Inday TrendingInday Trending
Halos Makuba na Si Mister Mabigyan Lamang ng Magandang Buhay ang Kaniyang Pamilya, Sa Huli’y Mapagtatanto Niyang Hindi Lang Pala Pera ang Importante sa Pamilya

Halos Makuba na Si Mister Mabigyan Lamang ng Magandang Buhay ang Kaniyang Pamilya, Sa Huli’y Mapagtatanto Niyang Hindi Lang Pala Pera ang Importante sa Pamilya

Tinanan ni Miguel ang asawa niyang si Grasya noong sila ay bente anyos lamang. Tutol kasi ang mga magulang ng babae sa kaniya dahil mahirap lamang sila at kahit pa nga nakapagtapos na sila ng kolehiyo ay mababa pa rin ang tingin sa kaniya ng mga ito.

“Mahal, natanggap ako bilang assistant manager!” saad ni Miguel sa asawa at sa kaniyang anak na nasa loob ng tiyan nito.

“Pangako, bibigyan ko kayo ng magandang buhay at darating ang araw na tatanggapin din ako ng mga magulang mo,” dagdag pa ng lalaki.

Nagpakasal ang dalawa sa huwes noong tumungtong sila sa edad na 24 anyos at ngayon ay nagdaldang tao na rin ang babae.

“Basta mahal, tandaan mo hindi ko hinihiling ang magarbong buhay. Kaya kong mabuhay na simple lang basta kasama ko kayo,” baling ng babae sa asawa sabay hawak sa kamay nito ng mahigpit.

Mayaman ang pamilya ng babae at siya lamang ang unica hija ng pamilya. Intsik ang tatay nito at Pinay naman ang kaniyang ina ngunit parehas na magagaspang ang ugali. Parati nilang sinasabi na magiging isang kahig isang tuka ang magiging buhay ng dalaga sa piling ni Miguel. Kaya naman grabe ang pagtratrabaho ng lalaki para lang mapatunayang mali ang iniisip nila.

Nagtratrabaho si Miguel sa isang insurance company, bukod sa pagiging assitant manager ay isa rin itong ahente at nagaalok rin siya ng insurance upang magkaroon ng komisyon.

Tatlong taon lang ang lumipas at agad nang nakaipon ang lalaki. Nakalipat sila sa isang condo at hindi na sa mumurahing apartment lang nakatira. Binigay din niya ang lahat ng mamahaling tatak ng gamit para sa kanilang anak.

“Mahal, ang mumura ng damit sa Shopee gusto ko mag-order doon para kay baby!” saad ni Grasya sa asawa.

“Naku, yung mga damit doon galing divisoria mainit ‘yon sa katawan ng bata, sa SM na lang tayo bibili,” sagot ni Henry sa asawa.

“Hindi lahat mahal! Alam mo ba yung ibang tinda sa SM ay galing lang rin sa Divisoria? Mas maganda pa nga doon dahil sa SM yung brand lang naman ang nagpamahal e,” baling ni Grasya sa asawa.

“Kahit na, mamaya sabihin ng mga magulang mo e damit na nga lang hindi ko pa mabigay sa anak ko,” wika ni Henry.

Hindi na lamang nagsalita si Grasya. Simula kasi noong nakapanganak siya ay pinuntahan na silang muli ng kaniyang mga magulang at aminado naman ang babae na minamaliit pa rin sila ng mga ito.

“Nakalipat na pala kayo sa condo, hangang kelan ‘to kaya ng asawa mo?” tanong ni Madam Ruth ang ina ni Grasya sabay amoy sa inuming dala nya.

“Ma, maganda naman ang trabaho at kita ni Miguel, kahit nga hindi kami tumira dito ay ayos lang sa akin,” saad ng babae sa kaniyang ina.

“E kung doon kayo tumira sa mga pinapaupahan nating apartment e di wala pa kayong bayad at mas malaki yun kesa dito,” malakas na sabi ni madam habang nasa banyo si Miguel at naliligo.

“Hayaan niyo ma, lilipat din ho kami doon pag gusto na ng asawa ko at pag tanggap niyo na rin ho ako,” bulong ni Miguel sa sarili. Kahit pa nga masasama ang ugali ng kaniyang mga manugang ay hindi niya ito kailanman sinagot ng pabalang.

Hangang sa nabuntis muli si Grasya at aminadong mas lumaki ang gastos ni Miguel at nahihirapan na rin siyang pagkasyahin ang sahod sa magara nilang pamumuhay, kaya naman naisipan ni Miguel na hindi na mag day-off.

Sa tuwing wala siyang pasok sa opisina ay lumalabas naman siya para maghanap ng kliyente.

“Mahal, halos wala ka nang pahinga, hindi ka na namin nakakasama ng mga bata. Kaya pa ba natin? Pwede naman na tayong lumipat sa mas mura dito, ito kasing condo ang pinakamalaki nating gastos,” saad ni Grasya sa asawang kakarating lang.

“Mahal, kaya pa. Diba sabi ko naman sa’yo ay bibigyan ko kayo ng magandang buhay. Kaya ko pa, busy lang talaga,” sagot ni Henry sa asawa.

“Sa kakatrabaho mo hindi ka na kilala ng mga anak mo,” baling ng babae sa mister.

“Grabe ka naman, tatay pa rin ako ng mga anak natin at may connection pa rin kami,” sagot naman ng lalaki.

“Hindi ka na nila kilala, hindi na rin kita kilala. Sumama ako sayo dati dahil sa’yo ko naramdaman ang totoong pagmamahal dahil kahit simple lang ang buhay natin noon ay araw-araw kitang nakikita, nakakasama at higit sa lahat ay nakakausap. Ngayon, hindi ka na makausap. Uuwi ka na lang para matulog at aalis sa umaga para magalmusal,” malungkot na bulong ni Grasya.

“Nagagaya ka na sa mga magulang kong mas importante ang pera kesa sa oras para sa pamilya,” dagdag pa nito.

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Miguel nang narinig niya iyon sa kaniyang asawa. Tama siya, halos inasawa na niya ang trabaho at nakalimutan na niyang may totoo siyang pamilya.

Kaya naman kinaumagahan ay hindi siya pumasok sa trabaho at laking gulat niya nang yakapin siya ng kaniyang panganay na anak at sinabing, “Yehey, andito si Daddy sa bahay! Buo ang family!”

Halos maluha siya noong narinig iyon dahil hindi niya lubos akalain na alam na ng kaniyang anak ang konsepto ng buong pamilya. Ang akala niya baby pa rin ang mga ito na hindi nakakaintindi sa mga nangyarari.

Tinignan din niya ang bunso niyang anak at nagulat siyang nakakalakad na ito ngunit ayaw sumama sa kanya, tama nga si Grasya. Hindi na siya kilala ng kanilang anak.

Kaya napagdesisyunan ni Miguel na lumipat sila ng bahay, kumuha ito ng apartment na mas mura ngunit maayos naman. May sapat naman siyang ipon para masuportahan ang pamilya at hindi na niya kailangan pang magpahambog sa mga magulang ng kaniyang misis dahil hindi iyon ang mas mahalaga, mas mahalaga ang makasama niya ang kaniyang pamilya lalo na’t minsan lang maging bata ang kaniyang mga anak.

Hindi na siya pumapasok tuwing Linggo, nagsisimba na sila ng kaniyang pamilya at siya mismo ang nagtuturo sa kanilang mga anak tungkol kay Papa Jesus. Kumakain din sila sa labas at natutunan din niyang bumalik sa dating kinagawian, ang kumain sa mga murang restawran.

“Mahal, salamat ha? Kasi ito ang tunay na masayang pamilya,” saad ni Grasya sa mister habang sila ay nakamasid sa mga anak na naglalaro sa labas ng kanilang bahay.

“Mahal, salamat dahil ginising mo ako ulit. Dahil kung hindi baka buong buhay kong pagsisihan na hindi ko nakikita ang paglaki ng mga anak natin. Salamat dahil masaya ka sa simpleng buhay na ganito,” baling ni Henry sa asawa sabay halik nito sa kaniyang kamay.

Ngayon ay masaya nang nagsasama ang mag-asawa. Hindi na rin pinapansin pa ni Miguel ang patuloy na pangmamaliit ng kaniyang mga manugang dahil ang importante’y naituro niya sa kaniyang mga anak na hindi pera at magarang buhay ang mahalaga dito sa mundo, kundi ang oras na kasama mo ang pamilya mo.

Ano ang aral na natutunan mo sa kathang ito?

I-like at i-follow ang manunulat na si Inday Trending at subaybayan araw-araw ang bagong maiikling kwento ng inspirasyon na sumasalamin sa buhay, suliranin at karanasan ng isang Pilipino.

Advertisement