Masayang-Masaya ang Lalaki Dahil Ikakasal na Siya sa Babaeng Mahal at Ipinaglaban Niya; Subalit Natigil ang Seremonya Nang May Sumigaw

Masayang-Masaya ang Lalaki Dahil Ikakasal na Siya sa Babaeng Mahal at Ipinaglaban Niya; Subalit Natigil ang Seremonya Nang May Sumigaw

HeartbreakingLoveStories

Ilang minuto na lamang at oras na upang simulan ang kasalan nina Sixto at Angela. Hinihintay na lamang ang pagdating ni bride sa simbahan. Sumisikdo ang dibdib ni Sxto dahil isang oras nang huli si Angela. Sabi naman ng sumundong drayber, nasa daan na sila at papunta na.

“’Ma, pakisabihan naman po ang pari na maghihintay lang tayo saglit. Hindi matutuloy ang kasal kapag wala ang bride,” tensyunadong bulong ni Sixto sa kaniyang Mama.

“Relaks ka lang anak at darating din si Angela. Oo, nasabihan na namin ang pari, buti na lang mabait at hindi kagaya ng iba na nagmamadali.”

“Kinakabahan ako eh, alam naman ninyong marami na kaming pinagdaanan ni Angela. Hindi ko kakayanin kapag nawala siya sa buhay ko. Ito ang pinaka-espesyal na araw na pinakahihintay namin,” wika ni Sixto.

Inakbayan naman siya ng kaniyang Papa. “Huwag kang kabahan, Sixto. Huwag maging negatibo. Padating na si Angela. Hindi na kayo magkakahiwalay pa. Nakakulong na si Brando, at hindi na niya kayo mapagtatangkaan pa.”

Tumango-tango na lamang si Sixto. Oo, si Brando. Ang naging kontrabida sa pag-iibigan nila ni Angela. Muntik na nitong pagsamantalahan si Angela para makuha lamang; mabuti na lamang at naagapan niya. Kaya naman hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na maiharap sa dambana si Angela, na pinakamamahal niya.

Maya-maya, dumating na ang sasakyang sumundo kay Angela. Katwiran ng drayber, kaya pala sila natagalan dahil nasira ang gulong ng sasakyan.

Bumaba na si Angela. Nakasuot na ang belo sa mukha nito. Nakangiti ito sa lahat subalit nakatungo at hindi makatingin nang diretso sa lahat; marahil ay dahil sa labis na hiya dahil nahuli ang seremonya ng kanilang kasal.

“P-Pasensya na po kayong lahat, nasiraan po kami ng sasakyan,” hiyang-hiyang sabi ni Angela. Ni hindi siya makatingin nang diretso kay Sixto.

“Ayos lang hija, ang mahalaga ay ligtas kang nakarating. Magsimula na tayo…”

At nagsimula na nga ang seremonya. Naglakad na ang mahahalagang taong may kinalaman sa entourage. Sa dulo naman ay kabado at maiiyak na si Sixto; naiiyak siya sa labis na kaligayahan. Sa wakas ay masasabi na niyang kaniya si Angela at wala nang sinumang makakaagaw rito.

Nang makalakad na ang lahat ng mga taong kasama sa entourage, bumukas na ang malaking pinto ng simbahan. Nasa likod nito ang napakagandang si Angela. Bagay na bagay sa kaniya ang pangalan dahil para siyang anghel na bumaba sa lupa.

Nagsimula nang lumakad ang magandang bride patungo as altar. Siya ang pinakamagandang babae sa mga oras na iyon, ang lahat ng mga mata ay nasa kaniya, habang umiiyak naman si Sixto habang mataman siyang tinititigan.

Sa wakas, nagkaharap na rin sina Sixto at Angela.

“Napakaganda mo, mahal… pero ngumiti ka naman…” bulong ni Sixto.

“N-Nahihiya kasi ako at kinakabahan. Tara na makinig na tayo,” sagot ni Angela.

Nangunot ang noo ni Sixto. Parang kakaiba ang boses ni Angela. Hindi ito ang boses na madalas niyang marinig mula rito. Pero ipinagwalang-bahala na lamang niya, isa pa, sinabi naman nito na kabado siya.

Nagsimula na ang pari sa pagsasalita at sinabi nito, “Kung meron mang tutol sa kasalang ito ay magsalita na…”

Katahimikan.

“Mukhang wala naman po,” saad ni Sixto.

“Kung walang tutol, magsimula na tayo…”

“ITIGIL ANG KASAL!”

Napalingon ang lahat sa bandang pintuan kung saan isang babaeng nakaitim ang dumating.

Nanlaki ang mga mata ng lahat, lalo na si Sixto.

Kamukhang-kamukha ni Angela ang babaeng iyon!

“A-Angelica, anak? Ikaw ba ‘yan?” bulalas ng ina ni Angela.

“’Nay, hindi ako si Angelica. Ako si Angela. Si Angelica ang kasama ngayon ni Sixto. Maling tao ang pakakasalan mo, mahal!”

Napalingon ang lahat sa bride.

“Kaya nahuli ako sa pagpunta rito dahil pinainom ako ng pampatulog ng babaeng iyan, na matagal nang may gusto sa iyo, Sixto. Mabuti na lamang at nakita ako ng mga kasambahay kaya nagising nila ako. Ako si Angela, ako ang tunay na kailangan mong pakasalan!”

Nagsalita ulit ang bagong dating.

“Una tayong nagkakilala sa unibersidad. Hindi ba’t nagkagalit pa nga tayo dahil parehong libro ang hiniram natin sa silid-aklatan? Maniwala ka. Ako ito, si Angela. Desperada si Angelica na maagaw ka sa akin. Oo, Sixto. May kambal ako subalit sadyang masama ang ugali niya! Matagal na siyang wala sa amin dahil lumayas na siya.”

Maya-maya ay nagulat ang lahat dahil naglabas ng patalim ang bride at itinutok kay Sixto. Naghisterya ang lahat. Maging ang paring magkakasal ay nataranta.

“Lahat na lang sa ‘yo Angela, magmula sa magagandang damit, laruan, gamit, pagmamahal nina Nanay at Tatay… hindi nga ninyo ako hinabol nang mawala ako eh… hanggang kay Sixto ba naman aagawin mo pa? Ako ang unang nakakilala sa kaniya! Ako! Kami ang nakatadhana!”

Habang nagsasalita si Angelica na nagpanggap na Angela ay dahan-dahan na palang lumalapit sa kaniya ang mga pulis na naroon sa simbahan. Talagang pinakiusapan sila ni Sixto dahil natatakot nga siyang gumawa na naman ng gulo si Brando para lamang hindi matuloy ang kasalan nila.

Hinuli si Angelica at napiit. Iniurong na lamang ni Angela ang reklamo laban dito dahil sa awa sa kambal.

Natuloy rin ang kasalan nina Angela at Sixto. Wala nang makakapaghiwalay sa kanila.

More Stories