Hiyang-Hiya ang Binata Nang Pakyawin ng Magandang Dalaga ang Paninda Niyang Sampalok; Dito Pala Magsisimulang Tumamis ang Maasim Niyang Buhay

Binatilyo pa lamang si Ron ay natuto na siyang magbanat ng buto upang buhayin ang ina at bunsong kapatid. Iniwan na kasi sila ng kanilang ama at pinagpalit sa matandang mayaman.

Mabuti na lamang at nariyan ang kaniyang Lola Ludy at Tito Ernie. Ang mga ito ang nagpaaral sa kaniya habang dumidiskarte naman siya sa pagsasideline sa isang restawran at pagtatraysikel upang may pambaon at pambayad ng upa sa bahay.

Ang kaniyang ina naman ay nagtitinda ng mga ulam sa maliit nilang karinderya kaya’t kahit papaano’y hindi na nila problema ang pangkain sa araw-araw.

“Ron, nariyan na sa paper bag ang mga paninda nating sampalok. Baka makalimutan mong ilako,” bilin ni Aling Karina.

Kada Lunes ay nilalakad ni Ron mula Monumento hanggang Katipunan upang maubos ang ibinebentang sampalok.

Nang madaanan niya ang isang eksklusibong paaralang pambabae ay napalingon siya sa isang magandang babae. Kasama nito ang kaniyang mga kaibigan at nakatingin din ang mga iyon sa kaniya.

“Ang guwapo oh, pakyawin na kaya natin ang tinda niya?” saad ng magandang babae.

Napalunok si Ron sa narinig.

Advertisement

Ang isang makinis, maganda at mukhang mayaman na babae ay sinabihan siyang guwapo.

Halos matunaw si Ron sa kahihiyan. Pawid na pawis na siya at amoy araw pa. Nanlilimahid na rin ang kaniyang mga paa dahil sira na ang suot niyang tsinelas. Kaya naman nagmamadali siyang umiwas sa grupo.

“Kuya! Pabili naman,” nakangiting bati ng babae.

“Naku, papakyawin nga ni Ricka ang paninda ni pogi,” panunukso ng isa pang babaeng may maamong mukha.

“50 po ang isang supot,” hiyang-hiyang sagot ni Ron.

“Ilan ba iyan? Wait, bilangin ko,” saad ng dalagang si Ricka.

Habang nagbibilang ay nagtama ang mga kamay nila at tila may kuryenteng tumama sa balat ng binata. Lalo naman siyang namula at pinagpawisan.

“Ito 30 na balot. 30 x 50. 1500 pesos lahat. Akin na to lahat,” nakangiting usad ng dalaga.

Advertisement

“Ah, eh… Naku, maraming salamat ganda… Ah eh, ma’am pala,” uutal-utal na sagot ng binata.

Tilian ang mga estudyante sa nasabi ng binata at pinagkikiliti ng mga ito si Ricka.

Kilig na kilig naman ang dalaga.

“Kuya, pahingi naman ng number mo para kapag gusto naming umorder ng sampalok ay itetext ka na lamang namin,” malambing na wika ni Ricka.

Kahit pinagpapawisan at marumi ang kamay ay agad nang dinutdot ng binata ang selpon ng dalaga at inilagay ang numero niya dito.

“Ron pala ang name mo, Ricka nga pala.”

Nang paalis na ay kinindatan pa siya ng dalaga habang nakangisi naman ang mga kasama nito.

Nang makauwi na’y ‘di pa rin makapaniwala si Ron sa nangyari. Naalala niyang binigay niya pala ang numero ng nanay niya sa babae at agad hiniram ang selpon ng ina.

Advertisement

“May nagtetext sa ‘yo kanina pa, anak. Oorder daw ng 100 balot na sampalok. Naku, anak. Malaking tulong iyan sa atin, maraming salamat sa sipag mo, anak,” wika ni Aling Karina.

Napangiti si Ron sa narinig.

Mula noon ay hindi na niya naisoli pa ang selpon ng ina sapagkat walang katapusan ang pagpapalitan nila ng text ng dalaga.

At dahil inspirado ang binata ay sinubukan niyang mag-apply sa isang call center na tumatanggap ng mga working students.

Agad siyang natanggap at kasabay noon ay sinagot siya ni Ricka.

Ngunit gaya ng ibang relasyon ay napuno ng pagsubok ang kanilang pag-iibigan nang ipakilala ni Ricka si Ron sa kaniyang pamilya.

Palibhasa’y mayaman ay hindi nagustuhan ng mga ito si Ron. Tuwing nagmamano siya sa mga magulang ni Ricka ay nilalayo pa ng mga ito ang kamay nila sa binata. Dahil doon ay nagsimulang pag-awayan ng dalawa ang kanilang magkaibang estado sa buhay.

Napagod na rin si Ricka na ipagtanggol sa mga magulang niya si Ron at napagod na rin si Ron na patunayan ang sarili sa mga ito. Kaya’t nagdesisyon silang maghiwalay.

Advertisement

Nang makapagtapos ng pag-aaral ang dalawa ay parehas silang nagkaroon ng kani-kaniyang kasintahan ngunit ‘di maipagkakailang mahal pa rin nila ang isa’t-isa.

Dahil sa sipag ni Ron ay nakabili ito ng sasakyan at bahay para sa kaniyang ina. Ang bunsong kapatid naman niya ay isa nang ganap na abogado.

Isang araw ay nagpasya ang magkapatid na ipasyal ang kanilang ina at bilhan ng mga bagong damit.

“Sir, ito bagay na bagay sa mommy mo. Pang-donya,” wika ng saleslady. Pamilyar ang mukha nito.

“Sir, kamukha po ninyo yong ex ng kaklase kong si Ricka. ‘Di nga po siya maka-move on doon. Hanggang ngayon ay single pa s’ya. Nagtitinda po iyon ng sampalok sa Katipunan. Wala na nga lang akong balita sa kaibigan ko kasi hindi na ako nakapagtapos ng college,” wika ng babae.

Nanlamig si Ron sa narinig at tila nabuhayan ng loob.

“Hindi ko kamukha iyon, ako mismo iyon,” nakangiting wika ni Ron.

Nanlaki ang mata ng babae at agad na hinanap sa Facebook ang kaibigan ngunit hindi na niya ito mahanap pa.

Advertisement

“Ang tagal ko na siyang hinahanap pero hindi ko din alam kung paano siya kokontakin,” malungkot na sagot ni Ron.

Nakayukong umalis sa establisyemento ang binata.

Dahil tuliro at lutang ang isip ay nabangga nito ang babaeng papasok sa mall galing sa parking lot.

“Sorry, mi…”

“Ron???”

Matapos ang mahabang panahon ay narinig muli ni Ron ang tinig ng babaeng pinakamamahal.

Agad silang nagyakapan nang mahigpit. Kaytagal nilang nangulila sa isa’t-isa.

Nalaman ni Ron na sumakabilang buhay na pala ang ama ni Ricka at ang nanay naman nito ay may iba nang pamilya.

Advertisement

At dahil nga asensado na siya sa buhay ay madali na lamang niyang nakuha ang kamay ni Ricka mula sa ina at mga kapatid ng dalaga ngunit hindi ito ang naging batayan ni Ricka upang pakasalan si Ron kundi ang maigting na pagmamahal nito sa binata.

Sino nga bang mag-aakala na dahil sa panindang sampalok ni Ron ay matatagpuan niya ang wagas na pag-ibig sa katauhan ng dalagang si Ricka? Iba nga talaga kung kumilos ang tadhana!