Ang Tunay na Gantimpala

Tuwing gabi, sa madilim na bahagi ng kalsada ay makikita si Buboy kasama ang iba pang batang lansangan. Marurungis at gutom. Wala silang ginagawa kundi ang mamalimos para may ipanglamang tiyan. Maghapon na nakasahod ang palad para sa kakarampot na barya.

Mag-isa na lang sa buhay si Buboy. Matapos pumanaw ng kanyang ina ay muling nagkaroon ng pamilya ang kanyang tatay. Ngunit ang bago nitong pamilya lalo na ang kanyang madrasta ay sadyang malupit sa kanya. Bukod sa tinitipid siya sa pagkain ay sinasaktan pa siya ng pisikal. Hindi niya iyon masabi sa kanyang tatay dahil natatakot siyang di paniwalaan o di kaya ay maging dahilan ng hiwalayan. Kaya’t isang gabi, naisip na lang niyang tumakas.

Dala ang ilang piraso ng damit at kanyang alkansiya ay tumulak siya patungo sa lungsod ng Maynila. Akala niya ay magiging madali ang kanyang buhay ngunit nagkamali siya. Ilang araw lang tumagal ang kanyang pera. Sinubukan niya ang maghanap ng kahit na anong trabaho ngunit ayaw siyang tanggapin dahil bata pa siya. Sa edad na 13 gulang, ay masyadong maliit si Buboy.

Minsan ay naiisip na lamang niya umuwi, ngunit sa takot ay pinili na lang na manatili.

“Kuya Buboy, nagugutom ako.” Lumapit ang isang maliit at payat na bata. Si Nina. 6 na taong gulang pa lamang ito, mas bata sa kanya. Iniwan ito sa may simbahan. Nakita niya ito at tinulungan hanapin ang magulang ngunit wala.

Basta pa kasi kaya’t hindi pa sanay sa buhay na mayroon sila.

Mula noon ay sumama na ito pansamantala sa kanila at siya muna ang tumayong kuya nito.

“Ang sakit ng tiyan ko, Kuya.” Anito habang hawak ang maliit na sikmura. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa semento.

Advertisement

Di bale na kung siya lamang ang gutom dahil sanay na sanay na siya, ngunit hindi maaari si Nina. Hindi ata maaatim na konsensiya niya na makita ito sa parehong kalagayan.

“Sige, diyan ka na muna. Hahanap muna ako ng makakain mo. Babalik ang kuya, okay?” sa wakas ay desisyon niya. Masuyo niya pang hinaplos ang buhok ng batang tinuturing niyang kapatid.

Kaya naman, mag-isa ay binaybay niya ang kahabaan ng kalye. Yakap ang kanyang sarili ay bigo ang kanyang nararamdaman. Malamig na naman ang simoy ng hangin, malapit na naman ang pasko. Minsan ay naiisip niya na umuwi na lang, lalo na sa ganitong panahon ngunit hindi na.

Tinignan niya ang nalimos na barya, walong piso.

Ano ang mabibili niya sa otso? Napapikit siya at napatingin sa langit. Sana ay makatalisod siya ng swerte, naisip niya.

Nang dumilat siya ay muli siyang naglakad. Sa madilim na kalsada ay nadapa ng may maapakang kung ano. Mabilis siyang tumayo, at nagulat ng makita ang isang bag!

Alerto siya at tumingin sa paligid. Walang tao, tanging siya lang.

Dahan-dahan niya itong kinuha at sa nanginginig na kamay at tinignan niya ang laman. Nanlaki ang kanyang. Ngayon lang ata siya nakakita ng napakaraming pera. Puro tag-i-isang libo at limang daan ang laman.

Advertisement

Hindi niya alam ang gagawin. Parating sinasabi ng kanyang ina noong nabubuhay pa siya na maging matapat palagi. Ngunit nang maalala si Nina ay bahagya siyang nalito sa kung ano ba ang dapat niyang gawin.

Pwede mo naman gastusin na lang. Walang ibang makakaalam. Parang demonyo ang kanyang isipan.

Hindi, Boy. Masama ang bagay na iyon.

Tinignan niya ang bag, inisip ang mukha ni Nina, ang barya sa kamay at ang kumakalam na sikmura. Tumayo siya habang buong ingat na bitbit ang bag.

“Pabili ho nito,” Aniya sa tindera.

Pinagsaluhan nila ni Nina ang pagkaing nabili. Kinabukasan ay maaga si Buboy. Ginising niya si Nina na mahimbing pa rin ang tulog habang nakahinga sa karton.

“Kuya, san tayo pupunta?” tanong nito at napungas-pungas pa.

“Mamamasyal tayo,” sagot niya rito.

Advertisement

Panay ang tanong ni Nina sa kanya habang naglalakad sila. Dala niya ang bag ng pera hanggang sa makarating sila sa presinto. “Kuya, bakit tayo nandito?” Humawak ito sa kanyang damit. Akala siguro ay ibabalik na niya.

“Sir.” Maliit ang kanyang boses.

Liningon siya ng dalawang pulis na nag-ussap.

“Ano yon, bata?”

Kinuha niya ang bag na dala at inilahad sa mga ito. Nagkatinginan ang dalawa. “Nakita ko po kagabi.” Sinabi niya ang eskinita kung saan niya ito natagpuan maging ang buong pangyayari.

Nagpahayag ng paghanga ang mga pulis sa katapatan ni Buboy. Ilang minuto lang rin ay dumating ang isang humahangos na lalaki. Ang may-ari ng bag! Tahimik lamang si Buboy at Nina.

“Salamat ho, sir! Salamat ho talaga!” bakas ang ligaya nito.

“Nako sir, wag ho kayo sa amin magpasalamat, kundi sa kanya,” anang isang pulis at itunuro ang dalawa.

Advertisement

Nagkatinginan sila ni Buboy.

Agad na nanlaki ang kanilang mata pereho at nanubig. Kasabay ng pagtulo ng luha ay ang pagyayakap nilang dalawa.

“Tay!”

“Buboy, anak ko.”

Sa araw ding iyon ay umuwi si Buboy sa kanyang tahanan. Isinama nila si Nina na naging kapatid na rin niya.

Ipinaliwanag ng kanyang ama na hinanap siya nito sa nagdaang taon at naghiwalay na sila ng dati niyang asawa matapos nitong madiskubre ang ginagawa sa kanya. Masaya si Buboy. Tama ang kanyang ina, mas pinagpapala ang matapat. Pamilya ang biyaya at tunay na gantimpala ng langit.