Inday TrendingInday Trending
Hindi Maipaliwanag ng Binatilyo Kung Bakit May Kakaiba Siyang Nararamdaman sa Tuwing Nakikita Niya ang Matandang Sapatero; Hindi Niya Akalain ang Kaniyang Matutuklasan

Hindi Maipaliwanag ng Binatilyo Kung Bakit May Kakaiba Siyang Nararamdaman sa Tuwing Nakikita Niya ang Matandang Sapatero; Hindi Niya Akalain ang Kaniyang Matutuklasan

Araw-araw, masayang naglalaro sa kalsada ang batang si Glenn. Anak siya ni Aling Petra na nagtitinda ng mga prutas sa palengke. May isa pang anak si Aling Petra na si Chris.

Magkapatid sa ina sina Glenn at Chris ngunit buong kapatid ang turing nila sa isa’t isa. Sumakabilang-buhay ang tatay ni Chris noon at ni minsan naman ay hindi nagkwento si Aling Petra tungkol sa ama ni Glenn. Bata pa raw ito para malaman ang tungkol sa tunay niyang tatay.

Isang araw, habang naglalaro sina Glenn at Chris kasama ng kanilang mga kaibigan, isang matandang sapatero ang napadaan sa kalsada. Nagtama ang mga paningin nina Glenn at ng sapatero. Ngumiti ito sa kaniya nang ubod tamis.

Tinanong ni Glenn ang kuya niya tungkol sa sapatero. Noong una, mukhang nagulat ito ngunit sinabi na lang sa kanya na huwag nang pansinin iyon.

“Sapatero? Ahh… ‘Di ko alam kung sino iyan. Hayaan mo na, pasa mo na yung bola,” sagot ni Chris sa bunsong kapatid.

Nagpatuloy na sila sa paglalaro ngunit hindi maikakaila na talagang may kakaibang nararamdaman si Glenn nang magtama ang mga mata nila ng sapatero. Ngayon lamang niya ito nakitang napadaan sa kanilang lugar, nahulaan niyang sapatero ito dahil marami itong dalang mga sapatos at may nakasukbit na bag sa kaniyang balikat. Gusto niya talagang malaman kung sino ang sapatero na iyon.

Dumilim na at ipinapasok na ni Aling Petra sa loob ng bahay ang magkapatid. Bago tumuloy sa bahay nila, nilingon pa ni Julio ang sapatero. Nahuli niya itong nakatingin sa kanila.

Kinabukasan, sumama si Glenn sa palengke sapagkat may pasok ang kuya niya. Sumakay sila ng nanay niya sa pedikab at dumaan ito sa kanto, kung saan nakapuwesto ang matandang sapaterong nakita niya kahapon.

Hindi umimik si Glenn ngunit napansin niyang naiwan ang tingin ng nanay niya sa matandang sapatero. Gayundin naman ang matandang sapatero.

“Bakit po, Nanay? Kilala n ‘yo po siya,” tanong ni Glenn kay Aling Petra.

Hindi kaagad nakasagot si Aling Petra. Tiningnan niya muna si Glenn bago nasambit ang mga salitang, “Hindi ko siya kilala”. Pagdating nila ng palengke, wala pang dalawang oras ay ubos na ang paninda ng nanay niya kaya nakauwi sila agad.

Pagkauwi sa bahay, habang naglalaro sina Glenn at Chris ng paborito nilang larong family computer ay napansin ni Glenn na patiyad na lumabas ng bahay si Aling Petra. Inakala niyang magtatapon lamang ito ng basura subalit pagsilip niya sa bintana, napansin niyang may kausap itong lalaki.

Napansin ito ni Glenn at nagpaalam siya sa Kuya Chris niya na magbabanyo lamang. Ngunit ang totoo, palihim siyang lumabas ng bahay upang makita kung sino ang lalaking kausap ng kaniyang Nanay.

“Hindi ka na dapat nagpapakita pa rito. Wala akong balak na ipakilala sa iyo ang anak mo. Umalis ka na,” mariing sabi ni Aling Petra sa kaniyang kausap. Nanlaki naman ang mga mata ni Glenn nang mapansing ang kausap ng Nanay niya ay ang matandang sapatero.

“Nais ko lamang siyang makita. Gusto ko sana siyang makilala pero alam kong ayaw mo kaya dito lang ako sa malayo. Patawad sa lahat, lubos kong ipinagsisihan ang mga nagawa ko,” sagot ng sapatero kay Aling Petra.

Agad na lumabas sa kaniyang pinagtataguan si Glenn. Nagulat sina Aling Petra at ang sapatero.

“Siya po ba ang tatay ko ‘Nay? Ang matandang sapatero sa may kanto?”

Hindi na nakapagsinungaling pa si Aling Petra sa anak.

Ipinagtapat ni Glenn sa nanay niya na nalaman niya ang pinag-usapan nila ng sapatero. Nagulat si Aling Petra at kahit nauutal, ipinaliwanag niya sa anak niya ang katotohanan.

“Alam mo ba anak, ako ang gumawa ng sapatos na paborito mo pero ngayon ay hindi na kasya sa iyo.”

Kumain na sila at natulog ngunit bago pa man tuluyang nakatulog ang ina ng dalawang bata, napaiyak siya habang iniisip kung gaano kalaki ang puso ng anak niya. Bakas sa mga mata ng bata na hindi ito nagalit sa ama niya.

Kinabukasan, dinala ni Aling Petra sa sapatero ang bunso niya at ipinakilala na niya si Mang Pablo sa anak nitong si Glenn.

Niyakap ng matanda ang anak niya habang umiiyak at humihingi ng kapatawaran. Patuloy rin siya sa paghingi ng patawad sa nanay ng bata.

Simula noon, araw-araw nang nakakadalaw ang sapatero sa bahay nina Glenn. Kahit sa labas lang sila, hinahayaang mag-usap noong una, unti-unti ay lumambot rin ang puso ni Aling Petra.

“Pasok ka rito at kumain ka muna, gutom na rin iyang si Glenn sa kakalaro diyan sa labas,” pagyaya niya sa sapatero isang hapon.

Nagpatuloy ang magandang relasyon sa pagitan nina Glenn at ng ama niya. Ni minsan ay hindi siya sinumbatan ng bata sa pag-iwan niya sa kanila.

Natutuhan na rin ni Aling Petra na patawarin si Mang Pablo sa mga naging kasalanan nito noon hanggang sa maging magkaibigan sila ulit, hindi man sila magkabalikan bilang magkasintahan.

Advertisement