Inday TrendingInday Trending
Isang Himala na Napagtagumpayan ng Lalaki ang Pag-aagaw Buhay; Magbago na Kaya ang Direksyon ng Kaniyang Buhay?

Isang Himala na Napagtagumpayan ng Lalaki ang Pag-aagaw Buhay; Magbago na Kaya ang Direksyon ng Kaniyang Buhay?

Pagkagising ni Rio sa umaga, agad na umalingawngaw ang kaniyang tinig sa buong eskinita. Ito ay matapos niyang makitang nawawala ang isang libong piso na buo sa kaniyang wallet. Mabilis niyang pinuntahan ang sala kung saan naroon natutulog ang kaniyang mister na si Ronald.

“Hoy! Lalaki ka! Gumising ka diyan, gising!” malakas na sigaw ni Rio sa mister habang patuloy niya itong tinatapik nang malakas kasabay pa ang pagsipa sa katawan nito.

“Ano na naman ba?! Natutulog ‘yung tao!” galit naman na tugon ng noo’y kakagising lamang na si Ronald.

“Nasaan na ang pera ko? Kinuha mo na naman! Walang hiya ka talaga! Wala ka na ngang kwenta, panay pa ang pagbibisyo mo at talagang nagnanakaw ka pa sa akin!” galit na galit naman si Rio at patuloy na pinaghahahampas ang kaniyang mister na mabilis na bumangon ng mga oras na iyon.

“Isang libo lang, napakadamot mo naman! Pinambili ko lang naman ng pagkain!” huling sambit ni Ronald at saka mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Naiwan naman si Rio na sumasakit ang ulo, kaaga-aga. Nalulong kasi sa bisyo ang kaniyang mister, sa pagsusugal, pag-iinom, paninigarilyo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Tatlong taon na rin itong walang trabaho at patuloy na nagpapasakit ng ulo ni Rio na kaniyang misis ng dalawampung taon na. Ang kanilang anak ay bumukod na sa kanila dahil maaga itong nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral at ngayon ay namumuhay nang mag-isa.

Samantala, sa bawat araw na lamang na nagdaraan sa buhay ni Rio, parati niyang pinapalayas ang mister dahil sa gawain nito. Hindi na kasi niya ito binibigyan ng pera mula sa padala ng kanilang anak at pagtitinda niya. Baka lamang raw kasi mas lalo lamang itong malulong sa kaniyang bisyo. Subalit halos araw-araw naman ito kung magnakaw sa kaniya.

Noong araw rin na iyon, naipatalo ni Ronald ang isang libo ni Rio na dapat sana ay ibabalik rin niya. Subalit kabaligtaran ang nangyari. Nakitulog na lamang si Ronald sa isa sa kaniyang mga kaibigan dahil halos kakauwi lang din niya nung mga oras na iyon.

“Bwisit talaga yung matandang yun! Natutulog yung tao, manggigising nang basta basta lang. Mabuti sana kung ilang daang libo na ang kinuha ko, isa lang naman pero kung makasigaw akala mo hindi ko siya pinakain nang matagal noong may trabaho pa ako!” himutok ni Ronald hanggang sa tuluyan na siyang makatulog.

Dumaan pa ang mga araw na patuloy ang pamumuhay ni Rio na labis ang pananakit ng kaniyang ulo dahil sa asawa. May mga oras din na pinapatawag siya sa barangay dahil mayroong ninakaw si Ronald na kailangang bayaran at may mga pagkakataon din naman na kamuntikan ng makulong ang mister. Subalit lahat ng ito ay kaniyang tinitiis dahil naniniwala si Rio na balang araw ay magbabago pa ang mister.

Isang hapon, mabilis na natakbo si Ronald mula sa mga humahabol sa kaniyang mga tanod. Bitbit niya ay kahon ng mamamahaling sapatos na kaniyang ninakaw sa may-ari ng isang pagawaan ng sasakyan. Karipas ang kaniyang takbo habang pasipat-sipat sa kaniyang likuran. Nang siya ay tatawid na sa kalye, isang malaking truck ang mabilis din na bumangga kay Ronald.

Dahil sa pagkakabangga, Naiwang nag-aagaw buhay si Ronald sa isang ospital sa kanila. Malaki man ang gastusin, ayaw pa ring sumuko ni Rio para sa asawa.

“Mam, mas mainam po siguro kung hayaan na nating mamaalam si mister dahil mahigit tatlong buwan na po siyang walang malay,” malumanay ang tono ng isang social worker na kumakausap kay Rio sa ospital.

“Hindi! Hindind hindi ako susuko! Ano’ng gusto mong mangyari? Hayaan ko ang asawa ko na ganoon na lang?! Hindi!” matigas si Rio na ayaw pa ring pakawalan si Ronald hanggang dulo.

Dumaan pa ang ilang mga linggo, sa kalagitnaan ng pagdarasal ni Rio, isang tawag mula sa doktor ang kaniyang natanggap.

“Si Ronald po, gising na,” magandang balita ng doktor.

Agad na tumakbo papuntang ospital si Rio upang kamustahin at kausapin ang asawa. Niyakap niya ito nang mahigpit at saka tiningnan ang katawan nito. Maayos ang pag-iisp ni Ronald, ang kaniyang kalagayan ay para bang walang pinagdaanan, ang mga sugat niya ay naghilom na rin. Ilang araw pa ang lumipas ay napagtagumpayan ni Ronald ang pag-aagaw buhay. Muli siyang bumalik sa piling ni Rio kung saan inaasahan ng lahat na matututo na ang lalaki.

Ilang linggo pa lamang ang lumipas, muling pinatawag sa barangay si Rio dahil sa kasong pagnanakaw ni Rio. Nangungupit itong muli ng pera sa kaniya at bumalik sa kaniyang mga bisyo- alak, sigarilyo, sugal at dr*ga. Muli na namang sumakit ang ulo ni Rio dahil sa mga kagagawan ng kaniyang mister. Marami ang nagsasabi na sana raw ay hinayaan na lamang niyang yumao ang mister.

Isang gabi, habang naglalakad pauwi si Ronald, muli sana siyang kukuha ng pera sa wallet ni Rio nang makita na bukas ang bahay. Nang makita ang wallet ng misis, kumuha siya rito ng ilang libo at binalik ito sa lalagyan. Kahit na madilim, lumapit siya sa asawa upang halikan ito. Subalit nang makita niya ang asawa, wala na itong buhay.

Isang grupo ng mga lalaki na may atraso si Ronald ang walang awang tumapos sa buhay ni Rio. Habang inililibing ang kaniyang asawa, naiwan namang luhaan at puno ng pagdadalamhati si Ronald. Kung sana ay nagbago na siya, hindi na sana kailangan mawala pa ni Rio na walang ibang ginawa kundi mahalin siya at patunayan ang kanilang sinumpaang pangako sa harap ng altar. Nagpasya si Ronald na iwan na ang buhay na lulong sa bisyo at magsimulang muli katulad ng hiling ng kaniyang asawa.

Advertisement