Inday TrendingInday Trending
Hindi na Makapaghintay pa ang Dalaga na Makatagpong Muli ang mga Magulang Niya; Isa Pala Itong Maling Desisyon

Hindi na Makapaghintay pa ang Dalaga na Makatagpong Muli ang mga Magulang Niya; Isa Pala Itong Maling Desisyon

Makapal ang kolorete sa mukha ni Melay habang siya ay nakatapat sa kaniyang salamin. Maaamoy din ang halimuyak ng kaniyang mamahaling pabango na binili pa sa ibang bansa. At ang huli ay ang sapatos na imported din na may taas na kalahating dangkal. Isinabit na rin niya ang bag sa kaniyang manipis na braso at umalis ng kaniyang condo.

Sa gabing iyon kasi ay nakatakda siyang kitain ang matagal na niyang nobyo na si Arthur. Matagal itong tumigil sa abroad dahil mandaragat ito. Nang sila ay magkita, napuno ng maraming kwento at kasiyahan ang buong gabi. Inuwi rin ni Melay si Arthur dahil malayo pa ang bahay nito.

Kinabukasan, paggising ni Melay, narinig niya ang selpon ni Arthur na walang tigil sa pagtunog. Dahil sa ingay na nililikha nito, sinagot niya ang numerong mahigit dalawampung beses nang tumatawag.

“Hello, sino ‘to?” mahinahong sagot ni Melay.

“Hello? Ikaw ang sino at bakit sinasagot mo ang tawag ng asawa ko?!” singhal ang kaniyang natanggap mula sa babae. Agad niya itong binaba nang makita na nagigising na si Arthur.

Mabilis naman niyang hinampas ng unan at sinuntok ang lalaki kahit inaantok pa ito.

“Sino ‘yang tumawag sa’yo? Sino ‘yan?! May asawa ka na pala ha! Ano? May anak ka rin ba?!” galit ang tono sa sunod sunod na tanong ni Melay sa lalaki subalit wala itong tugon kundi katahimikan.

“Sinasabi ko na nga ba! Lumayas ka dito! Layas! Nakakadiri ka! Kaya pala ang tanda tanda mo na!” pagpapalayas ni Melay sa nobyo.

Pagkalipas ng mahigit tatlong buwan, muling nabagot sa buhay si Melay. Hindi niya akalaing magiging kabit pala siya. Ang pakilala kasi sa kaniya ay walang asawa si Arthur kahit na may edad na ito. Hindi rin naman niya ginawang pagdudahan pa ang lalaki dahil nahulog na siya rito.

Isang umaga, nagising na lamang si Melay na nais niyang makita at makilala ang tunay niyang mga magulang. Agad niyang tinawagan ang mga magulang na nasa Amerika upang tanungin ang pagkakakilanlan ng mga tunay na magulang.

“’Nak, hindi na namin alam kung nasaan ang mga magulang mo. Ang tanging alam lang namin ay Cecil Negros ang pangalan ng tiyahin mo na nag-asikaso ng mga papel mo,” sagot naman ng kaniyang mga magulang.

Hindi kasi itinago kay Melay na siya ay ampon lamang. At dahil din dito, lumaki naman siyang maayos at may malaking pasasalamat sa mga umampon at kumupkop sa kaniya. Subalit dahil nais niyang may gawin sa buhay, gusto niyang imbestigahan at malaman kung sino ang tunay niyang mga magulang at ang rason kung bakit siya nito ibinenta.

Lumipas ang mga araw at natatagpuan na lamang ng dalaga ang sariling lumalaki ang pagkasabik na makilala ang mga magulang. Habang tumatagal, palapit na siya nang palapit na matagpuan ang mga ito. Nais din kasi niyang patunayan na lumaki siyang maayos at mayaman kahit wala ang mga iyon.

Hanggang sa isang araw, isang tawag ang halos nagpatalon sa saya kay Melay. Ito ay nang matagpuan na ng kaniyang tauhan ang tiyahin niya na nagngangalang Cecil Negros. Hindi na nag-aksaya pa ng panahon ang dalaga at agad itong pumunta sa bahay kung saan iyon nakatira.

Dikit dikit ang bahay at maingay ang paligid kung saan naroon ang kaniyang tiyahin. Nang makita siya nito, agad siyang nagpakilala sa babae na natandaan naman kaagad siya.

“Ako ho ito, ‘yong batang pinaampon ninyo sa mag-asawang Erwin at Lani Dela Cruz. Ikaw ho ba si Cecil Negros?” mahinahong tanong ni Melay.

“Hala! Ang laki mo na, ‘day! Dati isang kamay lang kita! Naku, ang ganda ganda mo na!” bati naman sa kaniya ng babae. Yayakapin sana siya nito ngunit mariin niya itong iniwasan at nagpatuloy na magtanong ukol sa kaniyang pakay.

“Kung tinatanong mo ang mga magulang mo, maganda na rin ang buhay nila,” balita naman ng kaniyang tiyahin at saka nagbigay ng address.

Matapos makuha ang kaniyang pakay, binigyan ni Melay ng sampung libo ang tiyahin at sinabihang ayaw na niya ito muling makita. Mabilis siyang umalis sa lugar na iyon sakay ang mamahaling sasakyan.

Ilang araw pa ang lumipas, sabik ang dalaga sa araw na ito dahil pupuntahan na niya ang kaniyang mga magulang na sina Gilbert at Wena Flores. Dala niya sa sasakyan ang mga grocery at bigas na ibibigay niya. Isa pa rito ay ang nakamaletang pera na nais niyang ipamukha sa mga tunay na magulang.

Liblib na ang lugar na kaniyang napuntahan at natunton din niya ang address na ibinigay ng tiyahin. Nakita niya ang malaking bahay kung saan mayroong lumabas na mga dalagita at binata na nagtatawanan habang kumakain ng ice cream. Lumapit siya sa may gate na malaki at nagsimulang magtanong.

“Tao po? Dito po ba nakatira sina Gilbet at Wena Flores?” mahinahon ang kaniyang tanong kasabay ang inosenteng ngiti.

“Opo, dito po. Tawagin mo raw sila mama saka si papa, kuya. May naghahanap sa kanila,” malakas na sigaw naman ng dalagita na kausap ni Melay.

Pinagbuksan siya ng gate ng mga iyon at akma sanang papasok na sa loob. Subalit bigla na lamang niyang nakita ang mukha ng kaniyang dating nobyo na si Arthur. Halos hindi makapagsalita si Melay nang makita ang pamilyar na mukha na iyon ng nobyo na siya palang ama niya!

Mabilis na lumisan si Melay sa lugar na iyon at nagmaneho pabalik ng kaniyang condo sa Maynila. Hindi kasi niya kayang harapin ang dating nobyo na siya palang tunay niyang ama. Habang nagmamaneho, hindi mapigilan ni Melay ang kaniyang luha dahil sa labis na pagsisisi at pandidiri sa kaniyang sarili.

Ipinamigay na lamang ni Melay ang mga grocery sa mga tao sa kalsada. Nang siya ay makauwi, lubos ang kaniyang pagsisisi na sana ay hindi na niya inalam pa ang pagkakakilanlan ng kaniyang mga magulang. Ang pagkakataong ito ang siyang gumising sa dalaga na hindi lahat ng bagay ay dapat inaalam at inuungkat pa. Dahil may mga sugat na mas lalong inuungkat, lalo lamang nagiging masakit.

Advertisement