Dinispatsa ng Lalaki ang Tiyuhing Alagain; Nakaririmarim na Parusa ang Naghihintay sa Kaniya
Ulila na si Berto, wala rin siyang trabaho at dating ad*k. Nahinto lang siya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot nang tumira siya sa tiyuhin niyang si Pancho.
Ang matanda ang natitira niyang kamag-anak, wala itong asawa’t anak kaya walang makikinabang sa maiiwan nitong ari-arian. Negosyante ang tiyuhin niya na nagmamay-ari ng malaking babuyan, bakahan at manukan sa probinsya. Mayroon din itong pabrika ng tela at maliit na puwesto sa palengke. Dahil sa wala nang ibang maasahan ay pinakiusapan ng matanda ang pamangkin na alagaan ito at sa bahay nito manuluyan.
Sino ba siya para tumanggi? Wala naman siyang ibang gagawin kundi pakainin, paliguan, palitan ng damit, painumin ng gamot ang tiyuhin na nakaratay na lamang sa higaan nito. Otsenta y singko anyos na ito, na-stroke at hindi na nakakabangon. Literal na lantang gulay na ito.
Pero kahit pag-aalaga na lang ang kailangan niyang gampanan sa matanda ay naiinis pa rin siya at gigil dito dahil para sa kaniya ay pabigat lang ito.
“Berto, hijo, dumumi ako!” sabi nito.
“L*ntik namang buhay ito, o! Kahit kailan ay perhuwisyo ang matandang ito!” bulong niya sa sarili habang nililinisan ito ng pw*t at pinapalitan ng diaper. Iyon kasi ang pinaka-ayaw niyang ginagawa kaya halos isumpa niya ang tiyuhin kapag bigla na lang itong umiihi at dumudumi sa higaan.
“Kung bakit kasi hindi pa malagutan ng hininga ang gurang na ito para matapos na ang paghihirap ko. Kung hindi lang ako ang tanging nalalabing kamag-anak nito at tagapagmana ay ‘di ko ito pagtitiyagaan,” saad pa niya sa isip.
Minsan nga ay tinawag siya ng tiyuhin, oras na para kumain ito at uminom ng gamot.
“Hijo, nagugutom na ako,” anito.
“Put*ngina naman! Istorbo naman, maganda pa naman itong pinapanood ko sa TV. L*tse talaga itong amoy bulok na matandang ito,” gigil niyang sabi na napilitang tumayo sa upuan para ipaghanda ito ng pagkain.
Sa sobrang inis niya ay nagbukas lang siya ng lata ng sardinas at ‘yung tutong na kanin na dapat ay ipapakain na sa aso ay iyon ang ipinakain niya sa matanda. Dahil hirap na nitong ibuka ang bibig at hindi na maikilos ang katawan ay si Berto pa ang nagsusubo rito.
“O, tanda, lumamon ka na!” inis niyang sabi saka isinalaksak sa bunganga ng tiyuhin ang kutsara.
Pagkatapos pakainin ay basta basta na lamang niyang ibinuhos sa loob ng bibig nito ang gamot sa bote at hindi na gumamit ng kutsara. Nalimutan din niya itong painumin ng tubig. Kaawa-awa ang lagay sa kaniya ng matanda, wala lang itong magawa dahil sa karamdaman nito.
Isang gabi, dinala ni Berto sa bahay ng tiyuhin ang nobya niyang si Nenita.
“Ano ba? Wala pa tayo sa loob ng kwarto mo, baka marinig tayo ng tiyuhin mo,” hagikgik ng babae.
“Ssshhh! Huwag kang maingay, baka magising nga ang matanda,” sabi niya.
Agad niya itong ipinasok sa kwarto niya at doon nila itinuloy ang lampungan.
“Ummm! Ang bango-bango mo,” hay*k na hay*k na sabi ni Berto sa nobya habang pinaliligaya ito sa kama.
“Aaayy! Berto, may kiliti ako diyan!” halinghing naman ni Nenita.
Nasa kainitan sila nang…
“B-Berto! Berto!” sigaw ng tiyuhin sa kabilang kwarto.
Nag-init na naman ang ulo ng lalaki.
“Bwisit! Sandali lang ha, titingnan ko lang kung anong gusto ni tanda,” wika niya.
“Ano ba iyan, nabitin naman ako!” ingit ng babae.
Padabog siyang pumasok sa kwarto ng matanda at sinigawan ito.
“Ano bang kailangan mo?!”
“Napakasama kasi ng pakiramdam ko, puwede mo ba akong samahan dito ngayong gabi?” pakiusap nito.
Nagpanting na ang tainga niya at hindi na kayang tiisin pa ang tiyuhin.
“Ako’y sawang-sawa na sa iyo, tanda! Tutal, nabubulok ka na rin lang…mabulok ka na nang tuluyan!” sabi niya saka tinakluban ng unan sa mukha ang matanda. Diniinan niya talaga iyon hanggang sa tuluyan itong hindi makahinga. Saglit lang at isa nang malamig na b*ngkay ang tiyuhin niya.
“Hmp! Dapat lang sa iyo ‘yan!” bulong pa niya sa sarili.
Pagkatapos isagawa ang kr*men ay pumasok ulit siya sa kaniyang kwarto at binalikan ang nobya.
“O, anong kailangan daw sa iyo ng tiyuhin mo?” tanong nito.
“W-wala! Pinatulog ko lang nang mahimbing ang matanda,” nakangisi niyang sabi.
At itinuloy nila ng babae ang naudlot nilang pagnan*ig. Nang makaraos at umalis na ito ay saka nagplano si Berto ng susunod niyang gagawin.
“Kailangang iligpit ko na ang b*ngkay ni tanda,” sambit niya sa isip.
Dali-dali niyang ibinalot sa kumot ang labi saka dinala sa likod-bahay, sa tabi ng lumang poso.
“Ibaon ko na lang dito sa likod-bahay. Wala namang maghihinala dahil dalawa lang kaming magkasama,” aniya pa.
Pagkatapos na maidispatsa ang tiyuhin ay laking tuwa niya.
“Sa wakas, solo ko na ang bahay na ito at sa akin na mapupunta ang lahat ng ari-arian ng matanda. Dahil nasa akin naman ang mga dokumento ay madali ko nang magagawan ng paraan para mailipat sa akin ang lahat. Wala naman siyang kaibigan at kakilala rito kaya walang makakaalam na wala na siya. Sasabihin kong pumanaw na siya sa ibang lugar at doon inilibing. Mabuti na lang at walang abogado ang bobo kong tiyuhin kundi ay mabubulilyaso pa ang pagkamkam ko sa yaman niya,” natatawang sabi ni Berto sa isip.
Mula noon ay nagpakasasa na siya sa pera ng tiyuhin. Mabilis na napasakaniya ang mga negosyo nito at mga ari-arian. Nagbuhay hari talaga.
Minsan ay nagdala siya ng mga bayarang babae sa bahay niya nang hindi nalalaman ng nobya niyang si Nenita. Naisip niyang dalhin ang mga ito sa likod-bahay at sabay-sabay silang maligo sa poso. Hiniling pa niyang hiluran siya at sabunan ng mga naggagandahang babaeng kasama niya. Tuwang-tuwa ang loko!
Pero isang araw, nagulat na lang siya paggising niya…
“A-anong nangyayari sa akin?”
Nangilabot siya nang makitang tila nabubulok ang buong katawan niya. Parang naagnas ito.
Nagpasuri siya sa isang espesyalista at…
“Dok, ano po ang resulta?” tanong niya.
“Ngayon ko lang nakita ang sakit mo, hijo. Pero ang sintomas ay unti-unti kang nabubulok…at wari’y dala ng tubig ang sakit mo. Hindi namin alam anong klaseng sakit iyan at hindi rin namin alam kung ano ang lunas,” wika pa ng doktor.
“Ho?!”
Tila kinarma nga si Berto sa naging sakit niya, unti-unting nabulok ang katawang lupa niya hanggang sa ilang linggo lang ang nakalipas ay siya naman ang binawian ng buhay dahil sa kakaiba niyang sakit.
Naging palaisipan sa mga tao ang misteryong pagkamat*y ni Berto pero hindi nakaligtas ang pagsambulat ng katotohanan sa pagkamat*y ng kaniyang Tiyo Pancho. Malakas ang kutob ni Nenita na may kinalaman ang nobyo sa biglaang pagkawala ng tiyuhin nito kaya iniutos ng babae sa mga pulis na mag-imbestiga. Nagkaroon ng malawakang imbestigasyon at nabunyag nga ang ginawang kr*men ni Berto nang hukayin ng mga awtoridad ang lupa malapit sa poso kung saan ibinaon ng lalaki ang labi ng matanda. Dahil wala nang makikinabang sa naiwang ari-arian ng matanda ay mapupunta na ito sa gobyerno at kawang gawa.
Binigyan ng marangal na libing ng mga nagmagandang loob na kapitbahay ang matanda, sa wakas, nakamit din nito ang katarungan dahil pinagbayaran na ng buhay ng buhong na si Berto ang ginawa nitong kasamaan.
Sadya talagang maraming hiwaga sa mundo, nalusutan man ni Berto ang batas ng tao, hindi naman siya nakaligtas sa batas ng Diyos.