May White Lady!

“Psst, psst!” Isang mahinang sutsot ang maririnig habang dumadaan ang isang babae sa abandonadong bahay na iyon na malapit sa malaking puno ng balete.

Hindi pinansin ng babae ang narinig ngunit mapapansin sa bahagyang bumilis ang lakad nito, tila nagmamadaling makaalis sa lugar na iyon.

“Psst, psst, psst!” Ang ikalawang sutsot na ‘yun ang naghudyat sa pobreng babae upang kumaripas ng takbo papalayo sa bahay.

Kinatatakutan ang abandonadong bahay na iyon, lalo pa’t katabi nito ang isang malaki at matandang puno ng balete, na kilala sa mga nakakatakot na palabas at alamat bilang isang puno na madalas pamugaran ng masasamang elemento.

Nang mawala ang babae sa paningin, hindi mapigilan ni Renante na mapabuhanglit ng malakas na tawa. Isa isa ang magkakaibigang lumabas sa kani kanilang pinagtataguan.

Nag-apir pa si Renante at Emerson, tuwang tuwa na may nabiktima na naman ang kanilang kalokohan.

Humigit sampung taon nang magkakaibigan ang mga magkababatang sina Renante, Emerson, Anton, at Arriane. Matagal na nilang gawi na manakot ng mga dumadaan sa “haunted” na bahay na iyon.

Walang nakakaalam na pawang mga kalokohan lamang nila ang dahilan kaya kinatatakutan ang lugar na iyon.

Advertisement

Madami na silang nagawang pananakot – nandun ang ungol na isang babaeng umiiyak, iyak ng sanggol, at marami pang iba. Ang pinakapaborito nila sa lahat ay ang white lady, na pinagbibidahan ng nag-iisang babae sa barkadahan – si Arriane.

Ito ang tinaguriang “white lady sa puno ng balete.”

Kaya naman imbes na matakot ay pawang ngisi lamang ang reaksyon nila sa mga sabi sabi na pinamumugaran ng masasamang elemento ang lugar na iyon.

“Kawawa naman ‘yung babae!” Pinutol ng komento ni Anton ang malakas na halakhakan ng magkakaibigan.

“Alam mo ikaw, napaka-KJ mo talaga kahit kailan!” Irap kaagad ni Arianne sa kaibigan.

“Oo nga, pare, masyado ka namang seryoso! Biruan lang ‘to, saka hindi naman bawal ‘tong ginagawa natin. Buti nga, hindi tayo kagaya ng iba diyan, na napariwara na. Ito lang naman ang libangan natin, p’re!” Paliwanag ni Emerson sa kaibigan.

Matabang lang nang tumango si Anton sa tinuran ng kaibigan. Saglit lamang ay nagkayayaan na ang magkakaibigan na umuwi.

Nobyembre. Ito ang pinaka-inaabangan ng magkakaibigan. Mas madami silang nagagawang pananakot dahil nga dito ginugunita ang Araw ng mga Kaluluwa.

Advertisement

Nagpaplano ang magkakaibigan nang gulatin ng pahayag ni Arriane. “Hindi ako makakasama riyan. May Halloween Party si Kelly, at imbitado ako.”

“’Yan naman, matagal na tradisyon natin ‘tong magkakaibigan, bakit naman hindi ka sasama? E ‘di hindi kumpleto ang barkada!” Nakakunot noong pagtanggi ni Renante sa sinabi ng kaibigan.

“Hindi na kasi siya nakaka-excite para sa akin, dati gusto ko pa na nananakot tayo, dahil gusto ko din malaman kung makakakita tayo ng totoong multo habang ginagawa natin ‘yun, pero kahit minsan, wala naman akong naramdamang kakaiba. Kaya nakakabago na.” Mahabang paliwanag ng babae sa mga kaibigan.

Walang nagsalita ngunit kita sa mukha ng mga ito na hindi sila masaya sa desisyon ng kababata.

“O siya, aalis na rin ako, total hindi naman ako kasama diyan.” Mabilis na paalam ng babae bago tuluyang umalis.

Hindi na nito nakita ang makahulugang tinginan nina Renante at Emerson.

Nang tuluyang makaalis ang babae, tinuloy nilang magkakaibigan ang pag-uusap at doon nabuo ang planong pananakot sa kaibigan na si Arriane.

“Sigurado ba kayo? Kawawa naman si Arriane, mabilis pa naman magulat ‘yun!” Tutol ni Anton sa plano ng dalawa.

Advertisement

Ngunit dahil dalawa ang mga ito laban sa kanya, walang nagawa si Anton kundi ang magpatianod sa gusto ng mga kaibigan.

Dumating na ang pinakahihintay nilang araw. Ang Araw ng Mga Kaluluwa. Matagumpay nilang naisagawa ang pananakot, lalo na sa mga paslit na nagti-treat or trick.

Matapos ang dagsa ng mga tao, kasama ang kaklase nilang si Arra, na pumayag sumama sa kanila nang gabing iyon, matiyaga nilang hinintay ang kanilang panghuling biktima na walang iba kundi ang kababata na si Arriane.

Halos ala una na rin nang mamataan nila ang babae na naglalakad.

“Nakakabagot pala, ha?” May ngisi sa labi ni Emerson nang magsimula si Arra maglabas ng tunog na tila ungol ng isang babae.

Pigil ang tawa ng magkakaibigan nang bahagyang lumingon si Arra sa kanilang pinagtataguan. Hindi naman sila nito makikita dahil madilim.

Muling pumailanlang sa tahimik na gabi ang boses ng isang babae. Huminto si Arra at nagsalita. “Emerson! Anton! Renante! Hindi nkakatuwa, itigil niyo na ‘yan.”

Nang walang makuhang sagot ang babae, kumaripas ito ng takbo. Tila takot na totoo nga ang bali balitang may masasamang elemento doon.

Advertisement

Natapilok ang babae, at ganun na lamang ang panghihilakbot nito nang sa paglingon nito sa likod ay nakita nito ang isang babaeng nakaputi at mahaba ang buhok. At tila papalapit ito sa kanya!

Nagsitayuan ang kanyang balahibo at kahit nananakit ang paa ay dali siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon.

Samantala, ang magkakaibigan ang hindi na makahinga sa kakatawa. Mukhang nagtagumpay si Arra na matakot ang kanilang kababata.

Lumabas na sila sa kanilang pinagtataguan at handa nang habulin ang kababata nang gulatin sila ng isang malakas na tunog – tila tunog ng pagbabanggaan ng dalawang bagay.

Sunod nilang narinig ang malakas na pagtili ni Arra. “Arriane!”

Kumaripas sila ng takbo at ganun na lamang ang panghihilakbot nila nang makita ang kaibigang si Arriane na duguan at nakahandusay sa kalsada.

Bago pa sila makahuma ay muli nang umandar ang sasakyan na nakabangga sa kaibigan. Tila tumakas ang nagmamaneho sa takot sa nangyari.

“Arriane!” Hindi malaman ng magkakaibigan ang gagawin.

Advertisement

Nang makabawi sa pagkagulat si Anton ay agad itong tumawag ng ambulansiya upang ipagamot ang kaibigan.

Habang nakasakay sa ambulansiya ay makikita ang pagluha ng magkakaibigan, halatang sising sisi dahil sa kalokohan nilang nagpahamak sa kanilang kababata.

“Sorry Arriane… hindi ko naman alam na aabot sa ganito ang simpleng katuwaan lang.” Hilam sa luha ang mga mata ni Arra habang hawak hawak ang duguang kamay ng kakalase.

Sumailalim si Arriane sa operasyon. Nakahinga nang maluwag ang magkakaibigan nang ibalita sa kanila na ligtas na ang kababata sa panganib.

Nang sumunod na araw, nagising na si Arriane mula sa mahimbing na pagkakatulog dulot ng opeasyon. Sinalubong siya ng iba’-ibang prutas, bulaklak, at pagkain.

May kunot sa kanyang noo nang mamataan mga kaibigan na tila nagtutulakan, at hindi malaman ang sasabihin sa kanya.

“Ano’ng mayroon? Bakit nandito kayong lahat?” Naguguluhang tanong niya sa mga ito.

Si Anton ang nagbigay sa kanya ng mga detalye.

Advertisement

Laglag ang pangang napatingin siya sa mga kaibigan. “Kayo ‘yun? Napaka-walanghiya niyo! Natakot ako nang husto! Humanda kayo sa akin pag magaling na ako!” Pagbabanta niya sa mga kaibigan.

Napatawa naman ang mga ito, tila masaya na tila bumabalik na siya sa normal.

Si Emerson, maya-maya ay nagbigay ng suhestiyon.

“Ano kaya kung mag-sorry tayo sa mga ka-baranggay natin at aminin natin na tayo ang may nananakot sa may puno ng balete?”

Humingi ng pasensiya ang magkakaibigan sa mga ka-baranggay nila na nabiktima ng kanilang kalokohan. May mga nagalit, may mga natawa sa kanilang pag-amin, ngunit marami din naman ang nakaunawa na magkakaibigan. Dahil alam nila na dahil sa nangyari, natuto ang magkakaibigan ng napakahalagang leksiyon.