May Itinatago Palang Dalawang Lihim ang Ina ng Binata sa Kaniya; Mabunyag pa Kaya ang Mga Ito?

Pagkababa ni Patrick sa kaniyang kotse ay napansin na naman niya ang isang matandang babaeng nakasuot ng salakot na sumbrero, na nakatanaw sa kanilang malaking bahay. Ilang beses na niya itong nakikita at natitiyempuhang lagging nakatanaw sa kanila.

“Yes po? Sino po ang hanap nila?” tanong ni Patrick sa matanda. Bagama’t estranghero ito sa kaniya, magaan ang loob niya rito, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.

“W-wala naman, n-nagagandahan lang talaga ako sa malaking bahay ninyo. Kapag napapadaan ako, hindi ko mapigilang mapangiti. Pasensiya ka na, iho,” katuwiran ng babae. May bitbit itong tray na kinalalagyan ng mga tila paninda nitong turon.

Old Vietnamese Woman

“Ay, nagbebenta ho pala kayo ng turon. Paborito ko po ang turon. Pabili po ako…” nakangiting sabi ni Patrick. Binunot niya ang kaniyang pitaka. Lumapit naman ang matandang babae. Iniabot sa kaniya ang tatlong pirasong turon; espesyal dahil may langka ito.

“Matagal na po kayong naglalako rito sa amin, “Nay?” tanong ni Patrick. Natigilan naman ang matandang babae. Hindi ito nakasagot sa tanong.

“Okay lang po ba kayo? Nahihilo po ba kayo? Tubig po ‘Nay?” nag-aalalang tanong ni Patrick.

“H-hindi naman iho. Natutuwa lamang ako dahil bumili ka ng turon sa akin. Saka may tumawag sa aking Nanay. Namimiss ko na kasi ang anak ko. Pero… wala na siya. Matagal na siyang wala. Oh siya, tutuloy na ako. Maraming salamat!” paalam ng matandang babae.

Sinundan ng tingin ni Patrick ang matanda. Pagkaraan, binuksan na niya ang tarangkahan upang ipasok sa garahe ang kaniyang kotse.

Advertisement

“Ang Mama?” tanong ni Patrick sa kasambahay pagkapasok sa bahay.

“Nasa itaas ho sir, nagpapahinga. Medyo inatake na naman po ng hika,” tugon ng kasambahay.

Umakyat si Patrick sa ikalawang palapag upang kumustahin ang kaniyang Mama, na noong una pa man ay masyadong istrikto sa kaniya. Subalit ginawa ni Patrick ang lahat upang mapalapit ang loob ditto, kahit na masungit ito sa kaniya. Ang paborito nito ay ang bunso niyang kapatid na si Kathleen. Siya naman, ang kaniyang yumaong amang si Ernesto ang may paborito sa kaniya.

Marahang kumatok si Patrick sa pinto. Pagkaraan, pumasok na siya sa loob ng silid ng kaniyang Mama.

“Ma, kumusta po? Sabi ni Manang, hinika raw po kayo?” magalang na tanong ni Patrick.

“Oo. Naparami yata ang pagkain ko ng hipon. Upo ka,” aya ng kaniyang Mama. Bakas sa mukha nito ang hirap sa paghinga, parang hinahabol. Naupo si Patrick sa tabi ng nito. Pansin niya ang pagdurusang pinagdaraanan nito sa hika.

“Ma, are you sure okay ka lang? Baka you need to be rushed to the hospital, tatawag na ako ng ambulansiya…”

“No, that’s okay. Alam mo namang ayoko sa ospital. Naaalala ko kung paano nawala ang Papa mo. Iho, kumusta ang negosyo?” pangungumusta ng kaniyang Mama. Si Patrick na kasi ang namahala sa kanilang maliit na negosyo ng pagawaan ng handicrafts na ipinadadala sa ibang bansa.

Advertisement

“So far so good, Ma. Wala kayong dapat ipag-alala,” pagtitiyak ni Patrick. Nangingilid ang luha ng kaniyang Mama.

“You’ve been the angel of this family, Patrick. Nakokonsensiya ako kapag naaalala ko kung paano ako naging malupit sa iyo noong bata ka pa. I was not a good mother to you. Naging hard ako sa iyo, anak. Hindi man ako nagiging vocal sa iyo, but I’d like you to know that I appreciate you so much,” pahayag ng kaniyang Mama. Kinakapos ito ng hininga.

Old Woman Coughing photos, royalty-free images, graphics, vectors ...

Ginagap ni Patrick ang mga kamay nito. Pinisil.

“That’s okay, Ma. I understand. Siguro talagang you trained me to be tough dahil ako ang panganay. Ako ang hahalili kay Papa. Nauunawaan ko po. Don’t stress yourself,” nakangiting turan ni Patrick sa kaniyang mama.

Bumalisbis ang mga luha sa pisngi nito.

“May k-kailangan kang malaman, Patrick. Bago man lamang ako mawala… you have the right to know,” may parang bikig sa lalamunan ang pagsasalita ni Donya Esmeralda.

Nangunot ang noo ni Patrick.

“Ma, hindi ba kasasabi ko lang, don’t stress yourself. Saka hinihika ka lang naman, bakit sinasabi mong malapit ka nang mawala…”

Advertisement

“No, I’m lying. Itinago ko sa inyo ni Kathleen ang kondisyon ko dahil ayokong magpunta sa ospital. I have lung c*ncer, terminal stage. I refused to undergo chemotherapy. Gusto ko nang sumunod sa Papa ninyo. Hindi lang ito ordinaryong hika,” pagtatapat ng Donya.

Napatayo si Patrick. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan siya ng langit at lupa.

“P-pero… isa lang iyan sa mga lihim ko, Patrick. Hindi iyan ang sinasabi kong lihim ko. Y-you have to really know… you are not my son. Anak ka ng Papa mo sa ibang babae. He had an illicit relationship at nagbunga iyon. Kinuha ka ng Papa mo sa iyong tunay na ina.”

Parang sasabog ang ulo ni Patrick sa kaniyang mga narinig. Hindi niya na alam kung saang katotohanan na siya mabibigla: sa sakit ng kaniyang Mama na itinago nito, o sa tunay niyang ina.

“P-patawarin moa ko, anak. Noong una, hindi kita matanggap. K-Kapag nakikita kita, naaalala ko ang kasalanan ng Papa mo sa akin. Pero habang lumalaki ka… natutuhan kitang mahalin bilang sarili kong dugo. P-patawarin mo kami ng Papa mo kung ipinagkait namin sa iyo ang detalye sa tunay mong pinagmulan,” lumuluhang sabi ni Donya Esmeralda.

Lumuhod ang umiiyak na si Patrick. Dinala niya sa kaniyang mga labi ang mga kamay ng kinilala at kinalakhang ina.

“Ma, wala akong pakialam kung hindi ninyo ako tunay na anak. Ang mahalaga, malaman ninyo kung gaano ko kayo kamahal. Hindi na mahalaga sa akin kung kadugo ko kayo or what. Ang mahalaga, I’m grateful that I had a mother figure like you,” umiiyak na sabi ni Patrick.

“Then, puwede na akong mawala. I’m free,” turan ni Donya Esmeralda.

Advertisement

Makalipas ang ilang araw, tuluyan na ngang bumigay ang katawan ng donya. Hindi na nito naisama sa hukay ang lihim na matagal na niyang ikinukubli. Bago mawala, nasambit pa nito kay Patrick ang pangalan ng tunay nitong ina: Alena De Dios.

Makalipas ang isang linggong pagluluksa, naisipan ni Patrick na magtungo sa kakilalang imbestigador upang ipahanap ang kaniyang tunay na ina. Pangalan lamang ang alam niya, at wala naman siyang ideya sa hitsura nito.

Pagkalabas niya sa garahe habang sakay ng kaniyang kotse, muli niyang napansin ang matandang babaeng nagtitinda ng turon. Nakatingin ulit ito sa kanilang bahay. Bumaba siya ng kotse at pinalapit ang matanda.

Asian man driving new car | Premium Photo

“Nay, pabili ako ng turon…” nakangiting sabi ni Patrick.

“Nakikiramay ako sa pagkawala ng Mama mo,” malungkot na sabi ng matandang babae.

“Paano po ninyo nalaman?” maang na tanong ni Patrick. Tila nagitla naman ang matandang babae sa tanong niya.

“Narinig ko lamang sa mga kapitbahay ninyo,” tugon ng matanda. Iniabot na nito ang turon na binili niya. Tatlong espesyal na turon.

“Salamat, Nay. Nay… ano nga hong pangalan ninyo?” tanong ni Patrick. Saglit na natigilan ang matandang babae.

Advertisement

“Lena…”

Natigilan si Patrick.

“Alena De Dios?”

Hindi kumibo ang matanda. Sa halip, tumalikod na ito at nagsimula nang lumakad. Agad na bumaba sa kaniyang kotse si Patrick. Hinarangan niyang makaalis ang matandang babae.

“Lena… Alena De Dios? Kaya ba lagi kang dumaraan dito sa amin dahil….” hindi na natapos ni Patrick ang sasabihin dahil nakita niyang nangilid ang luha sa mga mata ng matandang babae.

Hindi na kailangan pa ng salita. Alam na niya ang sagot sa kaniyang tanong. Niyakap niya ang matandang babae. Gumanti naman ito ng yakap sa kaniya. Isa lamang ang nasa isip ni Patrick nang mga sandaling iyon: babawi siya sa kaniyang tunay na ina!