Hindi Inaasahang Panauhin ang Dumating sa Bahay ni Iseng; Isang Karumaldumal ang Hindi Inaasahang Mangyayari
“Tao po?” Mahinang katok ang pumukaw sa diwa ni Iseng, singkwenta’y kwatro anyos.
Nagro-rosaryo siya nang may kumatok sa pintuan at ng kaniyang pagbuksan ay nakilala niya si Dennis, ang dating nobyo ng kaniyang anak na si Jessie.
“Oh! Dennis, ikaw pala iyan. Long time no see. Matagal-tagal na rin mula noong huli tayong magkita,” ani Iseng saka pinapasok ang hindi inaasahang panauhin.
“Oo nga po tita, may pinuntahan lang po ako d’yan sa malapit. Naisip ko na ring dumaan rito upang makamusta ka,” nakangiting wika ni Dennis.
Sa pagkakatanda ni Iseng ay halos dalawang taon na rin mula noong huli niyang nakita ang lalaki. Nalaman na lang niya noon na naghiwalay na ito at ang anak niyang si Jessie. Kung ano man ang dahilan ay hindi na niya inalam pa.
Naniniwala naman siyang malalaki na ang mga ito at alam na mismo ng dalawa ang mga dapat at hindi dapat gawin.
“Ipaghahanda na muna kita ng meryenda, hijo,” ani Iseng saka tumuloy sa kusina.
Nang mamalayan na lang niyang may mabigat na bagay ang pumalo sa kaniyang batok. Sobrang bilis ng pangyayari at hindi na niya namalayan na nakahandusay na pala siya sa sahig, nanakit ang buong katawan habang sumisigaw ng tulong.
Mabuti naman at may mga kapitbahay siyang nasa labas lang nakatambay at agad siyang natulungan. Binugb*g ng mga ito si Dennis at agad siyang tinakbo sa ospital upang magamot ang kaniyang dumudugong sugat sa ulo.
Habang ginagamot siya ng mga nurse ay saka naman dumating ang kaniyang anak na si Ace, habang nasa selpon si Jessie, umiiyak habang kausap ang kuya.
“Bakit niyo pa kasi pinatuloy ang dem*onyong si Dennis sa bahay natin mama…” humahagulhol na wika ni Jessie sa kabilang linya.
Nasa Japan ngayon si Jessie, nagtatrabaho bilang isang factory worker.
“Tama na iyang iyak mo, Jessie. Buhay pa ako at may mga sugat na natamo dahil sa pagpalo sa’kin ni Dennis, nagpapasalamat na lang rin ako’t ganito lang ang aking natamo.
Paano kung bin*aril niya ako? Baka bangk*ay niyo na akong nakikita ngayon,” ani Iseng. Nanghihina man at nanlulumo’y hindi ipinahalata sa mga anak.
“Ako na mismo ang pap*atay sa kaniya mama kapag nangyari iyon!” Galit na wika ni Ace.
“Ayokong mabahiran ng d*ugo ang kamay mo, Ace,” nanghihinang wika ni Iseng. “Pinatuloy ko siya sa bahay dahil kilala ko siya, minsan siyang naging parte ng buhay ni Jessie. Hindi ko naman lubos akalain na gagawin niya ito sa’kin.
Wala naman akong natatandaang may ginawa akong kasalanan sa kaniya. Noon namang magkasintahan pa kayo’y maayos rin naman ang pakikitungo ko sa kaniya at walang ipinakitang hindi maganda. Kaya hindi ko lubos maisip na gusto niya pala akong pat*ayin,” nanlulumong wika ni Iseng.
“Sir*aulo kasi iyang si Dennis, mama! Dapat ipa-mental iyan upang magamot. Kaya nga kami naghiwalay noon kasi sinasaktan niya ako kapag nagagalit siya. Hindi ko na sinabi sa inyo, kasi ayokong sumama ang tingin niyo sa kaniya.
Kaya mas pinili kong manahimik at inilihim ang totoong dahilan ng paghihiwalay namin. Ngayon ko nais pagsisihan ang lahat. Kung sana sinabi ko noon ang dahilan, hindi sana kayo mapapahamak ngayon,” humihikbing wika ni Jessie.
“Ipapakulong ko iyang sir*aulo na iyan! Kapag talaga may nangyaring masama sa inyo mama. Handa akong pasukin ang kulungan, maipaghiganti ka lang!” Galit pa ring wika ni Ace.
Hindi lubos maisip na nangyari ang karumaldumal na pangyayaring ito sa buhay ng ina.
“Nangyari na ang nangyari. Magpasalamat na lang tayo sa Diyos Ama, at hanggang ganito lang ang pinasalang nagawa ni Dennis sa’kin. Dapat lang rin na pagbayaran niya ang kaniyang nagawang kasalanan.
Hindi ko iuurong ang kaso, hanggang sa makamit natin ang hustisyang nararapat. Isang aral para sa lahat ang ginawa ni Dennis, huwag na huwag kang basta-bastang magtitiwala. Hindi lahat ng maamong mukha ay maamong talaga.
Madalas ay may nakatagong kasamaan ang bawat isa na pwede nating ikapahamak. Hindi lahat ng nakangiti ay totoo. Kaya kayo rin, lalo ka na Jessie, mag-iingat ka d’yan sa bansang kinaroroonan mo.
Ngayon ko napag-isip-isip na hindi dapat ako basta-basta magpatuloy ng ibang tao sa bahay ko,” mahabang realisasyon ni Iseng.
Mabigay ang ebidensya kay Dennis, dahilan upang tuluyan itong makulong sa bilibid. Lumabas rin sa korte na may sakit si Dennis sa pag-iisip ngunit hindi pa rin iyon sapat upang palayain siya. Dapat lang niyang pagbayaran ang kaniyang ginawang kasalanan upang hindi na gayahin ng iba.