
Sumama ang Dalaga sa Tatlong Kaibigang Lalaki; Ngunit ang Hindi Niya Alam ay May Masama Pala Itong Balak sa Kaniya
Mahilig sumama si Marj sa mga kaibigan niyang lalaki. Kahit mag-isa lang siyang babae sa tropa ay panatag siya sa mga ito.
“May pupuntahan tayo mamayang gabi ha, Marj hindi kumpleto ang barkada kapag wala ka!” nakangising sabi ni Patrick.
“Siguradong mag-e-enjoy tayo roon,” sabad naman ni Earl.
“Sagot na namin ang pagkain at toma,” hirit pa ni Zuen.
“Go ako! Kailan ba ako nawala sa galaan?” sagot ni Marj sa tatlong kaibigan.
Nang sumapit ang gabi ay gumayak na ang apat at sumakay na sa kotse. Sabik ang mga ito sa pupuntahan nila. Tiwala naman si Marj sa mga kasama kaya pinagbigyan niya ang mga ito.
“Saan ba talaga ang lamyerda natin ngayon?” tanong ng dalaga.
“Basta, maganda sa pupuntahan natin!” sambit ni Earl.
“Oo nga, pupuntahan natin ngayon ay ang pinaka-thrilling sa lahat ng mga lakad natin,” sabad ni Zuen.
“Tama si Zuen, Marj… malalaman mo na lang pagdating natin doon!” wika naman ni Patrick.
“Basta sa lakaran ng grupo, gusto namin ang nag-e-enjoy ka,” pahabol na sambit ni Earl.
“Kaya naman nawiwili ako sa pagsama sa inyo, eh kasi tiyak na masaya at memorable ang experience,” sagot niya sa mga kaibigan.
Ilang oras lang ay narating na nila ang isang liblib na pook. Malayo iyon sa siyudad. Masukal ang paligid at nagpunta ang apat sa isang abandonadong bahay. Banyaga kay Marj ang lugar na pinuntahan nila. Nakaramdam siya ng kaba habang nililibot nila ang buong kabahayan na mistulang haunted house.
“Ilang na lugar ito, ah! At mukhang matagal nang hindi natitirhan ang bahay na ito. Nakakatakot dito!” hayag ni Marj sa mga kasama.
“Wala talagang nakatira rito. Ilang taon ng abandonado ang bahay na ito at matagal na naming alam ang lugar na ito kaya nga dito ka namin isinama para solong-solo natin ang kaligayahan!” natatawang sabi ni Patrick.
Napansin ng dalaga na iba na ang pagkakatitig sa kaniya ng tatlong lalaking kasama niya.
“O, eh bakit gan’yan ang tingin at pagkakangiti ninyo?” tanong niya.
“Naimpluwensiyahan kasi kami ngayon ni pareng sh*bu!” tatawa-tawang sagot ni Earl.
“What?! Mga ad*k kayo?!”
Mas lalong kinabahan si Marj sa sumunod na sinabi ng mga kaibigan.
“Madalas kasi kaming maubusan ng pambili ng dr*ga, eh…kaya ikaw ang naisip namin para lagi kaming sagana,” wika ni Zuen.
“A-anong k-kailangan ninyo sa a-akin?” nauutal nang tanong ni Marj.
“Ipapatubos ka namin sa mga magulang mo sa malaking halaga!” tugon ni Patrick.
Mga lulong pala sa ipinagbabawal na gamot ang mga kasama ni Marj. Sa kanilang apat ay siya ang mas nakakaangat sa buhay kaya siya ang naisip ng tatlong lalaki na sagot sa pangangailangan ng mga ito ngunit hindi lamang pala ‘yon ang balak ng mga buhong sa kanya.
“Pero bago iyon… kailangang matikman ka muna naming tatlo!” bunyag ni Earl.
“At huwag ka nang magtangkang tumanggi o tumakas… madilim sa labas at masukal pa ang daan, wala kang mapupuntahan, hindi ka makakawala sa amin!” sabad pa ni Zuen.
“Mga walang hiya kayo! Itinuring ko kayong mga kaibigan ‘yun pala’y may masama kayong tangka sa akin? Hinding-hindi ko kayo mapapatawad! Hindi kayo magtatagumpay!” buong tapang niyang tugon sa mga kasama saka nagmamadaling tumakbo palabas ng abandonadong bahay. Kahit puno ng takot ang dibdib ay nilakasan ni Marj ang loob na tinahak ang masukal at madilim na paligid. Tiwala naman ang tatlong lalaki na hindi siya makakalayo at makakatakas.
“Habulin! Hindi makakatakas ang babaeng ‘yan, tiyak na mapapasa-atin din ‘yan!” sigaw ni Patrick sa mga kasama.
Kahit pagod na sa kakatakbo ay pinilit pa ring takasan ni Marj ang mga ad*k niyang ‘kaibigan’.
“Bahala na kahit saan ako mapadpad basta makalayo lang ako sa mga hayop na ‘yon!” sabi niya sa isip.
Samantala, wala siyang kamalay-malay na nakasunod lang sa kaniya ang tatlong lalaki.
“Talasan ang mga mata! Hindi pa nakakalyo ‘yon!” sambit ni Zuen.
Mayamaya ay napagtanto ni Marj kung saan na siya dinala ng kaniyang mga paa.
“D-Diyos ko po! Sementeryo na ito!” wika niya sa sarili.
‘Di nagtagal ay nasukol din siya ng mga humahabol sa kaniya.
“Nakupo!” gulat niyang sabi nang makita ang grupo ni Patrick.
“Kabisado namin ang lugar na ito, Marj kaya wala kang kawala!” natatawang sabi ng lalaki.
“Wala ka nang matatakbuhan,” sabad ni Earl.
“Amin ka ngayong gabi!” nakagising sabi ni Zuen.
Gumuhit sa kadiliman ang malakas na sigaw ni Marj nang dakmain siya ng tatlo.
“Saklolooo! Tulungan niyo akoo!” hiyaw niya.
“Walang makakarinig sa iyo rito kaya manahimik ka na lang!” sambit pa ni Patrick.
Ngunit sa kabilang dako ay may mga nakarinig sa panaghoy ni Marj at nagmamadaling sumugod ang mga ito sa kinaroroonan nila. Mayamaya ay nanghilakbot ang tatlong lalaki sa nasaksihan nila. Hindi sila makapaniwala sa mga dumating.
“Mga pat*y na nabuhay!” takot na takot na sigaw ng grupo nina Patrick nang makita ang pagsugod sa kanila ng mga bangk*y na bumangon pa mula sa hukay.
‘Di nagtagal ay kamat*yan ang iginawad ng mga ito sa tatlong magkakaibigan. Walang itinirang buhay.
Sa tindi ng takot ay hindi nakapagsalita at nakakilos sa kinatatayuan niya si Marj ngunit walang intensiyon ang mga nilalang ng dilim na idamay siya sa kinasapitan ng mga kasama. Matapos na hatulan ang tatlong buhong ay umalis na ang mga nabuhay na bangk*y at nagsibalik sa kanilang mga libingan.
“Maraming salamat sa inyo!” mangiyak-ngiyak na sambit ni Marj habang pinagmamasdan ang muling paghimlay ng mga nagambalang bangk*y.
Biglang nawala ang takot na nararamdaman niya nang mapansin kung anong klaseng libingan ang napuntahan niya.
“Diyos ko! Libingan pala ito ng mga ‘Bayani’! Kung gayon ay ang mga bumangong bangk*y ay ilan lang sa mga bayaning nakalibing dito!” gulat niyang sambit sa isip.
Nang mag-imbestiga ang mga pulis sa nangyari sa tatlo ay sinabi niyang pinagtangkaan siyang pagsamantal*han ng mga ito at ang may kagagawan sa pagkamat*y ng tatlong lalaki ay mga taong tumulong sa kaniya ngunit hindi niya namukhaan kung sinu-sino. Inilihim niya ang misteryong naganap sa sementeryo dahil alam niyang walang maniniwala sa kanya.
Mula noon ay natuto na si Marj na kilalanin muna ang mga taong kakaibiganin at sasamahan niya. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari sa kaniya ngunit laking pasasalamat niya dahil nakaligtas siya sa tiyak na kapahamakan.
Napagtanto niya na laging buhay pa rin ang diwa ng mga bayani na handang tumulong sa hiyaw ng mga naaapi.