Masarap Sanang Kasama mo ang Iyong Mahal sa Anibersaryo Niyong Dalawa; Ngunit Isang Hindi Inaasahan ang Mangyayari sa Dalawang Ito

Masarap Sanang Kasama mo ang Iyong Mahal sa Anibersaryo Niyong Dalawa; Ngunit Isang Hindi Inaasahan ang Mangyayari sa Dalawang Ito

InspiringLoveStories

Sundalo si Christian at nurse naman ang kaniyang nobyang si Helen. Dalawang taon na rin silang magkarelasyon at tatlong buwan na lang ay idadaos na nila ang pangatlong taong anibersaryo ng kanilang pagmamahalan.

Ngunit dahil sundalo si Christian ay may obligasyon itong maglingkod sa bayan. Hindi inaasahang nadestino si Christian sa malayong lugar kaya labis ang lungkot na naramdaman ni Helen.

“Ano ba naman iyan! Kung kailan malapit na ang 3rd anniversary natin saka ka naman mapapalayo sa’kin,” mangiyak-ngiyak na wika ni Helen.

No’ng una at pangalawang anibersaryo nila ay magkasama silang dalawa. Kahit may trabaho si Christian noon ay pinilit nitong i-celebrate ang relasyon nilang magkasama.

Ngunit malabong mangyari ang bagay na iyon ngayon. Dahil napakalayo ng destinasyon ng binata sa pagkakataong ito. Ide-destino ito sa Mindanao, kaya mahirap para sa kanilang magsama at napaka-imposible.

“Gagawa ako ng paraan, mahal. Huwag ka nang umiyak. Gano’n talaga ang buhay sundalo,” nalulungkot rin na wika ni Christian.

Kung ito lamang ang masusunod ay ayaw nitong mapalayo nang gano’n sa nobya. Ngunit hindi siya maaaring tumanggi sa ipinag-uutos.

Mabilis na lumakad ang panahon. Kahit nasa malayo si Christian at abala sa training at gano’n rin naman si Helen sa kaniyang trabaho bilang nurse ay gumagawa sila ng paraan upang magkausap kahit sa pamamagitan ng pag-video call o ‘di kaya’y sa pagtawag sa selpon at pag-text.

Hindi nila kailanman pinutol ang kumunikasyon ng bawat isa. Dahil sa ganitong pagkakataon ay iyon na lamang ang tanging sandata upang ipaabot ang pagmamahal nila sa isa’t-isa.

“Bukas na ang annversary natin,” malungkot ngunit nakangiting wika ni Helen. “Advance happy 3rd year anniversary mahal.”

“Sorry dahil hindi ko kayang bumiyahe pauwi d’yan ngayon, mahal. Hayaan mo babawi ako sa pag-uwi ko. Saka na lang tayo mag-celebrate,” wika ni Christian.

“Sige,gusto ko ‘yan,” sang-ayon naman ni Helen. “Basta lagi mong iingatan ang sarili mo ah. Ayokong ma-byuda nang maaga. I love you mahal ko,” mariing bilin ni Helen.

“I love you too mahal ko,” malambing namang tugon ni Christian.

Kinabukasan nang magising si Helen ay agad niyang kinuha ang selpon na nakapatong sa kaniyang maliit na mesa at umaasang may sweet long message siyang matatanggap mula kay Christian, ngunit wala!

Agad namang nakaramdam ng panlulumo si Helen, dahil hindi man lang siya binati ng nobyo o nag-message man lang nang nakaka-touch na mensahe sa mismong anibersaryo nila.

Kaya nagpasya na lamang siyang maligo at nang matapos ay isang doorbell ang narinig niya. May bisita ba siyang hindi inaasahan?

“Hello ma’am may delivery po kayo,” wika ng rider na nag-dedeliver.

Agad namang naguluhan si Helen. “H-ha? Kuya wala po akong natatandaang may in-order ako.”

“Ikaw po ‘di ba si Ma’am Helen?”

“Opo.”

“Galing po ito kay Lt. Christian, ma’am.”

Nang sumang-ayon si Helen ay sinimulan nang ilabas ng rider ang mga pinadala sa kaniya. Isang camera, cake, flowers, stuff toys at chocolate. Nang matapos niyang pinirmahan ay agad na ring umalis ang rider.

Nang buksan niya ang camera at nakita kong anong laman ni’yon ay agad na tumulo ang luha ni Helen. Video iyon ni Christian, nagsasalita ito sa harapan ng camera habang naka-record at doon sinasambit ang sweet long message na nais niyang mabasa kanina.

“Hi mahal. Happy 3rd year of love and thank you sa lagi mong pag-unawa sa’kin. Gustong-gusto kong umuwi kaso hindi pa pwede dahil marami pa kaming gagawin rito. Sana napasaya kita sa simpleng effort na ginawa ko ngayong tatlong taon natin.

Wala akong ibang maisip na paraan. Iniisip ko baka hindi ka masiyahan sa gagawin ko dahil mas gusto mong magkasama tayong dalawa ngayon. Ngunit wala na talaga akong ibang alam na solusyon upang kahit papaano ay makabawi.

I’m sorry kung wala ako sa tabi mo ngayon, pero sana maramdaman mo ang pagmamahal ko kahit ganito lang ang nakayanan ko. Mag-iingat ka d’yan at mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita.”

Iyon ang mga sinabi ni Christian sa recorded video na nasa camera. Agad namang tumawag si Helen sa nobyo upang magpasalamat sa simpleng effort nito pero para sa kaniya’y napakalaking bagay na.

Kapag mahal ka talaga ng isang tao. Hahanap ‘yan ng paraan upang maramdaman mo iyon. Kahit sa simpleng paraan lamang. Hindi rason ang distansya at ang pagiging abala niya upang hindi ka na niya bigyan ng oras.

More Stories