Inday TrendingInday Trending
Hindi Pinapansin ng mga Hairstylists ang Isang Matandang Lalaking Kostumer na Mukhang Mahirap; Nagulat Sila Nang Malaman Kung Sino Pala Ito

Hindi Pinapansin ng mga Hairstylists ang Isang Matandang Lalaking Kostumer na Mukhang Mahirap; Nagulat Sila Nang Malaman Kung Sino Pala Ito

Masayang-masaya ang mga beking hairstylist ng sikat na salon na nasa isang commercial building. Dagsa kasi ang mga customers nila: may magpapaayos ng buhok, may magpapakulay, may magpapa-pedicure, manicure, at halos lahat ng serbisyo ng pagpapaganda. Tiyak na bumabaha na naman ng tip para sa kanila. Magalang nilang ineestima ang mga customers, mapa-lalaki at babae, dahil alam nilang pawing mayayaman at may class lamang ang nagpupunta sa kanilang salon na iyon.

Isa pa sa mga ikinatutuwa ng mga hairstylist ay ang mga guwapong customers. Nakatutuwa nga naman sa pakiramdam kapag maganda sa kanilang paningin ang kanilang aayusan. Malugod nilang inaasiste ang mga ito at inaalok pa kung may nais inumin o kainin.

Maya-maya, isang matandang lalaking matatantiyang nasa 50 hanggang 55 taong gulang ang pumasok sa salon. Napakasimple lamang ng kaniyang pananamit. Ni wala siyang suot na relo. Hindi rin siya maputi, kaya lalo siyang nagmukhang ordinaryong tao, na hindi tipikal sa salon na iyon. Hindi siya binati ng receptionist na siya ring kahera, dahil abala sa panonood ng K-drama sa kaniyang cellphone.

Hindi man lamang siya tinapunan ng sulyap ng mga hairstylists, na abala sa kanilang ginagawa, at abala sa panghaharot sa mga lalaking customers sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pag-alam kung may dyowa na ba ito o single pa.

Sa wakas, nagsalita ang security guard.

“May customer dito oh…”

Tila napabalikwas ang receptionist at saka lamang siya tinanong.

“Sir, gupit po?” tanong nito sa matanda.

“Oo sana. Pang-ilan baa ko?” tanong nito.

“Mga pangalawa pa po kayo sa listahan. Sir mahal po rito ah, 200 pesos po kada gupit may kasama na pong masahe at ahit sa bigote’t balbas,” sabi nito, at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. Ngumiti lamang ang matandang lalaki at tumango.

“Upo ho muna kayo diyan sa makikita ninyong bakanteng upuan. Pahintay na lang po na tawagin kayo.”

At naupo nga ang matandang lalaki sa isang bakanteng couch. Walang dalang kahit na ano ang matandang lalaki. Minabuti na lamang niyang pumikit upang hindi mainip.

Maya-maya, may pumasok na isang matandang babae, na batay lamang sa postura nito ay talagang may sinasabi sa buhay. Halos mag-unahan ang mga hairstylist sa pag-estima sa kaniya. Ngumiti pa ang receptionist na abala sa panonood ng K-drama at bumati nang buong galang.

Bukod sa matandang babae, nagsidatingan na rin ang iba pang mga customers na magaganda ang mga postura. Napansin ng matandang lalaki na napakainit ng pagtanggap sa mga ito, hindi kagaya kanina na tila ba wala man lamang nagnanais na mamansin sa kaniya. Sa akala siguro ng mga hairstylist, wala siyang pambayad sa kaniyang pagpapagupit.

Halos 30 minuto nang naghihintay ang matandang lalaki kaya nainip na siya. Napansin niyang sineserbisyuhan na ang mga dumating, habang siya ay naghihintay pa rin. Hindi na siya nakatiis pa.

“Miss, mawalang galang na, bakit mas nauna pa yata sila kaysa sa akin?”

Hindi maalis-alis ng receptionist ang kaniyang tingin sa cellphone niya kapapanood. Kinailangan pa niya itong kawayan.

“Ay sir… pasensiya na… pahintay lang po,” tila naiirita pa ito dahil naistorbo pa ang panonood nito.

“Kanina pa nga ako naghihintay eh… nauna pa nga sa akin ang mga bagong dating.”

Saka lamang tila parang natauhan ang receptionist. Tumayo ito sinulyapan ang mga hairstylist. Lahat ay may ginagawa at may inaayusan nang customer. Nauna pa ang mga bagong dating.

“Naku lolo, hintay na lang po ulit kayo. Mga VIP po kasi yung mga dumating kaya inuna po sila. Pero kung hindi po kayo makakahintay, balik na lang po ulit kayo sa susunod na araw,” matabang na sabi ng receptionist. Nagpatuloy ito sa kaniyang panonood.

Dito na nagpanting ang tenga ng matandang lalaki.

“Miss, tawagin mo nga ang manager mo at kakausapin ko, o kahit na sinong puwedeng kausapin.”

Dito na talaga tila napabalikwas ang receptionist. Tila nagising siya sa katotohanang nagtatrabaho siya kaya hindi dpat siya nanonood. Narinig naman ito ng mga hairstylists at iba pang mga customers.

“Eh lolo… w-wala pa po siya eh,” nauutal na sagot ng receptionist.

“Ah ganoon ba? Sige, babalik na lamang ako bukas, hindi para magpagupit, kundi para i-report ang ginagawa ninyo rito. Hindi dapat kayo namimili ng customers ninyo. Dapat pantay-pantay ang trato ninyo sa lahat. Kung ganiyan din lamang kayo, hindi ko kayo papayagang manatili pa rito,” saad nito sabay alis.

Sinundan naman nila ng tingin ang matandang lalaki. Laking-gulat nila nang pumarada sa harapan ng salon ang isang napakagarang kotse. Pumasok ang matandang lalaki rito.

Kinabukasan, pinagalitan ng kanilang manager ang receptionist at ang lahat ng mga hairstylists. Ang matandang lalaki pala na nagreklamo ay ang may-ari ng gusali kung saan naroon ang salon. Nagbabanta ito na hindi na irerenew ang kanilang kontrata nang pananatili o pag-upa sa gusali niya. Mabuti na lamang at napakiusapan ng manager at siya na mismo ang humingi ng tawad sa nagawa ng mga tao niya.

Sising-sisi naman ang receptionist at ang mga hairstylists sa kanilang ginawa. Napagtanto nilang hindi dapat tingnan at gawing batayan ang anyo, hitsura, o pananamit ng isang customer sa kung paano siya dapat tratuhin. Hindi rin ito sa laki ng tip na maaari nilang makuha. Lahat ng customers ay pantay-pantay anuman ang kanilang kalagayan sa buhay.

Advertisement