Kahit Pinagtatawanan ang Isang Probinsyana ay Nagsumikap Siya Upang Manguna sa Bar Exam
“Magandang omaga sa inyung lahat, aku pu ay si Mildrid G. Piriz, labing walung taung golang. Ikinagagalak ku kayung makelala,” kinakabahan at nangingiwing pakilala ng dalagang si Mildred.
Unang araw ng kanyang pasukan sa kolehiyo. At ito naman ang unang linggo niyang nakasampa sa Maynila. Lumaki siya sa probinsya at buong buhay niya ay tinuon niya sa pagtulong sa kanyang mga magulang sa pag-aararo. At sa pamamagitan ng trabaho sa bukid ay pinagsumikapan ng kanyang mga magulang na makatuntong siya sa kolehiyo sa Maynila.
Subalit hindi niya inakala na sa unang linggo niya pa lamang dito ay magkakaroon na siya ng suliranin. Pinagtatawanan kasi siya ng halos karamihan dahil sa pananalita niya. Matigas kasi siyang magsalita kasi nga’y probinsyana siya.
“Mildrid Piriz saang lumapalop kaya siya nanggaling?” rinig niyang wika ng isa niyang kaklase. “Probinsyana!”
Sinundan pa ng iba’t ibang panloloko mula sa kanyang mga kaklase.
“Koya, koya huwag po!”
“Enday handa na ang hapunan!”
“Bisaya ka man ‘day!”
Ilan lamang iyan sa mga panlalait at pang-iinsultong natanggap ni Mildred. Noong una ay nasasaktan pa siya ngunit nang magtagal ay nakasanayan nya na rin ang iba’t ibang pang-iinsultong natatanggap niya.
Kung minsan ay tinatanong siya ng kanyang pamilya sa probinsya ukol sa kanyang kalagayan, “Anak,Mildred,a yos ka lamang ba? Hindi ka ba nahihirapan d’yan? Yung mga kaklase mo? Pilya at pilyo ba?”
“Yung iba lamang po. Pero wala pu iyun, hende ku nalang pu sila inientendi. Hindi pu aku makakatapus ng pag-aaral kong sela ang eentindihen ko. At saka pu ukey lang sa aken sila kase ang nagseselbi pagsobok kaya aku nagpoporsege para malaman nelang hende sa lahat ng pagkakataun pwidi nelang maleeten ang kagaya kung probensiyana,” malungkot ngunit determinado niyang wika sa mga ito.
Paulit ulit na naging senaryo sa loob ng silid aralan nila ang mga naging panlalait kay Mildred. Kung noo’y pagsasalita lamang niya ang nilalait ng mga ito, nang magtagal pati ang pananamit niya ay hindi na rin nakaligtas sa mata ng mga kaklase.
“Miss Perez,” minsang tawag ng guro sa kanya.
“Yis pu, Ma’am?”
“Congratulations ikaw ang nanguna sa pagsusulit natin sa lahat ng asignatura,” masayang wika ng guro kay Mildred.
Sa bawat award na nakukuha niya sa eskwela ay masaya niyang binabalita sa kanyang pamilyang naiwan sa probinsya. Sa isip isip niya ay iyon nalang ang natatanging maibabalita niya sa mga ito. Ayaw niya kasing aminin sa mga ito ang paghihirap niya dahil sa panlalait ng mga kaklase.
Matuling lumipas ang taon, nasa ika-apat na siya ng taon sa kolehiyo sa kursong Political Science. Nalagpasan niya ang lahat ng pambubuska ng kanyang mga kaklase. At natapos ang kanyang pag-aral nang may karangalan. Isa na lamang ang gusto niyang makamit, at iyon ay makapasa sa bar exam. Upang makapagtrabaho siya at matulungan na ang kanyang mga magulang.
“Anak, isang hakbang nalang at makakamit mo na ang matagal mo ng pinapangarap. Bukas na pala malalaman ang resulta ng bar exam niyo. Alam naming kayang kaya mo iyan,” wika ng kanyang ama.
Nandito lamang kami palagi sa tabi mo.Kahit anong mangyari ipinagmamalaki ka namin.
Kinabukasan tumungo na siya, kasama ang kanyang ina, sa lugar kung saan makikita ang resulta ng kanyang bar exam. Doon ay nakita niya ang mga kaklase niyang nangungutya sa kanya noon. Mabilis niyang tinungo ang list ng bar exam passers. Mataman niyang pinagmasdan ang kapirasong papel kung saan naroon ang pangalan niya sa pinakaunahan ng list of passers. Halos hindi siya makapaniwala sa nakita. Rinig na rinig niya rin ang bulungan ng kanyang mga kaklase.
“Si Mildred, top 1. Wow!”
“Yan yung probinsyana diba?”
“Oo ang galing niya! Galing sa school natin yan. Nakakaproud!”
Halos mapaluha at mapatalon sila ng kanyang ina sa sobrang kagalakan .Wala talagang imposible kung ikaw ay determinado. Sa kabila ng pangungutya sa kanya ay nalagpasan niya iyon. At ang dating mga kaklase niya ay isa isang naglapitan sa kanya upang batiin siya at humingi na rin ng kapatawaran sa ginawa nila noon sa kanya. Marahil ngayon nila naisip na wala sa salita o pagiging probinsiyana ang susi sa tagumpay. Ngayon ay tagumpay na si Mildred at may trabaho na rin. Nasa tugatog na siya ng tagumpay na kanyang abot-kamay.