
20 Milyong Piso ang Hinihingi ng mga Masasamang Loob sa Don Kapalit ng Buhay ng Misis Niya; Mailigtas Kaya Niya ang Buhay ng Asawa?
“Parang awa mo na… huwag ninyong sasaktan ang asawa ko! Puwede ko bang makausap si Rhodora?” nanginginig sa takot na pakiusap ni Don Facundo sa k*dnaper ng kaniyang misis na si Donya Rhodora.
Kinidnap si Donya Rhodora at kasalukuyang nakikipagnegosasyon ang mga kidn*per. 20 milyong piso kapalit ng ligtas na pagbabalik ng misis. Kung hindi raw maibibigay sa loob ng 24 oras, ipadadala nito ang pugot na ulo ng asawa.
“Sige, hindi naman ako ganoon kasama. 10 segundo…” sabi ng lalaking kausap ni Don Facundo.
“Facundo parang awa mo na, maliit na halaga lang ang 20 milyong piso, ibigay mo na sa kanila, ayoko pang mawala…” narinig ni Don Facundo na sabi ni Donya Rhodora. Umiiyak ito. Mabilis na inilayo ng kidn*per ang cellphone.
“Oh… napagbigyan na kita ha? Paano ba ‘yan. Takot na takot ang asawa mo rito dahil gaya nga ng mga sinabi ko, ulo niya ang ipadadala ko sa inyo kapag sinuway mo ang utos ko,” banta ng kidn*per.
“Oo, oo… susunod ako. Gagawan ko nang paraan. Paano ko maibibigay ang pera at paano ako makasisiguro na ligtas mong ibibigay sa akin ang asawa ko?”
“Sa lumang pabrika ng sabon, sa address na itetext ko sa iyo. Tatandaan mo: ikaw lang at wala kang isasamang kahit na sino, lalo na ang mga pulis.” at binaba na ng kidn*per ang kaniyang linya.
“Pa… anong sabi?” nag-aalalang tanong ni Frank, ang panganay niyang anak.
“Is Mama okay? How was she?” tanong naman ni Cherie, ang bunsong anak.
“20 milyon sa loob ng 24 oras mga anak,” nanlulumong sabi ni Don Facundo.
Natameme naman ang dalawang anak.
“Oh my God… ang laki…” naibulalas ni Cherie.
“Cherie? Buhay ni Mama ang nakataya rito, madali lang namang maibabalik ang pera na ‘yan, pero ang buhay ni Mama, iisa lang…” saway ni Frank.
“Bakit? Wala naman akong sinasabi ah. Totoo naman. 20 million is 20 million! Hindi ‘yan madaling kitain…”
“Magsitigil nga kayong dalawa! Shut up!”
At natahimik na nga ang dalawa sa kanilang pagtatalo.
“Hindi ito oras para magtalo-talo. The clock is ticking. Buhay ng mama ninyo ang nakasalalay. Maglalabas tayo ng pera. Ililigtas natin ang Mama ninyo mula sa kapahamakan. Frank is right. Mabilis lang nating mababawi ‘yan pero ang Mama ninyo, hindi na natin maibabalik kapag nawala na siya.
“S-Sir… mawalang-galang na ho…”
Napatingin ang tatlo sa kanilang kasambahay na si Kulasa.
“Bakit, Kulasa?” tanong ni Don Facundo.
“M-May kailangan ho kayong malaman…” nauutal na sabi ng kasambahay.
“Ano ‘yon?” untag ni Don Facundo.
“Kilala ko po kung sino ang kidn*per…”
Maya-maya ay nagkuwento na ito sa kanilang tatlo.
Makalipas ang ilang oras, nasa tagpuan na si Don Facundo. Hawak na niya ang isang malaking bag na naglalaman ng pera.
Naka-bonnet ang lalaking kidn*per at may mga kasama pa. Nakapiring at nakabusal si Donya Rhodora.
Inihagis na ni Don Facundo ang bag na naglalaman ng pera sa kidn*per. Agad nitong kinuha ang bag.
Napamura ito nang makita ang laman. Mga nakabungkos na papel. Hindi pera, kundi mga pangkaraniwang papel.
“Hayop ka! Niloloko mo ba ako? Gusto mong pasabugin ko ang bungo ng misis mo at isunod kita?!” nanggagalaiting sabi ng kidn*per sabay tutok ng baril sa sentido ni Donya Rhodora.
“Masakit ba? Masakit bang maloko, ha? Ganyan din ang ginawa ninyo sa amin, mga manloloko!” wika ni Don Facundo.
At mula sa kanilang pinagtataguan ay agad na lumusob ang mga pulis sa mga kidn*per. Wala na silang palag. Agad silang pinadapa sa semento at inutusang ihagis ang mga armas nila.
Tinanggal ng isa sa mga pulis ang mga bonnet sa mukha ng mga kidn*per, gayundin ang piring at busal ni Donya Rhodora.
Tumambad ang mukha ni Abner, ang dating personal driver ni Donya Rhodora. Ito ang lider at kumakausap kay Don Facundo.
“Facundo, mahal ko… salamat at dumating kayo…” umiiyak na sabi ni Donya Rhodora.
“Itigil mo na ang pekeng luha mo, Rhodora. Alam na namin ang lahat. Isiniwalat na ni Kulasa ang katotohanan. Ikaw ang may pakana ng palabas na kidn*p for ransom na ito. Pinagplanuhan ninyo ni Abner ang lahat ng ito upang makakuha ng pera sa akin. Si Abner na kalaguyo mo!”
Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Don Facundo sa pisngi ng asawa. Isang suntok sa mukha naman ang ipinatikim niya kay Abner.
“Tapos na ang palabas ninyo. Tapos na ang kataksilan ninyo, mga hayop!”
“Hindi totoo ‘yan, Facundo! Sinungaling si Kulasa! Sinungaling siya!”
“Nakuhanan niya kayo nang video sa cellphone niya noong nagpaplano kayo ng hayop na kalaguyo mo. Wala ka nang kawala, Rhodora. Magsama kayo sa kulungan ng kabit mo!”
Matapos ang paglilitis ay tuluyan na ngang nakulong sina Abner at Rhodora dahil sa kanilang ginawang pagkukunwaring kidn*p.
“Patawarin ninyo ako mga anak,” lumuluhang sabi ni Rhodora sa kaniyang mga anak nang dalawin siya ng mga ito sa kulungan.
Pinatawad naman ng mga anak ang kanilang ina ngunit kinakailangan nitong pagbayaran ang mga kasalanan… sa likod ng rehas na bakal ng bilangguan.

Nagtataka ang Ginang Kung Bakit Madalang Nang Tumawag sa Kaniya ang Mister na OFW; Hanggang sa Malaman Niya ang Totoo Mula sa Dating Kasamahan Nito
