Inday TrendingInday Trending
Labis na Napahiya ang Kasambahay sa Among Iniibig Niya Nang Mapalayas Siya sa Pinagtatrabahuhang Mansyon; Ikagugulat Niya Nang Muli Silang Magkita

Labis na Napahiya ang Kasambahay sa Among Iniibig Niya Nang Mapalayas Siya sa Pinagtatrabahuhang Mansyon; Ikagugulat Niya Nang Muli Silang Magkita

“Noon ko pa kasi sinabi sa iyo na pigilan mo ‘yang nararamdaman mo pero hindi ka nakinig. Langit siya at ikaw naman ay lupa na imposibleng magtagpo at magsama,” wika ng kapatid na si Lora.

“Hindi ko naman mapipigilan ang puso ko, ate. Wala, eh, nangyari na, umibig na ako sa kaniya,” umiiyak na sagot ni Hazel sa nakatatandang kapatid.

Sumegunda naman sa usapan nila ang kanilang mga magulang.

“Pasensya ka na, anak. Kung hindi dahil sa kahirapan natin ay hindi mo pagdaraanan ang ganyan,” sabi ng kanilang ina na hindi na rin napigilang maluha.

“Patawarin mo kami, anak,” sabad ng tatay nila.

“Wala po kayong kasalanan, inay, itay. Ako ang may kasalanan, trabaho lang naman dapat ang ipinunta ko roon at hindi ang mainlove sa isang mayamang amo na imposibleng magkagusto rin sa akin. Nagpakatanga lang po ako sa pag-ibig,” sagot niya.

Hindi niya napigilan ang sarili na magbalik-tanaw sa nangyari sa kanya.

Dahil sa hirap ng buhay ay naisip niyang pumasok bilang kasambahay sa mansyon ng mga Aragon, ang pinakamayamang angkan sa kanilang lugar. Mabait ang mag-asawang Don Gener at Donya Mercedes Aragon na nagawa pang pag-aralin siya sa kolehiyo dahil nakita ng mga ito na bukod sa masipag siya’y matalino rin.

Doon din niya nakilala ang lalaking bumihag sa kanyang marupok na puso, ang nag-iisang anak ng mag-asawang mayaman na si Leandro Aragon – guwapo, matalino at edukado ang binata. Napakabait din nito sa kanya kaya hindi niya napigilan ang damdamin niya na mahulog dito ngunit gaya sa teleserye ay may kontrabida sa istorya nila sa katauhan ni Shanaia na kababata ng binata. Mayaman din ito at edukada na nagpakilalang nobya ng lalaking pinakamamahal niya. Nalaman ng babae na may pagtingin siya sa kanyang amo kaya gumawa ito ng paraan para mawala siya sa landas ng mga ito, siniraan siya nito sa mga mga magulang at sa binata, pinalabas ng kontrabidang babae na isa siyang magnanakaw. Nagulat na lamang siya nang makita sa kwarto niya ang mga mamahaling alahas at pera ng mag-asawang don at donya. Napatulala siya habang malungkot na nakatingin sa kanya si Leandro at ang mga magulang na nito na halatang dismayado sa kanya. Namalayan na lamang niya na kinakaladkad na siya ni Shanaia palabas ng mansyon. Wala siyang nagawa kundi ang umiyak, ni hindi niya naipagtanggol ang sarili.

“Kasalanan mo ito, eh, kung hindi ka nagpadala sa damdamin mo ay hindi ka mawawalan ng trabaho at mahihinto sa pag-aaral,” paninisi niya sa sarili. Hindi na siya kailanman makakabalik sa mansyon, siguradong galit na galit pa rin sa kanya ang mga amo. Nagtagumpay si Shanaia na mapaalis siya roon.”

Ngunit kahit lugmok na lugmok ay hindi nawalan ng pag-asa ang dalaga. Nagpakatatag siya para sa sarili at sa kanyang pamilya. Hindi siya nagmukmok lang sa isang tabi, naghanap siya ng bagong trabaho hanggang sa nakahanap naman siya ulit. Masuwerte siyang natanggap sa isang grocery kung saan isa siya sa mga staff doon.

“Diyos ko, salamat po. Minalas man ako sa pag-ibig at sa una kong trabaho ay binigyan niyo naman po ako ng panibangong bukas para magsimula ulit,” masaya niyang sambit sa sarili. Dahil may trabaho na siya ay hindi na siya mahihinto sa pag-aaral sa kolehiyo.

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Dahil sa masipag at mahusay ang ipinapakita niya sa trabaho ay mabilis na na-promote si Hazel na kasalukuyang supervisor na. Ilang linggo na lang ay makaka-gradweyt na rin siya sa kursong edukasyon.

“Congratulations, Hazel! You made it! Sabi ko sa iyo, eh, dahil sa dedikasyon mo sa iyong trabaho kaya ka napunta sa posisyong iyan. Deserve na deserve mo iyan,” masayang bati sa kanya ng kanilang manager.

“Salamat po, ma’am. Utang ko po itong lahat sa inyo dahil kayo po ang tumanggap sa akin dito,” aniya.

Napangiti ang babae.

“Actually, hindi talaga ako ang nagpasok sa iyo rito. Si boss, ang may-ari nitong grocery ang dahilan kung bakit mabilis kang natanggap dito. Nakitaan ka niya kasi ng potensyal kaya hindi ka na dumaan sa ibang proseso gaya ng ibang empleyado rito,” sagot ng manager.

“Naku, ganoon po ba? Dapat po pala ay magpalasamat ako sa kanya, ma’am, pero kahit kailan ay hindi ko po siya nakitang pumasyal o bumisita rito. Kailan po kaya siya dadalaw rito upang personal ko pong mapasalamatan sa lahat ng tulong niya?” tanong niya.

Maya-maya ay napansin niya ang pagdatng ng isang lalaki na napaka-ayos ng pananamit.

“Narito na pala siya, eh. Siya ang may-ari nitong grocery, Hazel, siya ang boss natin,” wika ng babae.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang parating. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking iyon ang may-ari ng pinagtatrabahuhan niyang grocery.

Kitang-kita niya ang guwapong binata na boss na boss talaga ang dating sa suot na itim na suit na may kurbata pa.

“L-Leandro?”

Sa tindi ng pagkabigla ay hindi namalayan ni Hazel na nawalan siya ng malay.

Nang magising siya ay nakita na lang niya ang sarili na nasa ospital, sa isang pribadong kwarto.

Bumungad din sa kanya ang guwapong mukha ni Leandro na alalang-alala na nakatitig sa kanya. Ang lapit-lapit ng mukha nito sa kanya.

“Are you okay? May nararamdaman ka pa? Ayos ka na ba?” sunud-sunod nitong tanong.

Napabalikwas siya ng bangon sa kama.

“A, eh, o-okay na po ako, sir,” sagot niya.

Hinawakan ng binata ang mga kamay niya, may halong paglalambing.

“Sobra akong nag-alala sa iyo, akala ko’y mawawala ka ulit sa akin. Maaari bang huwag mo na akong tawaging sir?” tugon ni Leandro.

Pinamulahan ng pisngi si Hazel sa tinuran ng kausap.

“A-anong ibig mong sabihin? ‘Di ba galit ka sa akin at ang mga magulang mo dahil sa nangyari? Pero isinusumpa ko sa Diyos na wala akong kasalanan, hinding-hindi ko magagawa ang magnakaw. Ang gusto ko lamang ay malinis ang pangalan ko sa inyo,” sambit niya.

Napangiti ang binata.

“Alam kong hindi mo iyon magagawa, Hazel, dahil isa ka sa pinakamabuting tao na nakilala ko, namin nina papa at mama. Nalaman namin na ngsisinungaling lang si Shanaia nang icheck namin sa CCTV. Nakita namin na siya ang naglagay sa kwarto mo ng mga alahas at pera. Dahil doon ay nagalit sila sa babaeng iyon at kahit kailan ay hindi na nakatuntong pa sa bahay namin. At isa pa, hindi totoo na nobya ko siya, wala kaming relasyon at hindi ang tulad niya ang tipo kong babae dahil nahanap ko na ang babaeng para sa akin,” tugon ng binata na mas nilambingan ang paghimas sa kanyang mga palad.

Nakaramdam ng kilig si Hazel sa ginagawang iyon ni Leandro.

“Sobrang nalungkot sina mama at papa nang mawala ka sa amin, lalo na ako, Hazel, na halos mabaliw nang mawalay ka sa piling ko. Aaminin ko sa iyo na matagal na kitang gusto, hindi ko sinabi sa iyo noon dahil hindi ka pa tapos sa pag-aaral mo, ayokong maka-abala o makasira sa pangarap mo kaya gumawa ako ng paraan upang makabawi sa iyo. Ako ang dahilan kung bakit ka nakapagtrabaho rito sa grocery na pagmamay-ari ko. Alam kong dahil sa nangyari ay mahihiya ka nang bumalik sa amin kaya nang malaman kong nag-apply ka rito ay agad kitang pinatawagan sa staff ko para dito ka magtrabaho. Gusto kong ipagpatuloy mo ang iyong pangarap at ngayong makaka-gradweyt ka na ay maaari na sigurong ipagpatuloy ko ang nararamdaman ko sa iyo? Puwede na ba akong manligaw?” bunyag ni Leandro sa kanya.

Nandilat ang mga mata ni Hazel, hindi niya akalain na gagawin iyon ni Leandro sa kanya at mas lalong hindi siya makapaniwala na mamahalin din siya nito sa kabila ng malaking agwat ng kanilang estado sa buhay.

“O, Leandro, ang akala ko’y hanggang pangarap na lang kita,” naluluhang sabi ng dalaga.

“Totoong-totoo ito, mahal ko,” sinserong sagot ng binata sabay halik sa kanyang mga labi.

‘Di nagtagal ay ikinasal ang dalawa at masayang namuhay kasama ang tatlo nilang anak.

Ang dalawang umiibig, paghiwalayin man ng pagkakataon ay muling pagtatagpuin dahil ang tunay na nagmamahalan ay sadyang itinadhana para sa isa’t isa.

Advertisement