Inday TrendingInday Trending
Nagtaka ang Single Dad Kung Bakit Malungkot ang Kaniyang Anak na Babae nang Sinundo Niya Ito Mula sa Paaralan; Napag-alaman Niya ang Dahilan Pagkauwi sa Kanilang Tahanan

Nagtaka ang Single Dad Kung Bakit Malungkot ang Kaniyang Anak na Babae nang Sinundo Niya Ito Mula sa Paaralan; Napag-alaman Niya ang Dahilan Pagkauwi sa Kanilang Tahanan

Sa unang araw ng pasukan sa Grade 4, nagkaroon ng gawain ang guro. Kailangang ilarawan ng bawat mag-aaral ang kanilang mga magulang, at kung ano-anong mga bagay ang ipinagpapasalamat nila dahil sa kanila. Agad na nag-isip si Chrizelle. Marami siyang maaaring sabihin tungkol sa kaniyang Daddy. Kaya naman nang tinawag siya ng kanilang guro, buong pagmamalaking tumayo si Chrizelle sa harapan ng lahat.

“Hello my baby girl, how was school?” nakangiting tanong ni Alfred sa kaniyang anak na si Chrizelle. Gaya ng nakagawian, sinundo niya ang anak sa paaralan. Tapos na ang kaniyang trabaho sa opisina. Nanibago siya sa anak. Malungkot ito.

“What’s wrong baby girl?” nag-aalalang tanong ni Alfred sa anak. Hindi kumibo si Chrizelle. Sa halip, sumakay na ito sa kotse.

Habang nagmamaneho, tahimik na inoobserbahan lamang ni Alfred ang anak. Para na itong maiiyak. Minabuti ni Alfred na dumaan muna sa drive-thru upang ibili ng kiddie meal ang anak. Alam niya ang makapagpapasaya rito. Hinayaan niya munang manahimik ito.

Pagdating sa bahay at nakakain na ang anak, saka niya ito tinanong.

“Chrizelle, anak, anong problema? Kanina ka pa tahimik? May nangyari ba sa school? Come on, magkuwento ka…” tanong ni Alfred.

“Kasi po, kanina, the teacher asked us to introduce our parents. Kaya po pinakilala po kita. I told everyone na kayo lang po ang parent ko, and hindi ko alam where Mommy is, ever since I was born,” tugon ni Chrizelle.

“Baby girl, there was nothing wrong with what you said. Tama naman. Hindi ba I told you before naman? Naging open naman ako sa iyo. May nambully ba sa iyo?” tanong ni Alfred.

Umiling si Chrizelle. “When I told them na ikaw ang nag-aayos ng buhok ko everytime papasok ako ng school, nagluluto, naglalaba, and other household chores, one of my classmates told me that you’re ga*y. Kaya pinagtanggol po kita.”

Nilapitan ni Alfred ang kaniyang anak. Niyakap niya ito. Hindi siya kumibo.

“Baby girl, it doesn’t matter naman. Hindi naman ako na-hurt sa sinabi ng mga classmates mo. Ang thank you for defending me. Saka, naging open naman ako about that hindi ba?”

“Yes, Daddy, pero I don’t like na may nambubully sa iyo co’z you are ga*y. I love you, Daddy!” sabi ni Chrizelle.

Tumalon naman ang puso ni Alfred sa mga narinig na magagandang salita mula sa kaniyang anak. Nangangahulugang naging maganda ang pagpapalaki niya rito.

Isang bisex*ual si Alfred at totoong minahal niya ang kaisa-isang babaeng minahal niya: si Criselda, na kahit alam nito ang tunay niyang gender identity at sex*ual orientation ay tinanggap pa rin siya. Discreet at manly pa rin naman kasi ang kaniyang kilos, pananalita, at maging pananamit kaya hindi naman ito halata sa kaniya. Kaya lang, may sakit sa puso ang kaniyang kasintahan, kaya nang isilang nito si Chrizelle ay binawian ng buhay.

Kahit mahirap, ginawa ni Alfred ang lahat ng kaniyang makakaya upang maalagaan at mapalaki nang maayos ang kaniyang anak. Doble-kayod ang kaniyang ginawa. Bukod sa full-time job sa opisina, nag-online selling din siya upang magkaroon ng ekstrang kita para sa pag-aaral ng anak. Mabuti na lamang at sinusuportahan siya ng kaniyang inang si Aling Bebeth na siya namang nag-alaga kay Chrizelle kapag pumapasok siya sa trabaho.

Kinabukasan, nagtungo si Alfred sa paaralan upang kausapin ang gurong tagapayo ni Chrizelle tungkol sa naganap na insidente. Humingi naman ng paumanhin ang guro, at sinabi nitong kakausapin ang buong klase hinggil sa naturang isyu, lalo na ang mga nagtawang kamag-aral ni Chrizelle sa kaniya.

Nang sinundo ni Alfred si Chrizelle, nagulat siya dahil may apat na kaklase itong kasama, na kapwa nakayuko at hiyang-hiya.

“Who are they? Hello sa inyo!” magiliw na bati ni Alfred sa mga bata.

“Daddy, these are my classmates po. They want to say something daw po,” sabi ni Chrizelle.

Bantulot man at hindi makatingin nang diretso, nagsalita ang isang cute at malusog na batang lalaki.

“Sir, sorry po sa mga nasabi namin tungkol sa inyo. We are very sorry about that,” sabi nito, na sinegundahan naman ng tatlo pa. Natawa naman si Alfred.

“Guys, I accept your apologies. Huwag na lang sana maulit, okay? Kahit sa akin or kahit na sino. Walang masama sa pagiging ga*y as long as hindi siya nakaka-hurt ng feelings ng iba,” sabi ni Alfred.

Kaya naman, umuwi silang masaya ni Chrizelle. Bago umuwi, dumaan muna sa drive-thru si Alfred upang bilhan ng paborito niyang kiddie meal ang anak. Tiyak na matutuwa ang kaniyang nobyang si Criselda sa langit dahil napalaki niya nang maayos ang kanilang anak.

Advertisement