aviona? Bagay naman kayo, a!” wika ng isa sa tropa niya.

“Bagay? Eh, mukha namang mataray ‘yon eh!” sagot ni Trevor.

“Paano naman nasabi? Siguro mukhang mataray lang, pero mabait naman siya, eh. Malapit nga siya sa mga kapitbahay natin kahit mga tambay sa kanto ay kaibigan niya,” sabad ng isa sa mga kasama.

Ewan ba niya kung bakit naiilang siya kay Aviona, marahil magkaiba kasi sila ng diskarte sa pagpapayo.

Ganito ang istilo niya.

“Kunwari galit ka…ganyan ang babae, pag nakitang kaya ka, tapos ang maliligaya mong araw,” sabi niya sa kaibigang nanghihingi ng payo.

“Eh, paano kung makipag-break sa akin?” tanong ng kausap.

“Hayaan mo siya, hindi ka rin naman matitiis niyon,” aniya.

Ang hindi alam ni Trevor, ang nobya ng kaibigan na nanghihingi ng payo sa kaniya ay nanghihingi naman ng payo kay Aviona, kaibigan kasi ng dalaga ang babae. At ang kontra payo ng dalaga…

“Kapag nagmalaki ang nobyo mo, bastedin mo! Takot lang niyon!” sabi ni Aviona.

“T-tama kayang gawin ko iyon?” tanong ng kausap.

“Kailangan na matuto tayong mga babae na ipaglaban ang ating sarili, huwag kang matakot dahil karapatan natin ‘yon,” saad pa niya.

Nang sumunod na araw, napadaan si Aviona sa tapat ng bahay nina Trevor at nakita nitong kausap ng binata ang nobyo ng kaibigan niya. Natunugan na niyang nanghihingi rin ito ng payo sa lalaki dahil alam niya na gaya niya ay mahilig din itong magpayo.

“Aha, ito palang kulugong ito ang tagapayo ng boyfriend ni Sussy! Pinagkakaisahan ang kaibigan ko! Hmanda kayo sa akin!” gigil niyang sabi.

Nilapitan niya ang dalawa.

“Hoy! Ikaw pala lumalason sa isip nitong unggoy na ito? Ano na naman pinagsasasabi mo laban sa kaibigan ko?” singhal niya.

Napatayo ang dalawang lalaki sa upuan.

“W-wala naman kaming ginagawang masama, eh. Nagkukuwenthan lang kami nitong kaibigan ko,” sagot ni Trevor.

“Oo nga, Aviona. Saka huwag kang mag-alala, nagkaayos na kami ni Sussy, nakapag-usap na kami,” sabad n lalaki.

Mayamaya ay dumating si Sussy, ang kaibigan ni Aviona.

“Tama si Jojo, okey na kami. Hindi lang kami nagkaintindihan. Naisip namin na pag-usapan ng mahinahon ang problema namin at iyon nga, nadaan namin sa magandang usapan,” sabi ng babae.

Napabungisngis si Trevor. “Di ba, maayos na ang lahat? Kaya ikaw, sa susunod huwag kang basta sugod ng sugod ha? Aviona?” pang-aasar ng binata.

Tila napahiya sa Aviona. Mangiyak-ngiyak itong tumalikod at tumakbong palayo. Nakaramdam naman ng guilt si Trevor.

“Napasobra yata ang pang-aasar ko sa kaniya,” bulong niya sa sarili.

Pinuntahan niya sa bahay nito ang dalaga at humingi ng tawad sa sinabi niya.

“Aviona, pwede ka bang makausap?” tanong niya.

“Ano pa ginagawa mo rito?”

“Gusto kong humingi ng paumanhin sa sinabi ko kanina. Hindi ko sinasadya.”

Umiling ang dalaga. “Ako ang dapat humingi ng paumanhin sa iyo dahil ako ang sumugod doon. Hindi ko naman kasi alam na okey na ang dalawang iyon.” sabi ng dalaga.

“Hindi nila sinunod ang mga payo natin, Aviona. Sinunod nila ang sarili nilang desisyon para ayusin ang problema nila kaya walang nagtagumpay sa ating dalawa,” wika ni Trevor.

“Oo nga, eh, naisip ko na palagi na lang tayong nagkukompetensya sa pagpapayo, ang kinalabasan tuloy pareho tayong talo,” natatawang sagot ni Aviona.

“Ang mabuti pa ay tigilan na natin ang kompetisyong ito, Aviona. Maari ba tayong maging magkaibigan?” tanong nig binata.

“Oo naman, noon ko pa gustong maging kaibigan ka, Trevor,” sagot ng dalaga.

Noon pa naman gustong maging malapit ng dalawa sa isa’t isa kaso nadadala lang sila ng kompetisyon sa pagpapayo sa mga kaibigan nila. Kaya ngayong maayos na ang lahat ay sila naman ang gagawa ng kwento nilang dalawa.

Mula noon ay naging magkaibigan na sina Aviona at Trevor at ‘di nagtagal, ang pagkakaibigang iyon ay mas lumalim at nauwi sa ‘pag-iibigan’. Niligawan ni Trevor si Aviona hanggang sa mapasagot niya ang dalaga. Makalipas ang isang taon ay ikinasal sila at bumuo ng sarili nilang pamilya.

Advertisement