Inday TrendingInday Trending
Mababa ang Tingin ng Ginang sa Kanilang Ampon na Patpatin Dahil Puro Ito Kompyuter; Hindi Sila Makapaniwala nang Malaman ang Tinatagong Talento Nito

Mababa ang Tingin ng Ginang sa Kanilang Ampon na Patpatin Dahil Puro Ito Kompyuter; Hindi Sila Makapaniwala nang Malaman ang Tinatagong Talento Nito

Maagang gumising si Sioning para maglaba ng mga tambak-tambak na labada ng kaniyang anak at asawang abala naman sa trabaho nito. Alas dyis pa lamang ngunit tagaktak na ang pawis ng ginang na at nang makita na tambak ang hugasin at hindi pa nakakasaing o luto, muli na namang nag-init ang kaniyang ulo. Agad siyang nagtungo sa silid ng binata niyang anak at nakita itong himbing na himbing pa sa pagtulog habang nakabukas pa rin ang aircon at computer nito.

Hindi nakapagtimpi si Sioning at pinagsasara lahat ng mga umaandar na de kuryente sa loob ng silid ni Biboy. Binuksan din niya ang bintana at pinagbabagsak ang anumang mahawakan upang mabulabog ang anak na natutulog.

“Anong petsa na nakahilata ka pa rin diyan?! Bukas pa lahat, ang akala mo naman may binabayad ka! Aba, Biboy! Tirik na ang araw oh? Kahit sana maglinis ka ng kusina’t sala para naman may silbi ka dito hindi iyong puro ka na lang computer diyan! Ano bang napapala mo sa kakalaro diyan?! Sumasahod ka ba diyan, ha?!” galit na galit na sermon muli ni Sioning sa kaniyang ampon. Kaya nga ganun na lamang niya ito pagsalitaan at tingnan dahil hindi niya ito kadugo.

Hindi kasi sila nabiyayaan ng anak ni Marcos dahil may edad na rin si Sioning nang silang dalawa ay nagpakasal. Mayroon sana silang magiging anak subalit mahina ang kapit ng bata kung kaya naman ay nakunan si Sioning ng tatlong buwan pa lamang ang bata sa kaniyang sinapupunan. Simula noon, hindi na siya nagdalang tao pa at nagpasiya na lamang na mag-ampon mula sa kakilala.

Subalit lumaking batugan at patpatin ang kanilang ampon na si Biboy. Pilit nila itong pinapag-aral ngunit ayaw nitong pumasok sa eskwelahan. Mas gusto pa nitong magbulakbol at magcomputer kaysa ang pumasok sa iskul. Tampulan din kasi siya ng tukso na ampon daw siya, kaya naman, nawalan na siya ng kumpiyansa na mag-aral at makihalubilo pa sa ibang mga kasing edad niya. Ngunit sa kanilang bahay naman, ay talaga namang sakit siya sa ulo ng mag-asawa.

Pag-uwi ni Marcos ng kinagabihan, ibinalita nito na palugi na raw ang kompanya na pinagtatrabahuan niya kung kaya naman ay magtatanggal ito ng mga empleyado. At isa na nga siya sa mga empleyadong iyon na mawawalan ng hanapbuhay. Hindi nagustuhan ni Sioning ang kaniyang ibinalita kaya naman muli na anamang pumutak ang ginang sa loob ng kanilang bahay at napansin doon si Biboy.

“Puro ka laro! Laro! Laro! Mapapakain ka ba ng mga nilalaro mong ‘yan?! Aba! Eh kung ayaw mong pumasok sa eskwelahan, magtrabaho ka na lang. Para naman kahit papano ay makatulong ka sa amin. Hindi yung simula pagkabata mo hanggang ngayon eh nakaasa ka pa rin sa amin,” muling sermon na inabot ni Biboy mula sa kaniyang tinuturing na ina. Wala naman itong tugon at patuloy lang sa paglalaro ng kaniyang computer. Kung minsan ay binabawian naman siya ng ama na tunay na nagmamahal sa kaniya.

Kaya nga siya nagkaroon ng computer at hindi mapalayas ni Sioning, dahil sa tunay na pagmamahal ni Marcos sa kaniya. Ito rin ang dahilan kaya nagagawa pa ni Marcos na tumagal pa rin sa bahay kahit na puro masasakit na salita lang ang naririnig niya sa ina. Ang laki ng galit nito sa kaniya, na kung minsan ay hiniling niyang iba na lang ang nakaampon sa kaniya. Subalit hindi pa rin. Sila ang magulang na ibinigay sa kaniya, kaya dapat lamang ay maging mapagpasalamat siya sa mga iyon.

Isang umaga, naputulan ng tubig sina Sioning dahil sa tambak na bayarin sa kanilang bahay. Muli na namang umarangkada ang bunganga ni Sioning nang dahil sa kaniyang pagkainis. Sinubukan ni Marcos na pigilan ang misis hanggang sa silang mag-asawa na ang nagtalo ukol sa kanilang anak.

“E ‘di lumayas kayo dito kasama niyang ampon mong anak! Lumayos kayo ditong dalawa!” ang huling sagot ni Sioning sa pagtatalo nilang mag-asawa. Pumasok siya sa silid ni Biboy ngunit nabigla siya nang makitang wala ito doon. Napansin niya rin na nakabukas ang cabinet nito at wala ring laman. Hinanap niya ito sa buong bahay ngunit walang Biboy siyang nakita.

Kinabahan si Sioning na baka narinig siya ng anak. Kahit papaano pala ay ayaw niya ring umalis doon ang anak. Puro lamang siya galit, inis at pagbubunganga subalit hindi rin niya kayang tiisin ito. Buong araw, hinanap ng mag-asawa ang anak at pinagtanong-tanong sa mga alam nilang kakilala ni Biboy ngunit bigo sila.

Nang hapon na iyon, umiiyak na si Sioning dahil sa pag-aalala sa kaniyang anak. Sising-sisi siya na sinabi niya ang mga masasakit na salitang iyon sa anak. Hanggang sa biglang may kumatok sa kanilang pinto. Naroon si Biboy na agad na niyakap ni Sioning habang binubungangaan ito kung saan ito nagpunta. Naibaling nila ang atensiyon sa mga kasama ni Biboy na grupo ng mga taong nakasuot ng coat at itim na pantalon. Pinapasok nila ang mga iyon matapos malaman na bisita daw iyon ni Biboy.

Natameme ang dalawa matapos malaman na nakagawa raw ang kanilang anak ng isang online game at nais itong bilhin ng isang sikat na kumpanya. Malaking halaga ang iniaalok ng mga iyon at marami pang mga kumpanya na nais ding bumili sa laro na ginawa ng kanilang anak na si Biboy. Hindi makapaniwala ang mag-asawa na ang anak pala nila ang mag-aahon sa kanila sa hirap. Humingi sila ng tawad sa anak at nangako naman si Sioning na pipigilan na ang sarili na magbunganga ng masasakit na salita.

Simula noon, hindi man nakapag-aral si Biboy, naging empleyado naman siya ng isang sikat na kumpanya at naiahon niya ang kanilang buhay mula sa pagiging mahirap. Ang mas importante ay napatunayan niya ang kaniyang kakayanan at nagkaroon ng kapayapaan sa pagitan nilang magpapamilya.

Advertisement