Inday TrendingInday Trending
Ninakaw ng Lalaki ang Pag-Aari ng Mangkukulam; Pagbabayaran Niya ang Ginawa

Ninakaw ng Lalaki ang Pag-Aari ng Mangkukulam; Pagbabayaran Niya ang Ginawa

Lumuwas sa probinsya si Nacario para makalimutan ang babaeng bumigo sa kaniyang pag-ibig. Sa unang pagkakataon kasi ay binasted siya ng gustung-gusto niyang babae. Napakasakit sa kaniya ng nangyari kaya naisip niyang magbakasyon muna para makalimot. Nakituloy muna siya sa malayo niyang kamag-anak na si Manang Barbara.

Kilala-kilala ang matandang babae sa barrio na iyon na napakalayo na sa kabihasnan. Magaling makisama ang matanda sa mga kapitbahay kaya marami itong kaibigan pero may lihim sa pagkatao nito na sadyang nakakakapangilabot. Isang mabagsik na mangkukulam at mambabarang si Manang Barbara.Naisip tuloy ni Nacario na humingi ng tulong sa matanda para makapaghiganti sa babaeng nanakit sa kaniya.

“Masyado akong naapi sa pag-ibig, Manang Barbara. Gusto kong makaganti kay Lizette – ang babaeng nagbalewala sa aking nararamdaman. Tulungan niyo po ako, gamitin niyo po ang inyong kaalaman sa itim na mahika,” hiling niya.

Napailing ito. “Naku, Nacario, matagal na akong nagretiro sa pangkukulam. Ayoko nang manakit ng kapwa, nagbago na ako,” tugon ni Manang Barbara.

“Pero hindi ko ipakukulam sa inyo ang babaeng bumigo sa akin, manang.”

“Eh, anong gusto mong mangyari?”

Napangiti si Nacario, iba kasi ang nais niya.

“Gusto ko lang ibigay niyo sa akin ang bumbong na ito!” sabi niya sabay kinuha ang lalagyan na pumumpuno ng kung anong insekto.

“A-ano? Ang b-bumbong ng barang?” gulat na sambit ng matanda.

“Opo, Manang Barbara, gusto kong ibigay niyo ito sa akin. Ito ang gagamitin ko kay Lizette.”

“Mapanganib ang mag-alaga niyan, Nacario. Ibigay mo sa akin ang bumbong na ‘yan!” sagot sa kaniya ng matanda na may halong pag-aalala sa mukha nito.

Nainis ang lalaki kaya…

“At kung hindi ko ibigay?” tanong niya.

“Ikapapahamak mo ‘yan, Nacario! Isang utos ko lang…dudumugin ka ng mga barang! Kaya huwag na huwag mong gagamitin ‘yan sa kasamaan kundi ay pagsisisihan mo!” banta ng Manang Barbara sa kaniya.

Dahil doon ay ibinalik niya ang bumbong sa matanda. Matapos ang ilang araw na bakasyon ay maayos siyang nagpalam kay Manang Barbara na babalik na siya sa Maynila ngunit ang hindi nito alam…

“Naisahan ko si tanda! Wala siyang kaalam-alam na nakakuha ako ng barang at aalagaan ko ang mga ito,” nakangisi niyang sabi sa isip. “Bubusugin ko ang mga insektong ito ng malatang kanin at pinulbos na luya,” saad pa niya.

Makalipas ang isang buwan ay may napansin si Nacario sa mga alaga niya.

“Aba, m-malakas silang dumami, a!” gulat niyang sabi nang makitang punumpuno na ang lalagyan ng mga insekto.

“Puno na rin ang dalawa ko pang tapayan na pinaglalagyan sa kanila. At dahil sa pag-aalaga ko sa mga ito ay naubos na rin ang ipon kong pera. Malakas kumain ang mga insektong ito! Pero ayos lang, magagamit ko ang mga ito sa aking paghihiganti kay Lizette.”

Kinagabihan, mas ikinagulat ni Nacario ang hindi niya inaasahang bisita na dumating sa inuupahan niyang bahay.

“Sinasabi ko na nga ba at sinuway mo rin pala ako, Nacario. Hindi ako nagkamali na dito ko naririnig ang huni ng mga barang!” galit na sabi ni Manang Barbara nang pagbuksan niya ito ng pinto.

“P-Paano mo ako natunton dito?!” ‘di makapaniwalang tanong ng lalaki sa biglang pagsulpot ng matanda.

“Dahil sa kaalaman ko sa mahikang itim ay mabilis kong natunton ang lugar mong ito, Nacario. At saka dahil sa kapangyarihan ko’y naririnig ko ang mg huni ng mga insektong ‘yan!” wika ni Manang Barbara.

“Bakit ka narito? Anong balak mo?” tanong ng lalaki.

“Tigilan mo na ang mga ‘yan, Nacario, mapanganib ang mga ‘yan! Huwag ‘yang gamitin sa kasamaan mo! Tumabi ka diyan at oorasyunan ko sila para mamat*y!”

Bago pa naisagawa ng matanda ang orasyon ay agad itong pinigilan ni Nacario.

“Huwag mong gagawin ‘yan, tanda!” itinulak niya si Manang Barbara kaya napaluhod ito sa sahig. Isang masamang plano ang balak niya.

“Mga barang! Inuutusan ko kayo, ang matandang ‘yan ang pat*yin niyo!” utos niya sa mga insekto.

“H-huwag!”

Isang utos lang ni Nacario sa mga alaga ay inatake ng mga ito si Manang Barbara. Napagtanto ng lalaki na tama ang matanda, lubhang mapanganib ang mga insekto dahil sumisipsip ng dugo at kumakain ng laman ng tao ang mga mababangis na barang.

Maya maya pa ay buto na lamang ang natira sa katawan ng matanda nang lubayan ng mga insekto ngunit hindi sapat ang dugo at laman ni Manang Barbara sa milyun-milyong barang kaya…

“Ha? Bakit ako naman ang sinusugod nila? Hindi maaari! Huwag!” sigaw ni Nacario na hindi na naiwasan ang gutom na gutom pa ring mga insekto. Tulad ni Manang Barbara ay buto na lang din ang natira sa katawan niya.

Pinagbayaran ni Nacario ang kabuktutan niya nang lokohin at nakawin niya ang mga barang ni Manang Barbara. Sa huli ay hindi rin nagtagumpay ang kasamaan niya kaya malupit na kamat*yan din ang kaniyang kinahantungan.

Maging leksyon sana ang nangyari kay Nacario, na huwag maghangad ng masama sa kapwa dahil mayroon itong kaakibat na kaparusahan sa takdang panahon.

Advertisement