Sumama ang Dalaga sa Mapera Niyang Tiyuhin na May Pusong Babae; Pagtatangkaan Pala Siya ng Kinakasama Nitong ‘Kano
Labandera ang trabaho ni Selina habang tindero naman ng isda sa palengke ang mister niyang si Homer. Kahit paano ay sapat naman ang kinikita nilang mag-asawa para buhayin ang anak na si Maricar. Beinte tres anyos na ang dalaga at malapit nang magtapos sa kolehiyo. Likas na matalino ang kanilang anak kaya napipisil itong maging Summa Cum Laude sa pinapasukang unibersidad.
“Inay, ano pong plano natin sa graduation ko?” tanong ng dalaga na umupo sa tabi niya. Abala naman si Selina sa pagkukuso’t piga sa mga labahin niya. Tambak ang mga damit na lalabhan niya dahil nagpa-reserve na ang suki niyang si Aling Tisya na nagmamay-ari ng boarding house sa tapat ng bahay nila. Nagpapalaba sa kaniya ang mga boarders ng ale tuwing araw ng Linggo.
“Huwag kang mag-alala, si nanay ang bahala dun. Nag-iipon na ako para may panghanda tayo sa graduation mo. Plano komg magluto ng pansit at menudo. Sigurado namang ibibili ka ng tatay mo ng ice cream at cake. Hindi pwedeng walang celebration sa araw ng iyong pagtatapos, anak. Ngayon lang magkakaroon ng Summa Cum Laude sa pamilya natin,” sabik na sabi ng babae sa anak.
Pero hindi nagustuhan ni Maricar ang sinabi ng ina. Sumimangot ang dalaga.
“T-teka, h-hindi po tayo sa labas magse-celebrate? Buti pa ‘yung kaklase kong si Jennifer sabi ng mommy niya sa restawran sila magse-celebrate tapos tayo dito lang sa bahay, dito sa barung-barong na ito?”
“Ano naman ang masama kung dito natin iselebra sa bahay ang graduation mo? Kung gusto mo aayusin namin itong bahay natin, para maganda ang party mo, anak,” wika ng ina.
“Ayoko dito, inay! Nakakahiya, gagradweyt akong Summa Cum Laude sa school tapos dito lang sa bahay ang handaan? Inay naman, nag-uwi ako ng karangalan sa inyo, ‘di po ba pwedeng suklian niyo naman ng magandang selebrasyon?” sabi pa ni Maricar pagkatapos ay tumayo at iniwan ang ginang na tulala sa kaniyang inasal.
Sa totoo lang, sawa na siya sa hirap kaya nagpupursige siya sa pag-aaaral para agad siyang makaahon sa putik na kinalalagyan niya. Lihim din niyang ikinahihiya ang mga magulang niya dahil hindi nito kayang ibigay sa kanya ang luhong gusto niya. Ano nga ba ang mapapala niya rito, eh labandera lang at tindero ng malansang isda ang mga magulang niya?
Isang gabi, kauuwi lamang ni Maricar mula sa eskwela dahil nag-practice sila ng graduation ceremony. May nakita siyang magarang kotse na nakaparada sa tapat ng bahay nila. Dahil sa kuryosidad ay agad siyang sumilip sa loob ng kanilang bahay. Ang bumungad sa kaniya ang isang may edad na babae na nakapostura, mukhang branded ang suot na damit at kumikinang ang mga alahas sa katawan. Sino kaya ito?
“Sige na naman, Selina, Homer! Baka pwede niyo namang ipahiram sa akin ang pamangkin ko! Alam niyo namang wala akong anak, gusto kong may makasama sa aking bahay kahit isang buwan lang,” pakiusap ng babae sa nanay at tatay niya.
Saka lamang namukhaan ni Maricar ang babaeng bisita…
“T-Tito Josh?!” gulat na sabi niya.
Grabe! Babaeng-babae na ang tiyuhin niyang may pusong babae! Ang Tito Josh niya ay nakatatandang kapatid ng nanay niya, mag-isa na ito sa buhay. Nagtrabaho ito sa abroad at nang magbalik ay isa nang tr*nswoman. Nag-opera ito sa ibang bansa para maging ganap na babae. Umansenso sa abroad ang kaniang tiyuhin kaya mapera na ito. Nakatira na nga ito sa condo sa Makati. Nalaman niya na gusto nitong doon muna siya tumira para may makasama ito. Miss na miss na raw nito ang paboritong pamangkin.
“Gusto kong sumama kay tito, inay, itay!” mariing sabi niya sa mga magulang.
Tuwang-tuwa naman ang tiyuhin niya.
“Tita, hija, tita na ang itatawag mo sa akin ngayon ha? O, tingnan ninyo, gustong sumama sa akin ng pamangkin ko kaya pagbigyan niyo na ako. Saka huwag kayong mag-alala, para hindi na kayo gumastos na mag-asawa, ako na ang magbibigay ng party kay Maricar. Balita ko’y gagradweyt itong pamangkin ko bilang Summa Cum Laude. I am so proud of you, my favorite pamangkin!” wika ng tiyuhin sabay yakap sa dalaga.
Walang nagawa ang mga magulang niya. Dahil gusto rin ng mga ito na maging mas masaya siya sa pagselebra ng graduation niya ay pinayagan siya ng mga ito na magbakasyon sa condo ng Tito este Tita Josh niya.
Hay, ang saya-saya niya. ‘Di niya akalain na bigla-bigla ay de kotse na siya ngayon. Goodbye na muna sa kahirapan at walang kwentang buhay niya sa poder ng nanay at tatay niya, kahit isang buwan lang ay susulitin niya ito. Tutal makikita pa naman niya ang mg ito sa graduation niya.
Nang makita niya ang tirahan ng Tita Josh niya ay namangha siya dahil ang laki noon! Parang hindi condo, napakaganda.
“Wow, ganda dito, tita!” aniya.
“O ‘di ba, sabi sa iyo, eh,” sagot nito.
“Maya maya ay isang lalaking foreigner ang lumabas sa kwarto.
“Darling,” wika ng tiyuhin niya. “This is Maricar, my niece. Maricar, this is Bryan, my boyfriend.”
Nakumpirma niya na ang foreigner na kasama nito sa condo ay ang nobyo nito.
“Hello!” bati niya.
“Ilalahad niya sana ang kamay pero niyakap siya ng lalaki. Medyo kinilabutan siya nang kaunti dahil hinimas-himas nito ang likod niya, malapit na ngang bumaba sa balakang niya ang malaki nitong kamay kaya kumalas na siya.
“Hi, pretty lady. Call me uncle,” sagot ng lalaking ‘Kano.
Pero sa pagtira niya sa condo ng Tita Josh niya, akala niya ay naranasan na niya ang marangyang buhay na pangarap niya, pero impy*rno naman pala ang pinuntahan niya. Isang hapon, habang wala ang tiyuhin ay pinagtangkaan siyang pagsamant*lahan ni Bryan, buti nalang at nasipa niya sa harapan ang ‘Kano. Dahil sa lakas ng pagsipa niya ay napaupo ito sa sahig at namilipit sa sakit.
“Damn you!” sabi nito.
Tumakbo siya palabas ng condo. Nanatili muna siya sa labas at naghintay ng ilang oras sa pagbabalik ng tiyuhin niya. Nang matanaw niya ang kotse nitong papalapit ay saka lamang siya bumalik. Isusumbong niya ang many*k na lalaki.
Nang bumaba sa sasakyan ang kaniyang Tita Josh ay may kausap ito sa selpon, hindi niya sinasadyang marinig iyon.
“Nabubuwisit na ako b*kla, kung hindi lang hiniling nitong si Bryan ay hindi ko dadalhin dito sa condo ko ang anak ng kapatid ko. Akala ko naman, kapag naibigay ko na ang hilig ng ‘Kanong iyon ay isasama na niya ako sa Amerika at doon na kami magsasamang dalawa. ‘Pag nangyari iyon ay buhay reyna na ako ‘no! Mayaman ang ‘Kanong iyon kaya gagawin ko ang lahat, mapasaakin lang siya. Pero ayaw pa rin niyang umalis dito eh, ayaw pa rin niya akong isama! Put*ngina, ayaw pa rin kasi yatang pagalaw ng pamangkin ko sa kaniya, eh kaya ayun nabubugnot ang loko,” sabi nito sa kausap.
“A-ano? Hindi!”
Ang ibig sabihin, alam ng tiyuhin niya ang pagtatangka ng nobyo nitong ‘Kano sa kaniya? Ibig sabihin, kaya siya ginustong isama nito sa condo ay para ipain sa many*k nitong boyfriend? Para sa pansariling kapakanan?
Hindi na siya naghintay na makita pa ng dalawang baboy. Nagpakalayu-layo na siya sa lugar at naglakad pauwi sa kanila. Nagsisisi siya kung bakit siya sumama sa tiyuhin niya, akala niya ay maganda ang intensyon nito pero hindi pala.
Humahagulgol siyang kumatok sa barung-barong nilang bahay, agad na siyang niyakap ni Selina nang makita siya nito.
“Homer! Nandito na ang anak natin!” lumuluhang sabi ng ginang. Nagyakapan silang tatlo, galit na galit naman ang mga magulang niya lalo na ang nanay niya nang ilahad niyang ang tungkol sa tiyuhin niya at sa mga balak nito.
Ipinakulong nila ang lalaking ‘Kano maging ang tiyuhin niyang si Josh.
Mula noon ay hindi na siya nagreklamo sa buhay nila. Mas lalo niyang minahal ang mga magulang niya at sa mga ito niya inialay ang karangalang natanggap niya sa kaniyang pagtatapos sa kolehiyo. ‘Di nagtagal ay nakahanap din siya ng magandang trabaho at nabigyan niya ng maayos na buhay ang nanay at tatay niya.