Pinagmalaki pa ng Binatang Ito ang Ginawang Kababuyan sa Babae, Nabisto Tuloy Siya ng Pamilya Nito
“Long time, no see, mga utol! Kumusta na kayo? Ilang babae na ang nadali niyo sa loob ng limang buwang hindi natin pagkikita, ha?” tanong ni Yezzy sa kaniyang mga kaibigan, isang araw nang muli silang magkita-kita sa kanilang bahay.
“Dalawa lang, pare, hindi malakas ang karisma ko noong mga nagdaang buwan, eh,” sagot ni Jojo habang iiling-iling.
“Ako naman, wala talaga! Tumutok ako sa trabaho, eh, ito na ako ngayon, may negosyo na! Ikaw ba, Yezzy, nakailang babae ka roon sa probinsya?” wika ni Robert habang nagpipindot sa selpon.
“Hindi ko na mabilang! Pero alam niyo kung ilang taon ang pinakabata kong nadali?” sabik na sabik niyang sabi.
“Ilang taon?” sabay na tanong ng dalawa.
“Dose anyos! Inuto-uto ko lang na kapag tinulungan niya akong magtanim ng palay, ililibre ko siya. Tapos noong sumama, binitbit ko na sa likod bahay namin! Grabe, kakaiba pala ang pakiramdam kapag bata ang nadali mo!” kwento niya pa na labis na ikinagulat ng dalawa.
“Diyos ko, Yezzy, maaari kang kasuhan sa ginawa mo!” tugon ni Jojo saka bahagya siyang binatukan.
“Wala pa namang muwang ‘yong batang ‘yon! Special child ‘yon, eh, tawa nga siya nang tawa habang pinagsasamantalahan ko siya!” giit niya habang patawa-tawa pa na ikinatahimik ng dalawa niyang kaibigan.
Hayok na hayok sa mga babae ang binatang si Yezzy. Kahit saan man siya magpunta, hindi maaaring wala siyang nagagalaw na dalaga. Ginagamit niya ang kaniyang angking kagwapuhan at pagiging maboka para makuha ang loob ng mga babae.
At kapag naramdaman niyang palagay na ang loob ng babae sa kaniya, roon na niya ito yayain makipaglambingan. Kapag nakaraos na siya ng tawag ng laman, agad niya na rin itong iiwan nang wala man lang paalam.
Ganito na ang nakaugalian niya simula pa lang nang siya’y magbinata at lalo lang itong lumalala nang sila’y magkabahay sa Maynila ng kaniyang mga kababata.
Ngunit hindi pa siya rito nasiyahan dahil pati isang batang babae na walang kamuwang-muwang, hindi nakaligtas sa kaniyang pagkahayok.
Nang araw na ‘yon, habang patawa-tawa niyang dinedepensahan ang ginawang kababuyan sa bata, napansin niyang iiling-iling ang kaibigan niyang si Robert dahilan para tanungin niya kung anong problema nito.
Pero imbis na makatanggap siya ng kasagutan, hindi siya nito pinansin at agad na nag-empake ng gamit.
“O, ‘tol, uuwi ka bang probinsya? Bakit naman biglaan? Kakarating ko lang dito, eh,” sabi niya.
“Hindi mo ba alam na ang batang gin@go mo ay pinsan ko? Nakita ng kalaro niya ang nangyari pero hindi no’n matukoy kung sino’ng may sala. Ngayong narinig ko mula sa bibig mo ang ginawa mong kahayupan, kahit kaibigan kita, hindi ako magbibingi-bingihan! Imbes na ikahiya mo, pinagmalaki mo pa!” sigaw nito sa kaniya na talaga nga namang ikinabato niya.
“Te-teka lang, ‘tol, mag-usap muna tayo! Biro lang naman ‘yon!” uutal-utal niyang pagtanggi habang nanginginig ang kaniyang buong katawan.
“Biro?! Anong biro roon? Kitang-kita ko pa sa mga mata mo ang sarap na naramdaman na at tila ba nais mo pang ulitin! Hangga’t hindi ka natuturuan ng leksyon, hindi ka magtitino! Umasa kang sa kulungan ang bagsak mo!” bulyaw pa nito saka siya tuluyang sinapak. Agad namang nakiawat ang isa pa nilang kaibigang si Jojo at ito’y pinayuhang idaan sa batas ang kaniyang kasalanan.
Doon palang, sising-sisi na siya kaagad sa kaniyang ginawa.
“Hindi ko naman alam na pinsan niya ‘yon, ‘tol,” sabi niya kay Jojo.
“Kahit na hindi niya ‘yon pinsan, mali pa rin ang ginawa mo. Bukod sa menor de edad ‘yon, may problema pa ‘yon sa pag-iisip,” sabi nito saka malalim na bumuntong-hininga.
Katulad ng sabi ng kaniyang kaibigan, siya nga’y pinakulong nito. Tumibay pa ang kasong sinampa nito dahil nairecord pala nito ang usapan nilang magkakaibigan at dahil doon, patong-patong na kaso ang isinampa sa kaniya ng buong pamilya nito.
Wala nang mas lulungkot pa sa buhay na mayroon siya ngayon sa kulungan at doon niya pinangako sa sarili na kapag siya’y nakalabas, siya’y magbabagong buhay at hindi na muling gagawing laruan ang mga babae sa paligid niya.
Pinangako niya rin sa kaibigan nang makausap niya ito nang masinsin na siya’y babawi at labis na pagsisisihan ang ginawa niyang kasalanan. Tumango-tango lang ito saka siya tuluyang iniwan sa kulungan na talaga nga namang labis na nagbigay sa kaniya ng matinding pangongonsenya.