Inday TrendingInday Trending
Pinagbintangan ang Babae ng Kaniyang Pinsan na Siya ay May Ibang Lalaki Kahit Malapit na Siyang Ikasal; Totoo Kaya ang Hinala sa Kaniya?

Pinagbintangan ang Babae ng Kaniyang Pinsan na Siya ay May Ibang Lalaki Kahit Malapit na Siyang Ikasal; Totoo Kaya ang Hinala sa Kaniya?

Sa simula pa lang ay nakasuporta na kay Liezel ang kaibigang si Joey. Kahit na magkasama na sila sa isang kumpanya ay palagi pa rin itong nasa likod niya.

“Dalawa lamang kaming candidate para maging sales manager. Gusto ko nang magback-out kasi parang hindi kaya ang posisyon,” wika ng dalaga.

“Bakit naman? Sayang naman ang opportunity. Ang isang bagay hindi mo masasabing hindi mo kaya hangga’t hindi mo pa sinusubukan. ‘Pag ikaw ang napili at naramdaman mong hindi mo kaya, then give up the position,” tugon ni Joey.

Dahil pinalakas ng kaibigan ang loob niya ay nakapagdesisyon na siya.

“O, ano, magba-back-out ka pa rin?” tanong ng pinsan niyang si Gwen.

“Hindi na, sabi sa akin ni Joey, there is no reason for me to back-out,” sagot niya.

Sa sinabi niyang iyon ay hindi naiwasan nang kausap niya na magduda.

“Ayaw ko sanang maniwala na may affair ka kay Joey dahil bawal at alam mo ring bawal talaga,” sambit pa ng kaniyang pinsan.

Natigilan si Liezel. Nakakahalata na ito na sobrang malapit sila ng katrabaho niyang si Joey. Iba kasi ang trato nito sa kaniya kaysa sa iba na parang hindi ginagawa ng isang kaibigan lang.

Tulad noong nakaraang araw, nagulat si Liezel sa nakapatong sa mesa niya.

“Card and roses…” aniya.

Nang basahin niya ang card ay isang nakakikilig na mensahe ang nakasulat.

“Good morning. Start your day with a smile in your heart,” nakalagay sa sulat.

“Very thoughtful talaga siya,” sambit ni Liezel sa isip.

Si Joey ay parang anino na palaging nakabantay sa kaniya, na palaging nagbibigay sa kaniya ng tapang.

“Hanggang may buhay, ‘di dapat mawalan ng pag-asa ang tao. Kahit anong problema pa ang dumating,” natatandaan niyang sabi nito sa kaniya nang minsang namamasyal sila sa parke.

“Kahit ang problema ay ‘di na kayang dalhin?” tanong niya.

“Kahit bagsakan ka man ng mundo, dapat na kayanin dahil buhay ka pa. Dahil may lakas ka pa para lumaban,” saad pa ni Joey.

At muling bumalik ang gunita ni Liezel sa kasalukuyan. Napagtanto niya na iba si Joey sa mga kaibigan niyang lalaki. Napakalambing nito, maaruga at kaya siyang ipagtanggol anumang oras ngunit…

“Oy, Liezel baka nakakalimutan mo nang ikakasal ka na kay Dennis,” wika ni Gwen.

Napabuntung-hininga ang dalaga.

“Hindi ko naman maaaring kalimutan iyon, Gwen. Hindi pa man siya umaalis papuntang Dubai ay napagkasunduan na naming magpapakasal na kami kaya’t pagbalik niya ay magpapakasal na kami,” tugon niya.

“Ganoon naman pala, eh, bakit ipinagpapatuloy mo pa rin ang pakikipaglapit kay Joey? Bakit gusto mo pa ring namamangka ka sa dalawang ilog?” tanong ng pinsan niya.

Muling natigilan si Liezel. Bumalik ulit ang alaala niya nang minsang kasama si Joey. Namamasyal pa rin sila sa tagpong iyon.

“Tingnan mo, Liezel ang sasaya ng mga bata, ano? Hindi ako ganyan kasigla noong bata pa ako kasi sakitin ako. Lagi nga akong absent sa eskwela kasi lagi akong nag-e-LBM. Ang tawag nga sa akin ay Mr. T,” wika ng lalaki sabay turo sa mga batang naglalaro sa parke.

“Bakit naman Mr. T?” tanong niya.

“Mister Ta*hin!” natatawang sagot ng lalaki.

“Sira ka talaga!” sambit niya na hindi na rin napigilang mapahagalpak ng tawa.

Pakiramdam ni Liezel ng mga oras na iyon, kapag nasa tabi niya si Joey parang kaya niyang labanan ang lupit ng mundo, pakiramdam niya’y lagi siyang ligtas.

“Masayang-masaya ako kapag kasama kita, Joey,” aniya.

“Ako rin, masayang-masaya kapag kasama kita, Liezel,” tugon ng lalaki.

Nang bumalik ulit ang gunita ni Liezel ay hindi niya inasahan ang muling sasabihin ng kaniyang pinsan.

“Hindi ko gusto ang nangyayari, Liezel. Kaibigan ko rin ang nobyo mo, hindi ko gusto ang ginagawa mong panloloko kay Dennis,” wika ng pinsan niya.

Bumuntung-hininga muli si Liezel bago nagsalita.

“Sumama ka muna sa akin, Gwen,” aniya.

Isinama niya ang pinsan sa lugar kung nasaan si Joey.

“Bakit dito mo ako dinala?” nagtatakang tanong ni Gwen.

“Dahil dito mo lubusang makikilala si Joey,” sagot niya.

Maya maya ay nabigla si Gwen nang dalhin ito ni Liezel sa harap ng isang puntod.

“P-pat*y na si Joey?” gulat na sabi ng kaniyang pinsan.

“Joey is dy*ng. Ilang araw ko lang din nalaman na malala na pala ang sakit niyang leukemia. Bago siya punamaw ay ipinagtapat niya sa akin na matagal na siyang may pagtingin sa akin ngunit pinaglabanan niya ang damdaming iyon dahil alam niyang may mahal na akong iba at malapit na akong ikasal. Pinili niyang maging magkaibigan na lang kami at nirespeto ang aking damdamin. Napakabuting tao ni Joey, napakabuting kaibigan. Mami-miss ko siya, ang mga tawa niya, ang mga advices niya. Mahina ako pero pinalakas niya ako. Tinuruan niya ako kung paano ang mag-isa, kung paano ang lumaban sa hamon ng buhay. Mahal na mahal ko siya bilang aking pinakamatalik na kaibigan,” naluluhang sabi ni Liezel.

Saka lubos na naunwaan ni Gwen ang lahat, na magkaibigan lang talaga sina Liezel at si Joey.

Matapos na mag-alay ng maikling panalangin ay nilisan na nila ang sementeryo kung saan nakahimlay ang labi ng pinamakatalik na kaibigan ni Liezel na si Joey.

“Kay igsi ng panahong nagsama tayo pero habambuhay kitang maalala, aking kaibigan,” sambit pa ni Liezel sa isip.

Masakit man para kay Liezel na nawala na si Joey, kahit kailan ay mananatili ito sa kaniyang puso at isip dahil ang pagmamahal nila sa isa’t isa bilang magkaibigan ay buhay na buhay pa rin kahit pa magkaiba na sila ng mundong ginagalawan.

Advertisement